Bulletproof 8

63 4 3
                                    

"Annyeong!"

Kumaway ako kahit hindi ko kilala. Napakagat ako ng labi. Why am I here again? Uhh~ oo nga pala.

"Ayan na siya~"

Napabuga ako ng hangin bago ngumiti. Fansigning ni IU. Ngumiti ako ng maalala kung paano pinagaan ni Jungkook ang loob ko noong nakaraang linggo. Pagkatapos kasi ng araw na yun ay hindi ko na uli siyang nakita. Siguro dahil busy na sila~

"Wahh~ ang ganda talaga niya~"

Naririnig kong kausap ang mga katabi. Sabi nila minsan lang ang fan signing niya kaya swerte yung makapasok. Swerte ko hahaha~

"Susunod na tayo~"

Susunod na yung pwesto namin. Ngumiti ako. Ano kaya magiging reaksyon niya kapag binigay ko ang signature ni IU.

"Annyeong~"

Napatunganga na ako ng nasa harapan niya na ako. Nakatulala akong binigay ang album sa kanya. Tumawa ito ng konti habang nakatingin sa akin bago tumingin sa album.

"Anong pangalan mo?"

Tumingin ito sa akin. Napakurap-kurap ako bago napalunok ng laway. Ba't ang ganda mo?

"Ah-ano...hmmmm JK nalang po."

She look so confused. Tumawa ako para hindi halatang nenerbyos ako.

"JK po ang pangalan ko."

Ngumiti ito. Nilagay nito ang pangalan na binigay ko.

"Kakaiba pangalan mo ah~"

Sabi nito habang nakangiti. Binigay nito ang album. Tinaas nito ang kanyang kamay kaya tinaas ko rin ang akin. Nagulat ako ng nilapit niya ito sa aking kamay bago ito ngumiti at kumaway. Tulala akong naglakad pabalik sa aking upuan.

"Wahh~ hinawakan niya kamay ko~"

Ngumiti ako habang tinitingnan ang mga kamay ko. Hinawakan ng magandang babae ang kamay ko!

"Bait niya no~"

Sabi ng katabi kong babae habang nakangiti. Tumango ako. Hindi ko alam kong sino sa kay Jungkook o kay IU ang swerte kapag naging sila. Huminga ako ng malalim habang nakatingin kay IU.

"Magiging ganyan rin kaya ako kaganda?"

Tumingin ako sa mga fans niya. Habang tumatagal akong tumitingin sa kanya nanliliit ako. Hindi ko alam kong naaawa ako sa sarili ko o nagagalit.

"Hindi ka pa ba lalabas?"

Gulat akong napatingin sa katabi ko. Wala na ang artist sa harapan namin at yung ibang fans naglabasan na. Tumingin ako sa katabi ko at alanganing ngumiti bago tumayo.

"Anong oras na ba?"

Tumingin ako sa aking relo bago tumingin sa paligid. Napakagat ako ng labi. Gusto kong kumain pero wala akong gana. Tumingin ako sa venue kung saan ang fansigning bago ako nagsimulang maglakad. Kanina pa ako nakatayo dito wala na nga masyadong tao.

"Atleast nakuha ko ang gusto ni Jungkook."

Napakunot ang noo ko at napahinto nang makita ang isang taong nakatayo sa gilid ng building at parang may sinisilip sa venue. Napataas ang kilay ko nangmakita ang sapatos nito. Tumawa ako ng konti bago umiling.

"Impossible. Hindi naman siguro yun pupunta dito."

Tumawa ako ng pilit pero napahinto ako at tumingin ulit. Para itong balisa na para bang may hinihintay. Nakasuot ito ng itim na hood at may suot itong cap sa ilalim. Hindi ito si Jungkook.  Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang likod nito. Sumigaw ito ng konti at gulat na tumingin sa akin.

"Jungkook?"

Lumaki ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. Now way! Tumingin kaming dalawa sa paligid. May napapatingin sa amin. Sumigaw ba naman kasi siya!

"Yah!"

Sigaw nito. Nilagay ko ang mga kamay ko sa bibig niya.

"Shh! Tumahimik ka. Baka pagkaguluhan ka."

Gulat pa rin itong nakatingin sa akin. Tumingin ako sa paligid bago tinanggal ang aking kamay.

"Anong ginagawa mo dito?"

Bulong ko. Tumingin ito sa paligid. Dapat pala hindi na ako nagtanong. Alam ko naman kasi ang sagot. Humawak ito sa leeg niya at tumingin sa ibang lugar. Para itong nenerbyos.

"Pumunta ka rin ba para-"

"Huh? Hindi ah! May binili lang ako malapit dito."

Tumingin ako sa mga kamay niya. Wala naman kasi itong dala. Tumawa ito.

"Bibili pa pala."

Sabi nito bago ngumiti. Napataas ang kilay ko. Halatang nagsisinungaling ito.

"Kumain ka naba?"

Tanong nito. Umiling ako. Wala akong planong kumain. May naalala ako bigla.

"Uh! Oo nga pala-"

"Tara sabayan mo ako."

"Te-teka!"

Hinawakan nito bigla ang kamay ko at agad akong kinaladkad. Ibibigay ko na kasi yung album na may signature.

"Magandang gabi Ahjussi!!"

The Bulletproof Fan (Youth) Series III ONHOLD AGAINWo Geschichten leben. Entdecke jetzt