#48

3.2K 67 0
                                    

"Aj are you okay?" tanong sakin ni Vincent habang nagbibiyahe pauwi. hindi ko siya sinagot like haleeer! sino ba naman ang magiging okay pagkatapos kang sabunutan at ikaw pa ang mapagbintangan di ba.

"anu ba kasing nangyari kanina Aj." yun dun na ako napatingin sa kanya kasi parang galit na siya ay hindi talagang galit na siya.

"gusto ko lang naman iklaro sa kanya lahat.."

"anung lahat?" napatingin ulit ako sa kanya kasi anu?? sasabihin ko pa ang sinabi ko kay Lily na siyang ikinainis niya at dahilan kung bakit niya ako sinabunutan?.

"wala.."

"Aj you need to tell me what happen."

"Vincent inaantok na ako." yun nalang ang sinabi ko at pumikit na ako para lang tumigil na siya.

Hindi ko namalayan talagang nakatulog na pala ako.

"Aj andito na tayo." nagising ako sa pagtawag ni Vincent.

"thank you Vincent." yun lang at bumaba na ako sa kotse niya. Hindi ko na hinintay na pagbuksan pa niya ako. Kasi alam kong tatanungin na naman niya ako about sa nangyari kanina.

Nasa kuarto na ako at nag-iisip tungkol sa mga nangyari. Talagang Iba na si Lily ganun na ba siya kadesperada para makuha ang pagmamahal ni Ian? Pati si Ian iba na siya hindi ko na siya maintindihan.

Naaantok na ako..

zzzzzzzZzzzzz

kinabukasan

Kinulit ako ni Yen na magbake ng Cookies at gusto niya sa bahay ni Ian pero hindi ako pumayag kaya dito nalang sa bahay.

Dito din nakatira si Bry pero 8am na hindi pa din nagigising tulog mantika kasi. Alam kung magkakasundo sila ni Yen.

*tok tok*

Agad akong pumunta sa pintuan para buksan ang pinto alam kong si Yen yun.

"Yen!" masiglang bati ko.

"Ate Im so excited na!!.hehe" Sigaw ni Yen. hahaha nakakatuwa talaga dalaga na siya.

"tsk."

Napalingon ako sa likod ko ng makita si Bry. Kagigising lang niya.

"Gising ka na pala." tanong ko habang naglalakad papunta s kanya at nakasunod naman si Yen sakin.

"Panong hindi ang ingay ng babae na yan." sagot ni Bry at tinuro pa si Yen.

Nagkamali ako hindi pala yata magkakasundo ang dalawa at bago pa magsagutan ulit si Yen at Bry hinila ko na si Yen papuntang kusina.

Kasalukuyan na kaming nagmemeryenda sa sala habang nanunuod na movie. Patingin tingin ako sa dalawa kasi nakakabingi ang katahimikan. Panaka nakang nakikita ko sila na nagkakatinginan. hmmmm may naamoy ako..hahaha

---------

My Sweet Nerdy BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon