#47

3.2K 64 1
                                    

Aj's Pov

Nakaupo lang kami ni Vincent habang nanunuod ng mga nagsasayaw at isa na sa mga yun sina Lily at Ian.. hindi ko pa rin matanggal na magselos kahit pinipigilan ko, hindi ko na kaya kaya nagexcuse ako kay Vincent na pupunta muna ako sa comfort room.

Naghuhugas na ako ng kamay ko ng bumukas ang pinto at pumasok si Lily.. lalabas na sana ako ng magsalita siya

"kumusta?" tanong niya kaya hinarap ko siya..

"Okay lang." bitter na sabi ko at parang napansin niya kasi hindi ko manlang tinanong kung kumusta siya.

"anung bang problema mo bhest?" bhest?? parang nagpantig ang pandinig ko sa sinabi niya bhest?? hahahaha nakakatuwa.. pero pipilitin kung maging good sa kanya..

"wala naman bhest." sagot ko sa kanya na diniinan ang pagkakasabi ko ng bhest.

"oh okay. kumusta pala kayo ni Vincent?" tanong niya

"well okay naman kami. how bout you and Ian?" tanong ko na kahit nasasaktan ako. gusto ko lang talagang malaman kung anung estado nila.

"I think we're getting better." sabi na nakangiti..nagpantig na naman ang tenga ko pagkarinig ng getting better na sinabi niya. hindi ko na mapigilan ang mainis.

"hahaha. mabuti naman kung ganun." natatawa pang sabi ko kahit nasasaktan ako.

"oh thanks." naiinis na naman ako sa sinagot niya. sinasagad ba niya ang pasensiya ko?

"so masaya ka ngayon? kasi napapalapit ka na sa kanya?" mahinahong tanong ko.

"oh yes. All I want is mapasaakin siya." sagot ulit niya. gusto ba niya talagang inisin ako? pwes pagbibigyan ko siya.

"oo mapapasayo si Ian pero alalahanin mo ako ang nakauna sa kanya at alalahanin mu din na ako ang mahal niya." sabay lakad palabas ng Comfort room pero hindi pa ako nakakalayo ng may humablot sa buhok ko. ang sakit kaya napaharap ako sa kanya at sinampal ko siya.

"Aj!!!" napatingin ako sa dumating at nakita ko ang galit na galit na mukha ni Ian..hindi ko mapigilan ang matakot kasi ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit.

"I-Ian." nagsalita si Lily na parang maiiyak na.

"Don't you dare to do that again Aj..." sabi ni Ian at lumakad na sila paalis ni Lily.. bakit? totoong bang they're getting better? parang nagbalik ang mga pangyayari nuon nung hindi siya sumipot sa pagtatagpuan namin. ang sakit! oo ang sakit sakit kasi mahal ko siya hanggang ngayon.

-----------

My Sweet Nerdy BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon