Chapter 26 - Cut

141K 4.3K 14.7K
                                    

TAMED XXVI - CUT

I WAS too tired to participate in today's events and plans for tomorrow, so I stayed in my room. Even so, Richelle asked for my help, and Kuya Knox filled me in on how the flawed materials we obtained from the mall had impeded their work. That being said, they had to come up with alternative solutions rather than relying on the ones I had printed.

Nagtanong pa rin ako sa mga kasamahan ko lalo na sa organizers ng event bukas kung ano'ng pwede kong maitulong. I lent them a hand in crafting the summer landscapes, kahit papaano na-enjoy ko naman ang aking ginagawa.

"Ate, nandiyan ka lang pala. Hinahanap ka ni Miss Richelle sa taas." Turo ni Jerold sa taas ng stage pagkatapos nya akong makita sa kumpulan ng mga officers sa table na ito.

"Bakit daw?"

"Tulungan mo raw sila ro'n, iniistorbo mo lang daw sila rito."

Nagtaas ako ng kilay. "Sinabi niya 'yon?"

"Oo ate, pagpapa-cute lang daw ambag mo rito sa baba."

"Sinabi niya yon?! Pakisabi hindi siya cute kamo!" pahabol ko pa pagkatapos niya akong tawanan, makukurot ko talaga 'yang si Richelle sa bibig!

Nagpaalam na ako sa kanila at umakyat ng hagdan papuntang stage, nadatnan ko si Richelle na abalang minamanduhan si Jazzver na nasa itaas ng akyatan.

"Saan ka galing, Zamantha?"

"Tumulong lang naman akong gumawa ng summer landscapes sa baba," sagot ko nang nagtataas ang kilay. "Your union was brilliant to call me to help spruce up the venue by painting the walls before the big event too. Sinamahan ko rin silang magtinda!"

"At bakit mo ako sinusungitan?"

"Pinapatawag mo ako kay Jerold, 'di ba?"

"Hindi pa kami nag-uusap ni Jeorld today, did he really say that?" She looked back at Robles. "Hindi ganyan, Jazzver! Itaas mo pa! Ayan! Para pantay sa kabila katulad ng kilay ko!"

"Pinapatawag mo ako tapos sabi mo nagpapa-cute lang ako ro'n! Binilang ko na nga sa harap mo inambag ko rito para wala ka nang masabi!"

"He really said that?! Pinag-aaway lang tayo ng Jerold na 'yan! Iharap mo siya sa 'kin ngayon din, magtutuos kami o tulfo!" Naiinis siyang bumaling ulit kay Robles. "Hoy, Robles! Ayusin mo 'yang trabaho mo kung ayaw mong itulak ko itong hagdan dito!"

"Do it, just make sure lang na sa 'yo rin ako mahuhulog," banat ni Jazzver na nagpangiwi sa 'kin. Kahit hindi pasado sa 'kin pambabanat niya, pinigilan ko pa rin kamay ni Richelle na desidido talaga siyang itulak saka ko sila iniwan.

"Ate Zamantha, sinabi ko 'yong sinabi mo kanina. She was peeved and made me carry those haversacks of pebbles for the landscapes!" hinihingal na maktol ni Jerold habang nagpupunas ng pawis sa kanyang muka. "It was frustrating that she thought I was lying, dapat pala ni-record ko usapan natin kanina."

I informed Trina that I would be showcasing my singing talent tomorrow, but she suggested that I also incorporate dancing into my performance. I agreed to her suggestion, but only if she would be willing to teach me the dance and provide backup support during my talent number.

"Nag-practice ka ba today?"

"Not yet, Trina." Malinis ang ground ng stage dahil nga bagong muwebles lahat ng ginamit kaya kumportable lang silang nakaupo rito.

"At bakit, aber?" Binitiwan niya ang ibang materyales saka niya ako tiningnan. "Girl, tomorrow is the big day. Are you taking it seriously?"

Reign chuckled and said, "Trina, relax. Look at her face, she doesn't seem nervous at all. Trust your girl."

Tamed [GL-Sapphics]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon