Chapter --- 31 ^Please..
Ano ba to!
"Ang bigat mo naman Jesse!"
Di pa nga kame nakakasakay ng taxi eh! Hirap na hirap na akong pasanin to! Kapeste!
"Bakit ba ang ganda mo?" Alam niyo yung boses ng laseng? Nakng! Pagewang gewang pa! Lalo kaya siyang bumibigat!
"Wag ka ngang malikot!" Ingat ko pa siya sa balikat ko. Ang bigat!
Naman eh! Bakit ba kasi walang taxi?! Sabagay alas dose na nga naman kaya ang hirap ng walang taxi!
"May balat kaba sa pwet! Kakainis ka! Wala tuloy taxi!"
Sige lang Rain. Kausapin ang laseng. -___-
"Meron. Hihi. Gusto mo makita?" Nakangiti pa siya ng nakakaloko!
Ampupu oh! Iwan na lang ata kita dito eh!
"Tignan mo dali. Hihi." Nakapout pa siya habang nilalapit niya mukha niya. Habang ako iniiwasan ko! Kainis! Akbay akbay ko kasi siya eh!
"Manahimik ka nga!"
Ang manyak pa rin hanggang ngayon! Ang sarap ipa abduct sa alien! O kaya sampal sampalin ngayon!
Ang tagal naman oh! Ang bigat bigat po kaya ng kasama ko! Nasan na ba yung mga taxi na yan! Naku! Pag ako naging presidente rito magpapatupad ako ng TAXI hour! Pati madaling araw naghahanap buhay sila. -___-
Lord,
Pengeng sign oh. Kung may taxi pa pong darating.
"Mag diet ka nga Jesse!" Ang bigat eh! Laki ng katawan! Hello?! Slim lang po ako!
"Nag didiet naman ako eh. Hihi. Nag gi'gym pa nga ako oh.. Tignan mo... May abs pako.. Hihi."
Tinaas niya damit niya. Asdfghjkl!! May abs nga! Naman eh!
"Ibaba mo na nga!" Baka mahalay kita rito! Pilit kong binababa gamit ang isa kong kamay pero pilit pa rin niyang tinataas! Naman!
Jesse! Nasisilaw ako +____+
"Jesse!"
"Hawakan mo oh! May abs ako. Hihi."
Naman eh. T^T ayokong magkasala ngayon. Ayokong mahalay ka ngayon!
*ring...ring...ring..
Naku may tumatawag. Di ko naman makuha eh ang bigat neto! Teka..
"Upu ka muna dito." Inupu ko siya sa may wall ng bar.
*ring...ring..ri---
"Hello?"
"Hey? Where are you? I've been waiting.."
"Oh. I'm sorry I can't accompany you today."
"Ok ok." Rinig ko yung pagkadismaya ng boses niya.
Tapos he hang up.
Naku! Wala na tuloy akong diskarte ngayon! Sayang naman.
Pero bakit tuwang tuwa ako na hindi ko nakita yung lalaki kanina? Bakit hindi ko kayang magalit sa lalaking nasa harap ko ngayon?
Aish! Nababaliw na ata ako ulet.
Teka!!! Bakit wala pang taxi?! Naku Lord! Eto ba yung sign? Na wala?!
Napalinga linga ako.. May nakita akong naiilawan na sign board.
'Walk' pinakatingin ko nakita kong No JAYWALKING. Pero Walk lang yung nakatutok ng ilaw.
WAAAH!!! Walang ya namang sign to! WALK?! Mag lalakad ako?! Kasama tong lasing nato?! Oy! Ang bigat bigat kaya niya!
Naku naman. T__T No choice na.
Inakay ko ulit si Jesse.
"Bigat mo talaga!" Iritang sabe. "Hirap na hirap na ko sayo!"
Ng mabuhat ko na siya. Nag umpisa na akong maglakad. Pwede bang hilain to?
"Alam mo ba ganda?... Mahal na... Mahal ko... Si........ Re-reynbow..."
Natigilan ako. Napatingin sa kanya. Ang seryoso ng boses niya. Nakita kong nangingilid yung mga luha niya.
"Please Jesse. Wag..." Wag kang umiyak. Ayoko nang umiyak Jesse.. Ayoko na. Nararamdaman ko yung init ng mga mata ko. Na para bang anytime na kukurap ako tutulo ang luha ko.
"Di ko.. Naman... Sinadya... Na masaktan siya.." Basag na yung boses niya. Kaya napakurap ako.
Eto kinatatakutan ko. Tumulo bigla ang mga luha ko.
"J-jesse. Stop it please." Lumakad ako ulet. Pero parang hinang hina ako ulet. Bakit ba kahinaan ko lahat ng mga taong nanloko saken? At sinaktan ako?
"Ayokong tumigil... Mamahalin ko pa... Rin siya.. Ang... Tanga tanga ko para hindi sundin yung... Pusu ko.. Na mahal ko pala.... Si... Rain.. Hindi ko... Naman pala... Talaga... Mahal si Iza.. Awa lang... Naramdaman ko..."
Tulo pa rin ng tulo mga luha ko. Lalong lalo na sa sinabi niya.
"Ayoko na Jesse. Nasa huli ang pag sisisi." Sabi ko habang umiiyak. Tinignan ko siya na tulong tulo mga luha niya.
"Please Lord..." Tumingala siya.. "Balikan na niya ako.. Please..."
Tumingala din ako.
"Sorry Jesse. Ayoko na.."
Sabay ng pag sambit ko nito ang pagbigay ng katawan ko sa semento. At pagtulo ng ga luha ko. Patawad Jesse. Mahal na mahal pa rin kita pero parang ayaw na nito. Napapagod din kasi ito.
BINABASA MO ANG
Mister Manyak meets Miss Nerd
Fiksi PenggemarANONG MANGYAYARI SA BUHAY PAG IBIG NI RAINBOW CRUZ AT JESSE ALAYA? Magugustuhan kaya ng isang NERD ang isang MANYAK?