Chapter --- 24 ^Smile

2.1K 38 0
                                    

Chapter --- 24 ^Smile

*Rain's POV*

May mga bagay na hindi mo pa talaga alam.

Mga bagay na nakakatakot pakinggan.

Mga bagay na mahirap intindihin.

Mga bagay na nakakasakit.

Pero ang katotohanan.

Minsan masaket.

Minsan masaya.

Minsan nakakaiyak.

Pero sa buhay. Kahit anong takas at tago mo sa katotohanan darating at darating pa rin ang katotohanan sa buhay mo.

Kung pwede lang umiwas sa katotohanan. Nagawa ko na. Kaso hindi eh. Kahit anong bilig ng takbo mo. Mahahabol ka pa rin.

Pero yung malaman ko na kapatid ko si Paulo?

Sobrang saket.

Kaya pala nung araw na tinanong niya ako na maging girlfriend niya. Walang tuwang naramdaman ang pusu ko. Tanging naramdaman lang ay kaba.

Itong kabang ito yun yung.. Lukso ng dugo.

Masaya lang ako kapag nakikita siya at nakakasama.

/Park

Wala na akong ibang ginawa kundi umiyak ng umiyak. Akala siguro ng mga tao dito nababaliw na ako. Parang pag madadaanan ako h titignan nila ako.

Bakit ba nagawa nilang itago lahat saken?

Bakit kailangan mapaibig ako ni Paulo kung kapatid naman niya ako?

Tinago nila saken sa loob ng 7 years na patay na si mama dahil saken?

Teka.. Eh sinong nakakausap ko sa phone noon? Akala ko ba patay na si mama?

I sighed.

Baka ibang tao lang.

Pero bakit yung mga boses niya parang siya yung mama ko na nasa Canada? Concern ang boses pag kinakamusta ako.

Napatingin ako sa watch ko.

4:16 PM.

Ayokong umuwi. Ayokong makita ang mga taong pinagtaguan ako sa loob ng 16years.

Nagulat na lang ako ng biglang may umakbay saken mula sa pagkakayuko ko.

"Di mo bagay ang umiyak."

"Jesse?"

He smile. Tapos may kinuha sa bulsa niya. Nilabas niya yung panyo at binigay saken. Kinuha ko naman at pinunasan yung peste kong luha na akala mo eh water falls na agos ng agos.

"Pangalawang panyo ko na yan ah."

"Ha?"

Pangalawang panyo?

"Pangalawang iyak mo na rin sa tabi ko." Bigla niya akong niyakap. "Sige. Umiyak ka lang. Di naman yan maiibsan kung walang taong sasandal sayo." After that words. Umiyak na lang ako sa chest niya habang yakap niya ako.

Tama siya. Pangalawang iyak ko na to.

Yung una. Yung about sa picture na kumalat sa campus. Dumating siya para protektahan ako.

Mister Manyak meets Miss NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon