Gabi na. Excited na akong sumama kay Ian. nagbihis na ako at niready ang mga kukunin ko.
Nakabukas lage ang pinto kasi simula noong umalis sila mama hindi na nilock ni Lily ang kwarto ko kaya malaya na akong makakalabas.
Pumunta ako sa kwarto ni Lily. Natutulog na pero gigisingin ko para makapagpaalam.
"Lily."
"Aj?" nagising na siya.
"Lily aalis na ako. Mag-iingat ka lage ha." niyakap ko siya.
"Ingat ka din Aj."
parang naiiyak ako pero pinigilan ko.
"umalis ka na Aj ako na ang bahala basta mag-iingat kayo ni Ian."
"oo salamat water Lily. kahit kailan maasahan talaga kita.".
Lumabas na ako ng bahay.. Ngayon magiging malaya na ako.
Nakarating na ako sa restaurant pero wala naman si Ian. siguro nalate lang yun.
tinaas ko ang kamay ko para tawagin ang waiter.
"uhm..wala bang pumunta dito na lalake? matangkad siya."
"wala pa naman po ma'am."
"sige salamat. bigyan mo nalang ako ng cup of coffee thanks."
"opo ma'am."
.
.
.
naubos ko na ang kape pero wala pa rin si Ian. wala ung phone ko sa'kin kasi kinuha ni papa. hindi naman ako makabili ng phone kasi na hold lahat ng accounts ko.
Maghihintay nalang ako sa kanya.
ilang oras na pero wala parin siya. ako nalang ang naiwan. alam kung susulpot siya dahil un ang pinangako niya sa'kin.
"excuse me ma'am magsasara na po kasi kami eh." Sabi ng isang waiter.
"ha?? pwedeng sandali nalang may hinihintay kasi ako dito ehh.".
"sorry ma'am pero utos po kasi ng manager."
"sige. lalabas na ako."
Lumabas na ako.
Bakit wala pa siya? imposible namang ibang restaurant. eh eto lang naman ang malapit dito sa village. Hihintayin ko siya. nangako siya kaya alam kung tutupad siya.
.
.
5hours na akong naghihintay tumutulo na ang mga luha ko. hindi pwede darating siya..alam kung darating siya kasi yun ung sabi niya. umuulan na. pati langit sumasangayon sa pag-iyak ko.
Ilang sandali lang may humintong sasakyan.
"Aj anak." linapitan ako ni mama.
"mama bakit po kayo nandito?"
"sinundan ka namin"
"ha?"
hinawakan ni mama ang braso ko at sinakay sa sasakyan. hindi pa rin tumitigil ang pagpatak ng mga luha ko.
umandar na ang sasakyan.
"mama! bakit? bakit hindi siya dumating."
"anak siguro naisip niya na mali ang ginagawa niyo. anak iniwan ka na niya." -mama
"mama. mahal ko po si Ian."
"pupunta tayo ng America para malimutan mo siya." sabad ni papa.
"pero papa baka may emergency lang sa bahay nila." umiiyak na sabi ko.
"anak! wag ng matigas ang ulo mo. maliwanag ang lahat hindi ka niya sinipot."
Tama si papa. hindi niya ako sinipot.. Ayaw kung maniwala pero pagod na ako pagod na pagod.
------------------
A/N: this chapter is dedicated to my friends. i love you guys. mwaah mwahhhh..
vote
comment
love~ anneROCKSTAR ♥♥♥
BINABASA MO ANG
My Sweet Nerdy Boss
Teen Fiction"Basta ang alam ko lang mahal kita..marami na tayong pinagdaanan at dahil doon di ako sumuko ang totoo pa nga mas lalo pa kitang minahal AJ"---Ian