AJ's POV
nagising ako dahil sa sinag ng araw..tanghali na pala...wala na ung katabi ko. magaling na kaya yun?
nag-inat inat ako...hinawakan ko ung labi ko napaniginipan ko kasing hinalikan ako ni Ian pero parang totoo.hala! nag-imagine ba ako? nakita ba ni Ian? nakakahiya! OMG!
bumangon na ako at naligo kailangan kung hanapin si Ian..
tapos na akong maligo..may nakita akong note sa pinto..bakit hindi ko yun nakita kanina..
Aj,
pumunta ka sa restaurant. kumain ka na dun, may pinahanda ako para sayo.
Ian ♥
anu namang ibig sabihin ng heartshape? ayiieee! nakikilig ako shemay! mahal din kaya niya ako??
gaya ng sinabi niya pumunta ako sa restaurant at kumain...habang kumakain ako may naririnig ako.
"sis ang gwapo pala ng may-ari nito nuh."
"oo nga eh..ang swerte ko kasi ako ang papakasalan niya. haha."
aba't kapal naman ng mga 'to..sabunutan ko kayo diyan eh..akin lang siya..
nakita kong paparating si Ian...tumayo ako.."babe andito ka na pala."
"ha?" nagtataka siya. malamang tinawag ko siyang babe eh. basta bahala na..hinila ko siya palayo.
malapit na kami sa isang cottage. "teka nga lang." sabi niya tiyaka niya inalis ang pagkakahawak ko sa kanya. "bakit mo ako tinawag na babe?" hindi ko alam kung anung reaction ng mukha niya. para kasing natutuwa na nabigla na ewan.
"eh kasi---"
"eh ano?" anu ba yan di kasi niya ako pinapatapos eh.
"kasi-----"
"ano nga?" nakakinis naman di kasi muna ako patapusin eh.
"alam mo ang kulit mo di mo naman kasi ako pinapatapos eh." tumawa siya. ngayon ko lang siya nakitang tumawa ang pogi pogi niya talaga. feeling ko ulit namumula na ang mukha ko.
"ano nga kasi?" tanong ulit niya.
"ka-kasi nagseselos ako." nahihiyang sagot ko..ngayon namumula na siguro ang mukha ko.
"selos?" tanong niya na tumatawa.
"kasi ung mga babae kanina sa resto pinaguusapan ka." nakayukong sabi ko.
"bakit ka magseselos?"tanungan portion talaga?
oo na aamini ko na. bahala na nga. hmmm.
"ka-kasi mahal kita." parang naiiyak na ako sa hiya ^-^
wala siyang sagot kaya tinignan ko siya kahit na nahihiya ako.
nakangiti lang siya.
"bakit nakangiti ka lang diyan?" hindi siya sumagot. nakangiti lang talaga siya.wala ba siyang sasabihin? hmp. aalis na nga lang ako.
tatalikod na sana ako ng pinigilan niya ako. nakahawak siya sa kamay ko.
"eh bakit ka aalis?" tanong niya.
"kasi pagtatawanan mo lang ako eh..alam kung may kasalanan ako noon kaya siguro ngayon pagtatawanan mo na ako kasi makakaganti kana ngayon.." parang naiiyak na sabi ko.
hinawakan niya ang magkabilang balikat ko..
"Aj wala na yun sa'kin..nakangiti ako kasi masaya ako. mahal mo din pala ako." sabi niya na ikinatuwa ko din.
"din? ibig bang----"
"oo mahal din kita Aj. anu okey na?"
niyakap ko siya ng mahigpit. ang saya saya ko. mahal din pala niya ako..
"ganyan mo na ba ako kamahal sinasakal mo na ako eh." tumawa kaming dalawa.
"tayo na ba?" tanong niya.
"kung ayaw mo di wag mo." sabi ko na nakapout. kakainis siya.
"oyy! tamporiray naman.love na love kita eh." niyakap ulit niya ako.
"kain----" hindi ko na naipagpatuloy kasi hinalikan na niya ako..
bumalik kami sa room na magkahawak kamay..I feel great because of him.. I love this boy..kahit nasaktan ko siya nakaya pa rin niya akong mahalin..
------------------
BINABASA MO ANG
My Sweet Nerdy Boss
Teen Fiction"Basta ang alam ko lang mahal kita..marami na tayong pinagdaanan at dahil doon di ako sumuko ang totoo pa nga mas lalo pa kitang minahal AJ"---Ian