#28

3.5K 84 0
                                    

LILY's POV

*kriiinnggg kriiinnng*

"hello Ian?"

[hello Lily samahan mo naman ako.]

"saan ba?"

haay! naku. eto naman po si Ian. nasanay na 'tong lalake na 'to saken ah..

[bibili lang naman tayo ng gamit ko sa condo.]

"nakabili ka na ba ng condo mo?" wow ha! lumelevel up na talaga siya.

[oo naman anu nasurprise ka ba?]

"loko.. oo naman kala ko hindi na matutuloy ung pagbili mo ng condo eh."

[haha. sabi ko na nga ba eh masusurprise ka. anu sasamahan mo ba ako?]

"oo na lage naman eh. oh cge na bye na."

[susunduin kita diyan mamaya. bye.]

*toot toot*

Lagi kaming nagsasama ni Ian bestfriend na nga ang turingan namin eh. Dalawang taon ng wala si Aj, dalawang taon na din nung pinaalis ako ng parents niya sa bahay namin...

Bumukas ang pinto ng kwarto ko kala ko bumalik si Aj kasi nagpaalam na kanina.

"walang hiya ka Lily pinagkatiwala namin si Aj sayo! bat mo nagawa yun?" bumalikwas ako ng bangon. dumating na sila tita??

"tita sorry po. naaawa po kasi ako kay Aj."

"naaawa?? tignan mo ang nangyari sa kanya nung ikaw na ang nakasama niya. nagbago siya dahil sayo. mas okey pa nga nung nerd pa siya."

"tita hindi ko po yun kasalanan. pinalakas ko lang po ang loob niya."tumutulo na ang mga luha ko.

"wala akong pakialam...lumayas ka na ngayon din Lily."

"pero bahay po namin 'to."

"ipapabenta ko na ang bahay na 'to. ayuko ng makita ka pa ni Aj. pagbalik namin wala ka na."

"pero....."

"lumayas ka na Aj!"

wala akong nagawa noon. Kahit labag sa kalooban ko na lumayas. umalis pa rin ako. Masakit sa'kin ang mga narinig ko na ako pa ang dahilan kung bakit nagbago si Aj. prinotektahan ko siya wala akong kasalanan doon.

*beep beep*

andiyan na si Ian..bumaba na ako at sumakay sa kotse niya..

"musta din pala ang bahay mo ayus din ba?" tanong niya sakin habang pinapaandar ang sasakyan niya.

"oo ayus naman."

tumango lang siya.. Bumili kasi ako ng bahay galing yun sa pinag-ipunan ko sa dalawang taon na pagtratrabaho.

Habang nagbiyabiyahe kami walang kibuan kaya ako nalang ang bumasag sa katahimikan.

"bakit naaalala mo na naman ba si Aj?" tanong ko sa kanya.

"alam mo Lily halos sa dalawang taon. siya pa rin ang iniisip ko."

"mahal mo pa ba siya?"

"oo. hindi ko siya malimutan kahit gustuhin ko pa."

Hindi na ako nagsalita. talagang mahal na mahal niya si Aj. sana may nagmamahal din sa'kin tulad ni Ian.

--------------------

A/N: sana huwag po kayong magsawang basahin ito.. salamat po. :):):)

love~ anneROCKSTAR ♥♥♥

My Sweet Nerdy BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon