Elli’s POV
After namin bumili ng J.Co., dumiretso na kami sa Parking Lot. Naupo kaming dalawa ni Ate Kim sa backseat. Nasa passenger seat naman ofcourse si Kristin. Tahimik lang kami sa likod, habang yung dalawa naman ay naghaharutan. Kulang nalang langgamin sa sobrang katamisan e. Actually, si Tin lang ang clingy. Psh. May lahing linta ata to e, kung makakapit wagas. -______- Bigla akong natigil sa pag-iisip ng bumulong si Ate Kim. . .
Kim: “Chill. Kung nakakapatay yang mga tingin mo, kanina pa yan patay sina Ara e. Magkakabuhol-buhol na nga yang kilay mo e.” Bulong niya saakin.
Me: Tiningnan ko siya ng masama, “Whatever! Tse.” Bulong ko din sakanya sabay roll eyes.
Kim: “HAHAHAHAHA!” Tumawa siya ng malakas, “Ara, pakibuksan nga yung radyo mo jan.”
Binuksan naman ni Ara ang radyo. Na siyang nagpainit ng ulo ko. Yung totoo? Kailangan ipamukha? Pati ba naman ang kanta nakiki-jamming sa pang-aasar saakin ni Ate Kim. Hayop -.- Tamang timing ha? Salamat. SOBRA. Alam niyo ba kung ano ang kanta?
JEALOUS by Nina
At ang mas lalo pang nag-painit ng ulo ko ay ang pang-aasar ni Ate Kim. Punyets.
Kim: Sinabayan ang kanta, “Jealous of the Girl whose arms are around you, If she’s keeping you satisfied. Jealous of the Girl who finally found you, made your sun and your stars collide. ”
At talagang feel na feel niya talaga ang kanta, may pa pikit pikit pang nalalaman ‘tong dorang ‘to. Tiningnan ko siya ng masama at binigyan niya ako ng what’s-the-matter-look at tumatawa.
Kim: Patuloy parin sa pagkanta, “La la la la la la la She’s a very very lucky girl La la la la la la la la”
Diba? Ang galing no? Kaibigan yan e. Sarap sapakin hanggang sa maging toasted siopao ang mukha niya sa pamamaga. Bakit kamo toasted siopao? Eh maitim siya e, hindi makatarungan kung yung siopao talaga ang pangddescribe ko diba? HAHAHAHAHA. Pero konti nalang talaga, pigilan niyo ako, masasapak ko na talaga ‘tong unggoy na ‘to. Jeske. Ang sakit sa bangs!! -_______- Tama na please. Huhuhu. Pero tuloy parin sa pang-aasar saakin si Ate Kim. Rinding-rindi na talaga ako. Umuusok na ata ang ilong ko sa inis e. Hindi namin namalayan na andito na pala kami sa tapat ng bahay ni Kristin.
Kristin: “So, dito nalang ako. Ingat kayo pauwi ha. It was nice to see you again Ate Kim. Thank you din Elli, bond tayo ulit ha.” She smiled. Naku wala ng next time Ateng, di mo gugustuhin na makasama mo pa ako ulit kasi baka yun na din ang last day mo sa Earth, kase papatayin kita. Joke lang. Seryoso, ipapasalvage kita. Ayy di. Joke ulit. Hahaha. Hinarap niya si Ara, “Bye Babe, thanks for today. I really had fun. Hihi. I love you.” She gave Ara a peck on the lips. Iniwas ko nalang ang tingin ko. MASHAKIT E. Di ko kaya, baka maiyak ako dito. Shit. Kailangan talagang ipakita saamin? Di ba siya nahihiya? PDA much? Pagbuhulin ko kayo e. Huhuhu. </////3 “Text me kung nakauwi na kayo ha. Bye guys!” Sabay labas ng kotse.
Hay salamat, wala ng masakit sa mata! FINALLY! Yun na ata ang pinakamatagal na 5minutes ng buhay ko. -________- Umalis na kami. Medj matagal-tagal ang biyahe namin ngayon kase out of the way kasi ang bahay nina Tin sa Dorm. Maya-maya ay nakaramdam ako ng antok, napansin naman ito ni Ate Kim. . .
Kim: “Inaantok ka?” Tanong niya saakin.
Me: “Ayy hindi.” Sarcastic kong sagot sakanya. PSH. Di kami bati. Away niya ako kanina e. -____-
Kim: “Anong hindi? E namumungay na yang mga mata mo! Dito kana oh.” Tinapik niya ang balikat niya.
Me: “AYAW! Di tayo bati! Away moko kanina e.” Paarte effect ko muna. -___-
Kim: “Ay. Ang arte ha. Edi wag ka bahala ka jan. Magka stiffneck ka sana.” Pambabanta niya sakin.
Me: “ Joke lang naman. Ito na nga po oh.” Nag-side hug ako sakanya. “Thank you ‘te Kimmy kaya kita lab e.” Unti unti ng bumabagsak ang mga mata ko at nakatulog.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nagising ako ng may mahinang tumatapik sa mukha ko. Napamulat ako, si Ate Kim pala. Tumingin ako sa labas at nakita ko na nandito na kami sa tapat ng dorm.
Kim: “Hay salamat at gising kana! Ang sakit na ng balikat ko! Infairness ang bigat ng ulo mo.” Sabay pitik sa ilong ko.
Me: “ARAAAY!! Ate Kim naman e.” Nag-pout ako at hinawakan ang ilong ko. Ang sakit kaya nun. Try ko sayo, tingnan lang natin kung di ka umaray sa sakit. :/
Ara: “Tara na. Pasok na tayo sa loob.” Sabay baba ng kotse at pumasok na sa loob ng dorm.
Kim: “Tara na babyG. Gutom na ako, gusto ko na din matulog. Tara!” At sabay na kaming bumaba ng kotse at pumasok sa loob.
Pagkapasok naming ng dorm, agad akong sinalubong ng mga teammates ko. Panay puri sila sa new look ko. Kesyo ang ganda ko daw, bagay daw saakin. Hindi naman nila alam na nagkita na pala kami ng GIRLFRIEND ni Ara, cause I told Ate Kim not to mention anything about it kasi, alam niyo naman ang mga bullies, daig pa ang mga tsismosa sa kanto kung makapang-intriga. Kaya better not to tell them. Tsaka di naman yun big deal para sakanila. At mabuti nalang di rin nag kwento si Ara sakanila. HAYYYYYY.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pagkatapos naming mag dinner, umakyat nako at naabutang nakahiga sa kama si Ara. Di ko siya pinansin at dire-diretso nako sa CR. Pagkatapos ay umakyat nako sa kama ko, at humiga. .
------------------------------------------------------------------
