Chapter 34 - Escapade

239K 5.5K 38.7K
                                        

TAMED XXXIIII - ESCAPADE

KINAKABAHAN ako, hindi ko alam kung bakit. Tama bang iniwan ko siya sa lalaking 'yon? Paano kung may masamang mangyari sa kanya? Sana kapraningan lang ito dahil hindi talaga maganda ang nararamdaman ko.

I shrugged and got a hard time searching for Miss Rhio's car in the parking lot. Natagpuan ko 'yong kotse niya at agad naman akong kumatok sa tinted window. She has no response so I was thinking she's asleep or probably not inside.

I turned the key Cash gave me and eased the door open. She was inside, leaning back, completely caught up in whatever song she was listening to. Naramdaman niya ang presensya ko kaya ito napatingin sa akin, nagulat ko yata siya kaya ayon, hindi na naman ako nakatakas sa masamang tingin niya.

"Sorry, pumasok na ako. Kanina pa ako kumakatok."

Mukang wala itong balak kausapin ako dahil hindi man lang niya inabalang tanggalin ang earpods niya pagkatapos niya akong tingnan ng masama.

Sumipat siya sa labas. "Why are you alone?"

Finally, she removed those stuff from her ears and asked me about her cousin.

"Dumating si Marco, eh."

Tumango lang siya at sinimulan nang andarin ang sasakyan.

"Hindi mo ba hihintayin ang pinsan mo?" tanong ko nang andarin agad ng propesora ang sasakyan pagdating ko. Ngayon lang ako naglakas loob na kausapin siya ulit pagkatapos kong ibalitang sumama kay Marco si Cash.

"I thought she's with Marco? Why do we have to wait for her? Si Marco na ang maghahatid sa kanya."

"Miss Rhio, another 10 minutes lang." Oo, lumipas na kasi ang sampong minuto pero hindi pa rin dumadating ang pinsan niya kaya nadagdagan ang pag-aalala ko. Kung may load lang ako ay hindi ko na aabalahin itong propesora. "Pwede mo ba siyang tawagan?"

Nakikiusap na ang tono ko, malapit na akong maging desperada para lamang pagbigyan niya ang hiling ko. Hindi kakayanin ng konsensya ko kapag may masamang nangyari sa pinsan niya, kargo ko 'yon kasi ako ang date at huling kasama niya.

"It's okay, she's hanging out with Marco. She's in good hands. Why are you so worried?"

"Hindi mo naiintindihan." Mukhang nakabatak kaya iyong Marco na 'yon kanina!

Tumaas ang kanyang boses. "I didn't quite get what you meant, pinsan ko ang pinag-uusapan natin."

It seemed like my words might have rubbed her the wrong way, siya nga naman pala ang pinsan at higit na mas nakakakilala kay Marco.

"I'm just worried."

"Then you're making more out of this than you need to! I told you, that freak is fine!"

"She's your cousin Miss Rhio! Wala ka bang pakialam sa kanya? Kahit simpleng pagtawag lang para siguraduhing ayos siya ay hindi mo magawa!"

Ano'ng klaseng pinsan siya? Ganyan na ba talaga katigas ang puso niya?

"Fine, fine, fine! Call her!" She angrily tossed her phone towards me and got out of the car, causing my heart to race faster. Padabog pa niyang isinara 'yong pinto ng sasakyan nang tuluyan na siyang makalabas.

Napaawang ang bibig ko dulot ng gulat dahil sa ginawa niya, hindi pa sana ako magigising sa katotohanan kung hindi nag-flash 'yong screen ng phone niya. Mababasa agad ang text message si Cash doon, nagtatanong kung nakauwi na ba kami.

Tamed [Sapphic/GL] (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon