Napatakbo ako sa banyo kasi biglang umikot ang sikmura ko.
"eeeeeck"
"eeeeeck"
Nagsusuka ako.
"babe okay kalang ba?" tanong sakin ni Ian kagigising lang namin.
Parang alam ko na naman ang pakiramdam na 'to. Tumingin ako kay Ian na nakangiti.
"babe------"
"mama! good mowning!"
"goodmorning too baby!" sabay naming bati sa anak naming si Luigi. 4yrs old na siya, Nalaman kung buntis na ako bago pa kami magpakasal nun. Ang gwapo niya mana sa ama.
4 years na din ang nakakaraan matapos ang lahat ng mga nangyari hindi ko din aakalain na magkakatuluyan si Vincent at Lily, si Yen at Bry.
Kasalukuyan na kaming kumakain dito sa garden.
"uhmm babe." panimula ko. Sasabihin ko na ba sa kanya na buntis na naman ako? pero kailangan din niyang malaman diba.
"hmmm?" sabi niya na nagbabasa ng diyaryo.
"wala." sagot ko nalang. Hindi ko pa naman masigurado kung totoo nga. Magpapacheck pa ako. Hindi na din siya nagtanong mukhang busy sa binabasa eh.
Nagwawalis na ako ng bumaba siya. Ang gwapo niya talaga pag naka business attire siya mas lalo akong naiinlove sa kanya. Lumapit siya sa akin para ipaayos ang kurbata niya.
Hinawakan niya ang bewang ko at hinapit palapit sa kanya.
"I love you misis ko." sabi niya sabay halik sa labi ko. Napangiti nalang ako.
"I love you too." sagot ko sa kanya tsaka kinurot ang pisngi niya. Nakakagigil!
"ouch!" hiyaw niya at napasimangot.
"Matanda ka na may pa pout pout ka pang nalalaman. HAHAHA!"
"tse! alis na ako misis." paalam niya sabay lakad palabas.
"ingat ka!" sigaw ko nalang.
Mag-isa nalang ako dito sa bahay. Pumapasok na kasi si Luigi sa isang private center para tutoran sila. Para naman sa pag-pasok niya ng pre-school eh may alam na siya.
Nagluluto na ako kasi ilang sandali lang eh darating na din ang anak ko.
"Mommy!" Sakto nakaluto nako.
"Hello baby!" Salubong ko sa kanya at niyakap ang anak ko. Napasimangot naman siya sa sinabi ko.
"Mommy I'm not baby anymore. I'm a bigboy na."
"Tss. Ikaw talaga." sabi ko sa kanya at ginulo ang buhok niya.
"Mommy I have a dream lastnight."
"What about that dream anak?" sabi ko sabay hain ng mga pagkain sa mesa.
"I dream that I'm having a baby sister." Nakanguso na sabi niya. Lumapit ako sa kanya at ginulo ang buhok niya.
"Why you're frowning baby? Don't you like that? You're having a baby sister?" Tanong ko sakanya.
"I want Mommy but..." Hindi niya tinuloy at sumimangot na naman.Ang cute cute ng anak ko talaga! Mana sa ama.
"but what?"
"But what if you didn't like me when baby sister is there." ngumiti ako at hinalikan ang pisngi niya.
"Baby No, I wouldn't do that. You two are my babies and I will love you so much that I'll do anything and everything for you, for your sister and for your daddy.. and one thing I want to tell you..when baby sister is there, love her like you love me okay? Protect her.."
"Yes mommy! I'll protect her.." Then he kissed my cheeks. Ang sweet!
***
Gabi na at nakahiga na kami ni Ian.
"Babe I have something to tell you." Panimula ko. Buo na ang desisyon ko, sasabihin ko na sa kanya.
"What?" Tanong niya na nagtatakang nakatingin sakin.
"Uhhmm." Hindi ko alam kung pano ko sisimulan. Hindi ko kasi alam kung masisiyahan siya o ewan! basta!
"What? May lalaki ka?" May tigas sa boses niya. Bumangon pa siya at titig na titig sakin. Haha pagtripan ko kaya.
"Uhmm. what if yes?" Yumuko pa ako para paniwalain siya sa pag-arte ko.
"Fuck Aj! For pete's sake we're married! tangina!" Tumayo siya. Kinabahan ako.
"Ian!" Tawag ko pero hindi niya ako pinansin. Nagsuot siya ng cargo shorts.
"Ian where are you going!" Tumayo na din ako at sinunod siya. Lumabas siya sa kuarto. Tss ngayon pinagsisihan ko na ang lokong trick na 'to. Pahamak eh. Nasa labas na kami ng bahay. Hindi ko pinansin na nakaduster ako ng manipis ang mahalaga masolve ko ito.
"Ian---" Hindi ko na natuloy ang pagtawag ko sa kanya dahil bumalik siya at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"Tell me Aj! Who's that fucking guy! tell me I'll kill that asshole! tell me Aj!" Sigaw niya. Kitang kita ko kung paano siya manggalaiti sa galit. Mahal na mahal niya talaga ako at handa pa siyang pumatay dahil sa pagmamahal niya.
Nakita kong nagsilabasan ang mga kapitbahay namin. Tss mga chismoso/chismosa!
"Ian stop this.." bulong ko sa kanya.
"What? Hindi mo sasabihin kong sino yun?!" Sigaw pa rin niya.
"Ian wala akong iba..ikaw lang." Maramdaming sabi ko sa kanya. Bumitaw siya sa pagkakahawak sa balikat ko.
"But why?"
"but why what?" balik tanong ko.
"pero bakit mo sinabing may lalaki ka.?"
"Eh malay ko ba kung lalaki o babae ang nasa tiyan ko ngayon." sabi ko sabay pout.
He looked at me quizically. "what do you mean." He asked me. Questions are written all over his face.
"Babe I'm pregnant." ngumiti ako at yumuko. Kaya hindi ko nakita ang magiging reaksiyon niya.
"Pregnant? babe really?" Tinignan ko siya na nakangiti at saka ako tumango to answer.
"Woah! Yes! What a blessing again! yow! Guys did you heard that! Im a father again. Yes Thank you lord! Thank you babe!" Hinalikan niya ako sa lips at saka binuhat napatili pa ako ng bahagya pero naamaze na ako sa kanya. Hindi ko inaasahan na magiging ganito siya kasaya and take note we're here outside the house at maraming kapitbahay ang nakiusyoso. Narinig ko silang pumalakpak at ang iba naman sumisigaw ng congratulations!
"Ibaba mo ko nakakahiya babe." bulong ko kaya naman binaba na niya ako.
"bakit hindi mo agad sinabi sakin?" tanong niya habang magkadikit ang mga noo namin.
"Ang OA mo kasi eh. Agad agad kang nagreact, hindi mo manlang ako pinapatapos"
"sorry naman but thank you babe for giving me all this wonderful moments. I love you babe, baby." He kissed my cheeks at yumuko siya para halikan din ang impis ko pang tiyan.
"tss." May narinig akong nagtss sa likod. Napalingon ako at ang panganay ko pala na pupungay pungay pa ang mata. Siguro nagising sa mga sigaw.
"Halika nga anak." Aya ni Ian sa panganay ko at binuhat ito..
"I love you babe, baby and soon baby." Tumawa nalang kaming tatlo sa sinabi niya at saka tumingin sa bituin na kay liliwanag sa langit.
I never expect that with Ian I experienced all of this and never regret every struggles that came into my life if in return I have this perfect family..and I love this family.
END
BINABASA MO ANG
My Sweet Nerdy Boss
Teen Fiction"Basta ang alam ko lang mahal kita..marami na tayong pinagdaanan at dahil doon di ako sumuko ang totoo pa nga mas lalo pa kitang minahal AJ"---Ian