IAN's POV
Sobrang lasing na si Lily. tatlong bote lang pero lasing na. hindi na niya kaya, kaya iuuwi ko na siya. nakabayad na ako ng bills namin.
"Lily uwi na tayo." bulong ko sa kanya. nakapatong ang ulo niya sa mesa.
"uwi na tayo Lily lasing ka na."
"hinde pa ako lashing eh gushto ko pa ng alak." hindi daw lasing eh. hindi na niya alam ang sinasabi niya.
hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at tinayo.
"hindi pa ako lashing ehh."
lumabas na kami sa pinto patungo sa kotse.
nasa harap na kami ng kotse ko.
"kung bakit ba naman kasi nag-inom ka ng marami eh." sabi ko habang hawak siya at binubuksan ang pinto ng kotse.
"Ian."
tinignan ko siya. nakatingin din siya sa akin.
"bakit?" tanong ko. hindi siya sumagot kaya binuksan ko na ang pinto ng kotse at pinaupo siya. umikot ako at umupo sa driver's seat.
"Ian." tinignan ko siya. may gusto ba 'tong sabihin?
"bakit?" hindi siya sumagot. nakatingin lang siya sa'kin.
binuksan ko na ang engine.
"mahal kita." sabi niya sa mahinang boses pero narinig ko yun. tinignan ko siya pero nakapikit na. nakatulog na siguro. pero anung ibig sabihin ng sinabi niya?? nananaginip lang siguro.
Naaalala ko na naman si Aj. miss ko na siya. Alam kung nagtatampo siya kasi hindi ako dumating sa tagpuan namin pero hindi ko siya masisisi kung galit siya sa'kin tatanggapin ko lahat kasi mahal ko siya. mahal ko siya hanggang ngayon.
---------------
A/N: short again. sorry po.
BINABASA MO ANG
My Sweet Nerdy Boss
Novela Juvenil"Basta ang alam ko lang mahal kita..marami na tayong pinagdaanan at dahil doon di ako sumuko ang totoo pa nga mas lalo pa kitang minahal AJ"---Ian