#50

3.3K 60 0
                                    

Aj pov

Napagpasyahan kung pumasok na sa mall, hindi kasi ako nakapunta kahapon kasi nagbake kami ni Yen sa bahay ko.

Pumasok na ako sa mall, may napansin ako parang kakaiba lahat ng tao may hawak na stemmed rose at isa isa nilang binibigay sa akin. Nagtataka ako bakit ganito? hindi ko naman birthday.

Naglalakad lang ako ng mapansin ko ang stage na pinagawa. Bakit hindi ko alam na may occassion dito pero iba talaga kinakabahan ako.

"Miss Ann Janette! please come here on stage." tawag ng nasa stage. Huh? mag-i-speech ba ako? nako hindi ako ready. Naman!

Umakyat ako sa Stage at binigay sakin ng emcee ang mike. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kinakabahan ako. dyosko! help!

"G-Goodmorning Everyone!" masigla pero kinakabahan na bati ko sa lahat.

Nagulat ako kasi biglang tumugtog ang at may nga nagsasayaw sa harap ko at pati na din ang mga nagbigay ng bulaklak sakin nagsasayaw na. Ano ba 'to? At sa gitna nakita ko si Vincent na palapit sakin may dalang white stemmed rose. Anung ibig sabihin nito?

Nakarating na si Vincent dito sa Stage. Lumuhod siya sa harap ko. banaman! alam ko na gagawin niya. my god! bkit niya ginagawa to?

"Aj alam kong gulat ka. Pero di na ako makapaghintay pa. Hindi pa ako gumawa ng effort sa panliligaw sayo pero ngayon gusto kong hingin sayo ang Oo mo. Alam kung mabilis ang lahat, gusto ko kasing ligawan ka nalang habang buhay. Aj will you marry me?"

Nagulat ako sa sinabi ni Vincent. Agad agad? hindi ko siya mahal. si Ian ang mahal ko.

"please ipapahiya mo ba ako? haha."

Tumingin ako sa paligid. Lahat sila nag-aabang sa sagot ko. Sa taranta ko.

"Oo." omg! did I just say that? hmmp. pwede namang bawiin at ipaliwanag nalang lahat sa kanya.

woooooooooohhhh... sigaw ng mga tao.

Agad naman akong niyakap ni Vincent. kakaloka. nakakabaliw.

My Sweet Nerdy BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon