Chapter 14 - Dance Studio

152K 5.7K 11.5K
                                        

TAMED XIII- DANCE STUDIO.

OVER breakfast, my brother and I caught up with each other, and I was astonished to learn that he and Professor Sandoval were once classmates in elementary school days. I don't know how my brother did it, but the bond between them seemed to be of long-standing nature.

Kami ni Kuya, pareho namin naging puhunan ang angking talino, pagsisikap at diskarte, na siyang nagsilbing hakbang para makasungkit ng oportunidad lalo pagdating sa aming edukasyon. Kaya hindi nakapagtataka kung naging schoolmates sila dati.

"Schoolmates lang talaga kami dati, hindi classmates. Mahirap kayang lapitan iyang si Miss Sandoval noon," kwento ni Kuya na pigil ngiting nakatingin sa propesora na seryosong pinapanood si Mama na siyang nagtitimpla ng kape para sa kanya.

"Really?" taas-kilay na tugon sa kanya ng guro. "But I get it though."

"Bakit naman? Hindi ba palakaibigan itong si Miss Sandoval kaya mahirap lapitan?" tanong naman ni Mama.

Tagakinig nalang talaga ako rito. Ako na kasi iyong sumasalo ng hiya dahil kanina pa siya tinatanong ng kung ano-ano nina Mama at Kuya. Ayoko nang dumagdag pa.

"Hindi dahil unapproachable siya o 'di friendly, Ma. Accelerated kasi 'yan ng ilang taon. Grade 2 palang ako noon tapos si Miss Sandoval ay Grade 6 na," manghang salaysay ni Kuya. "Kaya lahat kami intimidated, sobrang talino kasi."

Two years kasi ang age gap namin ni Kuya na kaedad ng propesora. Grabe 'yong Grade 2 lang dapat sila pareho pero Grade 6 na agad 'yong isa? Crazy. She's that gifted. Napakatalino niya at kita iyon lahat sa achievements and credentials niya... at kung ano siya ngayon. Propesora na siya sa murang edad. Nakapag-aral pa abroad. Wala akong masabi.

Naudlot ang kwentuhan dahil sa sunod-sunod na pagbusina ng sasakyan sa labas. Kinabahan ako kasi may kutob na agad ako kung sino ang bagong bisita.

At hindi nga ako nagkakamali.

He's here.

Ang magpinsan.

Gulat silang makita ang isa't isa.

"Why are you here?" tanong ng propesora kay Brent na naghihintay ngayon sa labas. Nagsabi siya kagabi na susunduin niya ako pero tumanggi ako dahil baka makita lang siya ni Kuya, hindi ko alam bakit nandito pa rin siya o sadyang makulit lang siya.

"Shouldn't I be the one asking this? Everyone was worried last night as you didn't go home. I went to your penthouse, but you were not there. Does this suggest that you spent the night here?"

"Answer my question, I asked you first," seryosong baling din sa kanya ng pinsan. Ganito ba talaga sila mag-usap?

"I was planning to fetch, Zamy. It's nice to see you here because I didn't want to have to wander around your family's private memorial to find you again. At least give your father a call, Pai."

"Ano'ng ginagawa ng lalaking 'yan dito?" singit ni Kuya na nakatayo ngayon sa likuran ko, lumabas siya para harapin si Brent.

"Good morning, bro," Brent greeted him casually.

"Kuya, pinsan ni Miss Rhio si Brent. Nandito siya kasi sinusundo niya si ma'am," bulalas ko para makalusot. Mapanuri kaming tinitigan ni Kuya lalo na ang magpinsan.

"She's right, bro. I'm here to pick up my cousin. Hindi kasi siya umuwi kagabi and Zamy told me she was here so... my beloved cousin, let's go?"

"Magpinsan ba talaga kayo?" usisa ni Kuya na ngayo'y kay Professor Sandoval nakatingin. "Baka boyfriend mo pala 'to, Miss Sandoval? Pumuporma pa naman 'yan sa kapatid ko, baka kabitan serye na pala 'to? Ano? Upakan ko na ba?"

Tamed [Sapphic/GL] (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon