Chapter --- 15 ^The evil plan
*Rain's POV*
Bigla na lang akong tumakbo nung araw nung date namen ni Jesse. Bakit ba ako naapektuhan sa sinabi niya?
Dahil nalaman kong mahal pa rin siya ng ex siya at mahal din niya?
Dahil ba nafeel ko na panakip butas nga ako?
Dahil ba hindi ko nasabi na itigil niya ang panliligaw pero naduwag ako?
Dahil ayokong masaktan siya at I'reject siya?
Naman eh!! Naloloka ako! Buruin niyo eh wala naman talaga akong pakelam sa love eh!
Ang boba boba ko kasi edi sana nung nanliligaw sila sinabi ko ng hindi pwede. T^T
Hindi biro ang dalawang manliligaw no! Tapos ang gwapo pa. Tapos tapos nakuuuu!! Mag papa abduct na lang ako sa alien T^T
Papunta ako ngayon sa headquarters ng nga BFF. Wala eh. Kailangan ko sila.
Habang naglalakad nakita ko si Paulo. Pero dinaanan lang niya ako. Hindi naman niya kase ako nakita eh.
Nasa tapat na ako ng pintuan ng headquarters nang narinig kong pinag uusapan nila ang pangalan ko.
"Nakakainis sister! Gusto ko nang ipalamon kay Rain the nerdy itong hawak kong mga libro!"
"Hindi naman kase tayo mahilig diyan sa books eh no!"
"Eh kung gawin na natin yung evil plan natin kay Nerdy?"
Hindi ako makagalaw. Evil plan? Saken?
Baket?
Bigla na lang may nanghila saken. Hinayaan ko lang yung nanghila saken. Kahit hindi ko kilala kong sino. Salamat nalang kay Paulo at hinila niya ako doon. Kung hindi forever na lang siguro akong nakatayo doon dahil sa gulat.
O_____O PAULO?!?!?
Napahinto ako kaya napahinto rin siya.
"P-paulo?"
Bakit niya ko hinila?
Ngumiti lang siya at hinila niya ulit ako. Hanggang nandito na kame sa open field at pinaupo ako sa bench kung saan kame laging umuupo.
Umupo rin siya.
"Haaay." I heared him sigh.
"Dapat lumayo kana sa mga babaeng yon."
Tahimik lang ako. Nagloloading pa rin kasi utak ko sa kanila eh. Bakit feel ko pinagtaksilan ako?
"Diba sabi ko sayo poprotektahan kita? Kaya eto. Hinila kita. Ayokong marinig mo pa pag uusapan nila."
"I-ibig sabihin alam mo to?"
"Oo."
</3 Pati ba si Paulo pinagtaksilan ako?
"B-bakit?"
"Actually kanina ko lang nalaman. Narinig ko sila. May plano silang masama sayo. Kaya hangga't maaari wag kang aalis sa tabi ko."
Hinakawan niya kamay ko.
"Walang mangyayaring masama sayo hanggat kasama moko."
Tumahimik. Lahat tahimik. Hindi na rin siya nagsalita.
Minsan nalang ako mag kakaroon ng kaibigan pinagtaksilan pa pala nila ako.
Bakit nga ba?
"Alam mo ba kung bakit?" Ramdam ko. Tumingin siya sakin kaya tinignan ko siya. Tumango lang siya.
"Bakit?"
Narinig kong huminga siya ng malalim at binitawan ang kamay ko.
"Narinig ko sila. Kanina lang bago ka dumating. Nakita lang kita kaya ako umalis. Dumaan ako sa ibang way para di moko makita."
Kaya pala nakita ko siya kanina. Haaaay.
"Narinig ko sila. Nalaman kasi ng buong campus na nanliligaw sayo si Jesse dahil sa pinagkalat niya."
AH?!?! Ibig sabihin?!!!!
Teka teka. Edi nalaman din niya?! Malamang no Rain eh sinabi sayo oh. Boba mo.
"Sabi ni Jesse na wala na daw siyang maririnig na pambubully sayo kung hindi malalagot sila."
Ginawa niya yun?! Kaya pala parang ang tahimik kaninang pagpasok ko sa campus. Kaso pinagtitinginan naman ako. Alam mu yung parang maling kilos mo eh susunggaban ka nila? Yun yun eh!
"Alam mo ba. Kumirot to." Tinignan ko siya at nakaturo yung daliri niya sa chest niya. It means sa heart niya. "Pero kahit alam kong liniligawan ka niya lalaban ako."
Natahimik kameng talaga.
"Yung plano nila narinig ko lahat. Kaya iniiwasan kita noon kase nakita ka daw nila lage na kasama mo si Jesse at nagdadate kayo. Pero absent pala siya lage. Malamang nagseselos ako. Haha. Ang gagi ko no? Nagseselos ako? Kasalanan ko din naman bakit ako nauunahan. Then, nalaman din nila na nanliligaw nga sayo si Jesse may evil plan sila. Sisiraan ka nila dito sa campus. Hahanap daw sila ng tiempo na magsasama kayo ni Jesse. At dun daw ipagkakalat nila hanggang masira ang image mo. Or..."
Di ko mapigilan. Naiyak na lang ako.
Kase yung mga kaibigang kasama mo pala noon eh tinitira kana palikod?
Minsan na lang ako magkaroon ng kaibigan iba pa pala ang intensyon nila sayo. Sobrang sakit.
Hinarap ako ni Paulo sa kanya at niyakap.
"Tama na. Wag kang umiyak. Nasasaktan ako."
Maya maya kiniss niya ako sa forhead na ikinagulat ko.
O_____O
"Hanggat buhay pako nasa tabi mo lang ako."
BINABASA MO ANG
Mister Manyak meets Miss Nerd
FanfictionANONG MANGYAYARI SA BUHAY PAG IBIG NI RAINBOW CRUZ AT JESSE ALAYA? Magugustuhan kaya ng isang NERD ang isang MANYAK?