Bulletproof 4

56 3 4
                                    

"Ma~ alis na ako!"

"Yung baon mo!!"

Napahinto ako sa paglabas at napatingin kay Mama na tumatakbo palapit sa akin. Napataas ang kilay ko habang nakatingin sa kanya.

"Di ka ba papasok sa trabaho mo? Susundan mo na naman si Papa?"

Napahinto ito sa sinabi ko bago ngumiti. Nilagay nito sa bag ang baon ko.

"Ano ba? Masama bang bisitahin Papa mo sa office niya?"

Napangiwi ako sa sinabi niya. Sabihin mo nalang na babantayan mo si Papa. Napailing ako.

"Alis na ako~"

"Ingat ka~"

Ngumiti ako bago kumaway sa kanya at naglakad paalis. Pumunta ako sa station at naghintay ng bus. The weather is quite nice. Feeling ko may mangyayaring maganda ngayon.

"Tabi ka nga! Harang harang ka kasi taba."

Tinulak ako ng isang lalaki bago siya pumasok sa loob ng bus. Nakanga-nga akong nakatingin sa kanya.

"Yah!"

Sigaw ko. So much for having a good day hah!

"Papasok kaba hindi? Isasara ko na ito."

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang masungit na mukha ng driver. Agad akong pumasok. Muntik pa akong madapa dahil ka mamadali.

"Masyadong masikip."

Napakurap ako sa sinabi ng lalaking katabi ko. Nakatayo kaming lahat. I'm aware na masyadong masikip pero hindi mo kailangang sabihin ng malakas para ipahiya ako! Langyang lalaking to!

"Pwede ba umusog ka ng konti."

Napahinga talaga ako ng malalim ng nagsalita ito ulit. Kalma lang. Umusog ako ng konti.

"Usog ka pa."

Napapikit talaga ako ng nagsalita ito ulit. Wala na akong mauusogan! Gusto mo bang umupo ako sa driver! Tiningnan ko ang lalaki.

"Mahuhulog na ako."

"Ide bumaba ka."

Sinamaan ko ng tingin ang lalaki dahil sa sinabi niya. Kung ikaw kaya ibaba ko diyan! Ihulog kita eh! Hindi ko ito pinansin.

"Ano ba! Umusog ka sab-"

"Sabi nang wala na akong mauusugan!"

Sigaw ko. Napatingin lahat ng pasahero sa akin. Nakakainis ah! Sasakay sakay ka ng bus tapos magrereklamo! Alam niyang punuan ngayon!

"Sinong baba?"

Napatingin ako sa station na malapit sa school. Lumabas ako ng bus na tahimik. Napapikit ako habang nakatayo.

"Nakakahiya!"

Sigaw ko bago binuksan ang mga mata ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang may taong nakatayo sa bus. Nakatingin ito sa akin ng gulat. Sumigaw ba naman kasi ako. Ngumiti ako ng peki bago nakayukong naglakad. Nakakahiya talaga.

"Nasaan yung ID mo?"

Nanlaki ang mga mata ko at hinawakan ang leeg ko. Where is my ID?!

"Yu-yung ID ko~"

Hinanap ko ito sa bag ko. Don't tell me naiwan ko ito sa bahay! Napakagat ako ng labi at napapikit. Napahawak ako sa leeg ko at ngumiti sa guard.

"Naiwan ko ang ID ko."

Hindi ako kinibo ng guard. Tumawa ako ng peki at pinagsalikop ang mga kamay ko. I blink twice at him and gave him a smile. Siguro naman papasukin niya na ako.

The Bulletproof Fan (Youth) Series III ONHOLD AGAINWhere stories live. Discover now