#11

4.6K 127 6
                                    

7:30am na pero di pa ako bumabangon..parang tinatamad ako na ewan..

*tok tok* bumukas ang pinto.

"hindi ka ba papasok Aj?" si Water Lily.

"tinatamad ako eh." sabi ko sa tinatamad na boses.

"bakit naman?"

"basta ewan." sabi ko sabay talukbong ng kumot.

"bahala ka nga." bumukas ang pinto..lumabas na siguro siya..

.

.

gising na ako. diko alam nakatulog pala ulit ako.

10:45am na.

*tok tok*

pumasok si Lily na parang natataranta.

"bakit?" tanong ko na nag-iinat.

"Si Ian andun sa baba." anu daw? si Ian??

"ha? bakit daw?"

"ewan. hinahanap ka."

anu?? bumangon na ako at nagtungo sa banyo..hindi ko alam ang gagawin ko kung magtotoothbrush muna o maghihilamos muna.

tapos na akong mapalit ng damit. tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin.

bumaba na ako. andun nga si Ian sa sala. anu kayang ginagawa niya dito.

"Sir Ian bakit po nandito kayo?" tanong ko. bakit naman kasi siya nagpunta dito..

"hindi ka kasi pumasok." ayy.. oo nga pala..

"sorry po. masama kasi ang pakiramdam ko eh." sabi ko na iba ang tinitignan.. nahihiya kasi ako sa nangyari kahapon. ung anu ung kiss niya.

"pwede bang samaha  mo ako?" tanong niya. samahan? saan naman kay?.

"saan sir?"

"sa palawan.. bibisitahin ko lang ang pinapagawa kung resort doon." sabi niya... resort? wow mayaman.

"sige sir. magpapalit lang ako."

pumanhik na ako sa kuarto ko..ba't sakin pa siya magpapasama pwede namang sa girlfriend nalang niya.

nakapagpalit na ako. kaya bumaba na ulit ako. pero wala na siya sa sala. lumabas ako..andun na siya sa kotse niya.

pumasok na ako sa kotse niya.

habang nagbibiyahe kami walang nagsasalita..

"uhm tungkol sa nangyari kahapon." paninimula niya.

"sorry." sabi niya. sorry daw? ganun lang. anu un? trip lang niya? kainis siya. di nalang ako nagsasalita.

ilang oras din kaming nagbiyahe sa wakas nakarating na din kami.

bumaba siya. kaya bumaba na din ako.

teka. bakit may maleta siya?

"teka bakit madami kang dala?" nagtatakang tanong ko.

hindi siya nagsalita. naglakad lang siya. aba't hindi niya ako pinapansin...sumunod nalang ako sa kanya.

huminto siya sa isang kuarto. teka magsasama ba kami sa iisang kuarto?

"teka bakit iisa lang ang kuarto?" tanong ko.

"iilan palang ang kuarto dito. pinapagawa palang ang iba.. yung iba naman may gumagamit nun."

nga nga! anu magsasama kami? pero bakit kailangan pa naming kumuha ng room eh uuwi naman kami mamaya.

---------------------

My Sweet Nerdy BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon