"Ms. Valdez paki encode nga 'to."
"opo sir.."
"tsaka paki timplahan pa ako ng coffee dalawa kasi may bisita ako."
"yes Sir."
puro utos..hmp.. ginagantihan ba niya ako? nagpunta muna ako sa mini kusina ng office tas nagtimpla ako ng coffe..
pabalik na ako sa office niya..kakatok na sana ako pero may narinig akong boses ng babae..
"haay! naku sweety sweety.. puro ka nalang work lumabas naman tayo..cge na." sabi ng babae.. girlfriend niya kaya yun.?? parang kumirot ang puso ko.. haay ewan. paki ko sa kanya.
kakatok na sana ako nung bumukas ang pinto.. nakatayo pa rin ako sa harap niya.
"oh. kanina pa kita hinihintay ah." sabi niya na parang naiinis.. kanino siya naiinis? sakin ba??
"sorry sir." pagkabigay ko ng coffee..umalis na ako.. parang ewan. hindi ko maintindihan ang sarili ko.
haay! kainis talaga! ngayon pa ako nasiraan ng kotse! hala! wala na rin akong pera. panu 'to? malayo pa naman ang a.t.m. booth dito.. kainis...
naglalakad na ako..sira ung kotse ko. wala pa akong pera...kaya ko naman siguro 'to. kainis naman kasi eh.
*beep beep*
sino naman kaya 'tong bumubusina sa'kin.
*beep beep*
kainis naman! huminto ako.. bumukas ung bintana ng kotse niya.
"bakit ka naglalakad?" si Ian.
"wala. sira ung sasakyan ko."
"okey." pinatakbo na niya ung kotse..aba't iniwan niya ako di man lang naawa sa'kin..
pinagpatuloy kuna ang paglalakad..
5mins after..
bumalik siya.
"sakay na." sabi niya.
hindi pa rin ako gumagalaw..himala bumalik siya.
"anu dika ba sasakay?" tanong niya.
"ah sige." sumakay na ako sa kotse niya.
habang nagbibiyahe kami, walang imikan..awkward! nahihiya naman kasi akong magtanong o magsalita.
nakarating na kami sa bahay..
"salamat sa ride.. ingat." sabi ko...umalis na din siya.
ibang iba na talaga siya..
pumasok na ako sa bahay.
"oh bakit late ka ngayon?" tanong ni Lily.
"nasira yung kotse ko."
"eh sino yung naghatid sayo?"
"si Ian."
"ano?? si Ian? yung nerd?"
"hindi na siya nerd ngayon Lily. ibang iba na siya.."
"anu? as in..."
"oo as in.. iba na talaga siya nagbago na siya. hindi na siya ung dating nakasalamin. hindi na siya ung dating nakatuck in lagi.."
"oh?"
"ang pogi niya nga eh. hihi."
"parang kilig ka diyan? anu kilig? ako? makikilig? haha.. diyan ka na nga."
umalis na ako..pumunta na ako sa kuarto namin. hindi ko ikakaila na gwapo talaga siya kahit sinong babae magugustuhan siya.
"ooy! kilig siya." sigaw pa sa'kin ni Lily.
"loko!"sigaw ko din.. kinikilig pa daw ako. haha..
---------------------
BINABASA MO ANG
My Sweet Nerdy Boss
Teen Fiction"Basta ang alam ko lang mahal kita..marami na tayong pinagdaanan at dahil doon di ako sumuko ang totoo pa nga mas lalo pa kitang minahal AJ"---Ian