Bulletproof 5

56 3 0
                                    

"Sino ba ako para maalala niya hah?!"

Tanga lang Eun Ae! Kakaway-kaway ka sa isang celebrity akala mo naman kaibigan kayo. Feeling close talaga. Napahinga ako ng malalim.

"Sira talaga araw ko ngayon."

Tumingin ako sa langit. Atleast man lang ito maganda. Nakakagaan talaga pag nandito ako sa rooftop. I raise my hand to block the sunlight. Napatigil ako ng makita ang mga kamay ko.

"Tumaas ba ulit yung timbang ko?"

Napapansin ko ring sumisikip na naman yung damit ko. Nagkibit ako ng balikat at binuksan ang bag ko para makain yung sandwich kong binili. Isusubo ko na sana ng makarinig ako ng isang kalabog.

"Eh~"

Napaayos ako ng upo at sumilip. Nanlaki ang mata ko ng makita si Jungkook malapit sa pintuan. Agad akong nagtago. Dinikit ko ang katawan ko sa ding ding.

"Hyung~ comeback niya ngayon. Anong tapos? Anong pupunta ako sa fansigning niya? Baliw ka hyung~"

Sumilip ulit ako ng konti. Nakita ko si Jungkook na nakangiti.

"Hyung~ hah? Di kaya. Anong baliw? Alam mo ba ang salitang paghanga Hyung? Pagbubutihin ko sa susunod na comeback."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Wait? Am I eavesdropping?

"Hyung sa susunod sabay natin comeback sa kanya para naman mag kita kami ni Ji Eun sumbae-nim~"

Malawak ang ngiti niya habang sinasabi ito. Ji Eun? IU? Napakagat ako ng labi. Matagal mo na yang crush ah! Natawa ako sa reaksyon niya. Kinikilig ba to? Ang saya niyang tingnan.

"Di ah! Nag aaral ako ng maayos. Kung makasabi to tsk! Yah! Nakikita mo akong nag aaral diba. Yah!"

Napatakip ako ng bibig baka marinig niya kasi akong tumawa. Inalis ko ang pagkakasilip at umayo ng upo. Nakarinig ako ng kalabog ng pintuan.

"Eh? Lumabas na siya?"

Sumilip ulit ako. Napangiwi ako ng hindi ko na makita si Jungkook. Hmp! Pumunta lang dito para pag usapan si IU.

"Sinusundan mo ba ako?"

Nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa likod ko. Napahiga ako sa sahig ng makita si Jungkook. Nakakunot ang noo nito.

"Ha-hah? Na-nauna ako dito."

Putol putol kong sabi. Nakakagulat siya ah! Hindi ito kumibo. Napatingin ako sa posisyon ko. Nahirapan pa akong bumangon. I leaned my back at the wall. Nakayuko ako habang binuksan ang bag ko para ipasok ulit ang sandwich ko ng bigla itong kinuha ni Jungkook.

"Yah!"

Napatakip ako ng bibig. Sinigawan ko ba naman si Jungkook. Tiningnan ni Jungkook ang sandwich bago umupo katabi ko. He was leaning his back at the wall too.

"A-akin yan."

Mahina kong sabi. Tiningnan ako ni Jungkook.

"Nakikinig ka kanina no?"

Napakurap ako sa sinabi niya. Napahawak ako sa leeg at ngumiti ng pilit.

"Ahaha gusto mo sayo nalang yan? May isa pa kasi ako dito."

Sabi ko ng mahina. Kinuha ko ang isa pang sandwich sa bag ko. Napatingin ako kay Jungkook ng binuksan niya na ang lagayan nito. Tumingin ito sa akin sabay kuha ng isa pang sandwich sa kamay ko at binigay niya sa akin yung binuksan niya.

"Kumain kana."

Sabi nito bigla. Nakatitig lang kasi ako sa kanya. Napatingin ako sa sandwich na binuksan niya para sa akin. Ngumiti ako bago ako kumagat. What a gentleman!

The Bulletproof Fan (Youth) Series III ONHOLD AGAINWhere stories live. Discover now