#29

3.5K 76 1
                                    

Nakapili na kami ng mga gamit.. kasalukuyan na kaming kumakain dito sa fastfood chain.

"oh kain ka lang ng kain Lily." tinignan ko siya. parang may iba sa nararamdaman ko ngayon. ewan ko ba.

"gusto mo yatang tumaba ako eh." sabi ko sa kanya habang kumakain. hindi ako makatingin sa kanya ng deretso kasi parang nahihiya ako na ewan. hmmm.

"haha. hindi naman sa ganun kasi kahit dito manlang ako makabawe sa mga tinutulong mo sa'kin."

"haha. eh magkaibigan naman tayo eh."

"oh eto kain ka pa." nilagyan pa niya ng chicken ang plato ko. ang sweet niya. tinignan ko siya.

"oh bakit?? hindi mo na kaya? HAHAHA! kahit kelan talaga ang hina mong kumain katulad ka ni Aj."

yumuko ako. narinig ko na naman ang pangalan niya.

"kumain ka na nga." naiinis na sabi ko pero hindi ko pinahalata na naiinis ako sa kanya.

"sige ba. tsaka sunduin na naman kita mamayang gabi ha." sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"saan na naman?!" tanong ko na medyo may pagkainis.

"sa bar. HAHA! saan pa nga ba?"

alam ko na yun!!

"oo na alam ko na yan. lagi naman eh."

nakakainis pag naiisip ko na si Aj ang dahilan kung bakit siya nag-iinom at naglalasing palage.

"please na Lily. bestfriend na kita ngayon eh" sabi niya na nakapout. parang ewan! naaakit ako sa kanya. siguro as a friend lang.hmmm

"oo na nga ang kulit mo!"

"yes thank you Lily." hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa mesa. biglang may parang koryente na dumaloy sa katawan ko. nababaliw na ba ako?? bakit ba ako nagkakaganito pag malapit siya sa akin. hindi ko alam ang gagawin ko. nababaliw na siguro ako. hmmm.

-------------------

A/N:salamat sa inyo. ^-^ mahal ko kayo ♥♥♥

love~ anneROCKSTAR ♥♥♥

My Sweet Nerdy BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon