IAN's POV
nasa labas na ako ng bahay. ginabi na ako ng uwi dahil may inasikaso pa ako sa office.. bubuksan ko na sana ang pinto ng makita kung nakabukas ang ilaw.may nakapasok sa bahay ko. kinuha ko ang susi sa ilalim ng paso. sususihan ko na sana pero nakabukas ang pinto. pumasok na ako.
"sino ka?!" sigaw ko narinig ko kasing may kumakaluskos sa kusina.
unti unti akong lumapit. wala naman. baka daga lang? pabalik na sana ako ng may makita akong nakaputi. nakatalikod siya. naku po! may multo dito! unti unting gumalaw ang multo kaya naman napatakip ako sa mata ko.
"Hoy! anyare sayo?" tanong niya. pamilyar ang boses niya.
"Yen??"
"hi ian. para kang nakakita ng multo diyan ah. laki ng mata mo" nakangiting sabi niya sakin.
"nagmumukha ka naman talagang multo eh." di parin natanggal ang kaba ko. kala ko multo na kanina.
"sama mo." nagpout pa siya.
"eh bakit ka naman kasi sumusulpot nalang bigla?!"
"masama ba? haha. aminin mo Ian natakot ka no."
"h-hindi aa."
"HAHAHA! hindi daw lokohin mo lelang mo Ian. kita na nga ohh. pinagpapawisan ka pa." lakas talaga mang-asar. kung hindi ko lang siya kapatid ehh. matagal ko ng pinatulan. pero joke lang. hindi ako nananakit ng babae.
"ano ba kasing ginagawa mo dito?" tanong ko ulit .
"wala lang kuya. HEHE!"
may kailangan siguro 'to. kasi makakuya siya ngayon ehh.
"ano nga?"
ngumiti lang siya. nahihiwagaan ako sa mga ngiti niya. may binabalak na naman bang kalokohan ang kapatid kong 'to?
------------------
an: hi hi sorry po maiksi lang nirush ko po kasi to para idedicate kay @AngelAbiva .hi Angel ! thank you :) enjoy reading ! love ~ anneROCKSTAR ♥♥♥
BINABASA MO ANG
My Sweet Nerdy Boss
Teen Fiction"Basta ang alam ko lang mahal kita..marami na tayong pinagdaanan at dahil doon di ako sumuko ang totoo pa nga mas lalo pa kitang minahal AJ"---Ian