TAMED XLVIII - FINAL BIT.
"TUBIG. . . Kuya." Nagpanggap na akong nabulunan pero hindi pa rin umubra. "Kuya naman!"
Naiiyak na ako kasi kanina pa may iba sa pakikitungo nila sa 'kin.
"Tumayo ka utol, kaya mo na 'yan. You're old enough to call the shots and do whatever you want, right?" may pag-uyam niyang saad.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa kubyertos, parang naglaho bigla 'yung pagkauhaw ko at napalitan ng hindi magandang pakiramdam.
"Tama na 'yan, Denzel, nasa harap kayo ng hapag. Nangyari na, isa pa't tatlong araw lang namang nawala iyang kapatid mo. Hindi ba't ikaw din naman ang nagsabing kasama naman niya si Rhio?"
Hindi ako mapakali, naiintindihan ko na ang pinanggagalingan ng tampo at hinanakit nila pero iba ang tabas ng tingin at dila ni Kuya ngayon. Masyado akong apektado dahil hindi ako sanay na ganito siya. Hindi ko pa nakikita si kuyang magalit bukod sa gabing nasuntok niya si Brent.
"Sabihin mo na," biglang bigkas ng aking kapatid.
Napalunok ako. "Ano'ng sasabihin ko?"
"Si Mama lang ang walang alam dito, Zamantha. Magsalita ka na at huwag mong hintaying ako mismo ang magsabi sa kanya."
"Hindi ko maintindihan, Kuya."
"Tang*na naman, Zamantha!" singhal niya at mariin itong tumayo sa harap namin.
"Sandali nga. Nasa harap kayo ng pagkain, ano'ng problema niyo?" Tumingin sa 'kin si Mama at kay Kuyang namumula na sa galit. "Zamantha anak, may nangyari ba? May hindi ba ako nalalaman dito? Denzel?"
"Kuya. . . akala ko ba nag-usap na kayo ni Rhi. . . Miss Rhio? Akala ko ba..." Nabanggit ni Rhio na nag-usap sila bago kami bumyahe kahapon kaya may ideya na sila kung saan ako nanggaling.
"Wala kaming pinag-usapan tungkol sa inyo! Kinausap ko lang 'yung tao sa sobrang pag-aalala namin sa 'yo! Pero hindi ibig sabihin no'n ay pabor na kami sa relasyon niyo!"
Halos matumba 'yung upuan sa bilis nang pagkabalikwas niya. Sinubukan ko siyang hawakan sa kamay pero hinawi niya lang nang walang pasubali.
"Kuya magpapaliwanag ako..."
"R-relasyon?"
"Mama," tanging sambit ko, nanginginig na ako. Hindi ko alam kung saan tutungo 'yung paa ko, kung susundan ko ba si Kuya o mananatili kay Mama para magpaliwanag. "S-sorry..." dagdag ko at hindi na hinintay ang susunod na sasabihin niya dahil yumakap na ako sa kanya.
"Ang akala namin ay tinangay ka na ng kung sino o may masamang nangyari sa 'yo. Dumating kami sa puntong nag-report na sa police," pahayag ni Mama. "Hangga't sa nalaman naming si Miss Sandoval ang kasama mo na ayaw pang aminin ni Cash no'ng una dahil kung sino-sino na ang pinaratangan ng Kuya mo sa sobrang pag-aalala niya sa 'yo."
"Akala ko masyado lamang nagpapaniwala sa mga pictures na iyon ang Kuya mo na posibleng mga walang katotohanan, na edited lang para siraan kayong dalawa ni Miss Sandoval."
I couldn't believe my eyes as I watched her stand up and grab something from under the table in our living room. Inilapag niya iyon sa harap ko saka ito napaupo sa upuang malapit sa kanya habang marahang hinahagod ang kanyang sentido.
"H-hindi ko ito inaasahan. Hindi ko mahinuha a-anak, hija. Ayokong maniwala noong una kong makita 'yan. . . pero sa sinabi ng Kuya mo. . . hindi ko na alam."
Nanginginig ang kamay ko nang ungkatin ko isa-isa ang mga nakapaloob na litrato sa brown envelope na iyon. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko. I glanced down and started flipping through the pictures, arranged in order based on the stamped dates, like a timeline. Pictures namin ni Rhio, mga mukha naming pareho ang kuha sa bawat litrato na magkasama.
BINABASA MO ANG
Tamed [Sapphic/GL] (EDITED)
RomanceTAMED • WRITTEN IN TAGLISH • SAPPHIC ROMANCE STATUS: COMPLETED DATE STARTED: July 2018 (Chapter 1-20) DATE RESUMED: April 2020 DATE FINISHED: December 07, 2020 (5PM PHT) Zamantha Karssen Abvelino is a sponsored student, concealing her talent and str...
![Tamed [Sapphic/GL] (EDITED)](https://img.wattpad.com/cover/137101626-64-k27540.jpg)