ARA’S POV
Heto ako ngayon, nakatayo at nakikiusap kay Elli, kung pwede ba kaming mag usap. Eto na siguro yung oras para makapag-sorry ako sakanya. Lumingon naman siya,
Elli: “Hah? Bakit po?” Kunot noo niyang tanong.
Me: “I just want to clarify things.” Nag half-smile naman ako. Lalong kumunot ang noo niya sa sinabi ko na para bang naguguluhan siya.
Elli: “Para san naman? Pero sige, after ko nalang po mag shower. Akyat po muna ako.” Sabay akyat niya sa kwarto namin.
Napabuntong hininga na lamang ako at sumunod sakanya paakyat. Kinakabahan ko ng sobra sa ano ang pwede mangyari after ng pag-uusap namin. Habang hinihintay ko siyang matapos. Naalala ko na naman ang pinag-usapang naming kanina ni Mika.
FLASHBACK>>>
7:30pm na ng makauwi kaming Bullies ng dorm after ng dinner naming together with Tin. Agad akong umakyat ng kwarto at nagbabasakaling umuwi na si Elli. Pero pagbukas ko ng pinto, nadismaya naman ako dahil wala pa rin siya. Linapag ko na ang mga gamit ko sa sahig.
Me: “Akala ko ba, may kukunin lang siya sa classmate niya? Eh bat ngayon wala parin siya?!” Bulong ko sa sarili ko.
----: “Yiee. Concern much?”
Napaigtad naman ako sa nagsalita at nakita kong si Yeye lang pala. Nakatayo siya sa may pinto at naka cross arms pa.
Me: “Nakakagulat ka naman Daks! Azar ka!” Binato ko naman siya ng unan.
Mika: “Ang emo mo kasi. Nagsasalita ka pang mag-isa, baliw ka na talaga. Hahaha” Sabay bato niya pabalik sakin ng unan.
Me: “Che!” Irap ko sakanya. “Teka, pano ka pala nakapasok dito, eh linock ko yang pinto ah?” kunot noo kong tanong sakanya.
Mika: “Kung naka-lock yan, eh di sana di ako nakapasok dito ngayon! Aish. Shunga talaga!” Inirapan ba naman ako.
Me: “Whatever. Alam mo, dapat Philosophy ang course mo at hindi Psychology. Sigurado akong Cum Laude ka dun. Napakapilosopo mo e!” sabay bato ko ng tsinelas sakanya.
Mika: “ARAY HA! Kanina ka pa kakabato sakin ha! Kung galit ka sa mundo, wag mo sakin ibunton! Nasstress ang beauty ko sayo! Klk!” Tapon niya pabalik ng Tsinelas ko at kasama na ang tsinelas niya, so bali dalawa ng tsinelas yung binato niya sakin.
Me: “ARAY KO! BAKIT NAMAN DALAWA YUNG BALIK SAKIN? Tsaka bakit kaba andito? Di naman ito ang kwarto mo ha? Layas!” Pagtataboy ko sakanya.
Mika: “HOY! VICTONARA GALANG! Pwede ako pumunta dito, kung kelan ko gusto dahil naging kwarto ko din to. At baka nakakalimutan mong may utang kang kwento sakin.” Oopps. Oo nga pala. “At kailangan mong ipaliwanag sakin lahat. AS IN LAHAT! I want every detail of it to be precise. Get it?” Mataray niyang sabi at saka sinarhan ang pinto at linock ito. Pumunta naman siya sa kama ko at nag-indian sit. Tiningnan ko naman siya ng “sa-susunod-ko-nalang-ikukwento-daks-look” tumaas naman ang kilay niya.
Mika: “Wag moko titingnan ng ganyan Victonara. Hindi moko madadala ngayon sa mga ganyan mo.” Nag cross-arms siya, “ Simulan mo na, kung di alam mo na ang mangyayari.” Atsaka tiningnan niya ako nang seryoso.
Okaaay. Wala na akong kawala sa ganyang mukha ni Mika Reyes.
Me: “Akala ko lang naman kasi makakalusot hehe.” Nag-peace sign naman ako.
Mika: “Daming satsat! Kwento na! Magmadali alipin! Naiinip na ang Reyna!” Inis niyang sabi.
Me: “Opo, mahal na Reyna, eto. Atat much?”pang-aasar ko pa sakanya.
