Chapter 32 - Friday Night

260K 5.5K 42.4K
                                        

TAMER XXXII - FRIDAY NIGHT

THE ELEVATOR opened. Miss Rhio stepped out like everything was normal, and right before it closed, I saw two people standing there, waiting for her.

Brent and Ezra, her cousins.

Mukha silang nag-aalala at tila ang pinsan talaga ang sadya nila roon. Nakita kaya nila ako? Ay malamang?

I went on my day like nothing happened.

Things went productive. Tila ginanahan akong mag-aral at mabuhay. I was able to survived my subjects until 5 pm.

"Don't look so shocked. Friends kiss on the cheek all the time, don't they? You just earned some major bibingka points for that game, you know that? I just want you to listen attentively to your next classes and not fail again."

Friends kiss on the cheek? Friends na nga kami? Friends lang?

Her kiss didn't help actually, distraction pa nga.

"Salamat," bulalas ko pagkatapos kong bumili ulit ng soda kay ate na cashier mula sa counter nitong cafeteria.

Hindi ko ugaling nagbibilang ng sukli minsan pero dahil maganda mood ko, napansin ko pang napasobra ang binarya sa akin. Napailing ako at bumalik para isauli ang sobra.

"Ay ano po ito?" nagtatakang tugon sa akin ni ate.

"Nasobrahan niyo po ng singkwenta 'yong ibinigay niyong sukli sa'kin kanina." Saad ko, ngumiti lang ako ulit at tumango pagkatapos niyang magpasalamat ulit.

"I admire your honesty sister-in-law."

Muntik kong maibuga 'yong iniinom kong coke dahil sa walang pasabing pagsulpot ni Ezra sa harapan ko. Kumakain siya ng burger habang nginingisian ako pagkatapos niyang pagtawanan ang aking reaksyon.

"Anong sister-in-law? Sino inasawa kong kapatid mo?"

"Sister-in-law because you're my sister's girlfriend! And who knows next meeting, alukin ka na ng kasal!" pagbibiro niya. "Minsan, hindi pa naman nag-iisip 'yon."

"Naniwala ka naman sa kwentong barbero ng kapatid mo?"

"It's like reading a book in a foreign language trying to figure out what Cash is feeling, but I'm positive she's not being honest about it."

Sa kagustuhan kong malinis ang pangalan ko sa ginawang palabas ni Cash sa kanyang pamilya, kinausap ko si Ezra para ipinaliwanag ang lahat na kahit iyong tungkol sa benteng utang ko. Matino pala siyang kausap kapag kailangan, naging masinsinan ang usapan namin at batid kong hindi lang dahil sa kapatid niya kung bakit niya ako kinakausap ngayon.

"I don't want her to go down the same road as me and be gay."

Natigil ako sa sinabi niyang iyon, akala ko tapos na kaming mag-usap pero may pahabol pa pala siya. "Akala ko nagkakaintindihan na tayo rito? Sinabi ko na sa 'yo ang tungkol sa tunay na dahilan ni Cash kung bakit niya nagawa 'yon, hindi ba?"

"I have a feeling she's into you."

"That's impossible."

"We don't have control over who we develop feelings for, Zamantha. We're all stuck on this round planet with no sides to choose, kaya huwag kang masyadong magulat."

I know exactly what she was getting at and it hit home for me. Hindi ko rin naman piniling magkagusto sa babae, nangyari na lang. Now, I can finally say I'm not confused or trying out different things, and we can't dictate who we fall in love with.

"Imposible pa rin ang sinasabi mo, dalawang beses lang kaming nag-usap ng kapatid. I don't think we have the right dynamic or connection for her to develop romantic feelings for me." Ipaglalaban ko ito hangga't kamatayan.

Tamed [Sapphic/GL] (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon