ELLI’S POV
Eto na nga yung sinasabi ko e. Sobra kasi akong naaliw sa kwentuhan naming ni Kuya Thomas, yan tuloy nakalimutan ko yung curfew ko. Hayyy. Okaaayy. Hello double training. -____- Binuksan ko ang phone ko at nanlaki ang mata ko sa sobrang dami ng messages na galling sa mga teammates ko. 76 messages lang naman at 10 missed calls, mostly galing kay Ara. Well, team captain e, responsibility niya ako. I should not assume na mas pa dun ang pag-aala niya. Hmp! Napapikit nalang ako at napahawak sa sentido ko, sa sobrang frustration at sa sobrang kaba. Hindi nako mapakali sa loob ng kotse. Panay sorry naman si Kuya Thomas sakin but I keep on telling him na it’s okay. Mabilis naman kaming nakarating sa dorm. Agad akong bumaba sa kotse at tumakbo sa loob. Kumatok ako at agad naman akong pinagbuksan ng pintuan ni Ara.
Thomas: “Ara, I’m so sorry.” Agad na sabi ni Kuya Thomas na nakasunod pala saakin, “It was all my fault. I was the one who should be blamed why Elli was late to her curfew. Please do not be angry with her.” Pag-aapologize niya naman.
Ara: “I know. Hindi nako magsasabi kay Coach, pero kailangan niya parin mag double training, para maging fair naman sa iba naming teammates. I want her to learn her lesson.” Matigas niyang sabi at napayuko nalang ako.
Thomas: “If that’s the case, I’ll be responsible for her punishment. I’ll do it.”
Napaangat naman agad ang ulo ko sa sinabi niya. Nagulat ako. Kahit naman gusto kong makaligtas sa double training, di naman ako papayag na ibang tao ang gagawa nun para sakin kasi kung tutuusin, may kasalanan din naman ako.
Me: “Hah? No, Kuya Thomas, baliw ka ba?” kunot noo kong tanong sakanya, “Kap, may kasalanan din po ako. Ginusto ko din po naman. And you’re right, I should be punished for me to learn my lesson para di nako umulit.” Nakayuko kong sabi.
Thomas: “Are you sure Elli? I can do it for you, after all it was actually my fault.” Alala niyang tanong.
Me: “Opo. Kaya ko po. Salamat po Kuya sa concern. Okay lang po yun, nagenjoy rin naman po ako. Hehe” pag-aasure ko sakanya.
Thoms: “Okay. Sige. Basta, if you need any help, text mo ko. Ayt?” nag-thumbs up naman ako. “You’re welcome just take care of yourself ha? Goodnight.” Sabay gulo sa buhok ko at hinarap si Ara, “Thanks for understanding Ara, sana hindi naman ganun ka-grabe ang ipapagawa mo sakanya. I gotta go, sorry ulit. Goodnight lesbo.” Tumango naman si Ara at naglakad na si Kuya palabas ng gate, kumaway naman muna siya bago pinaandar ang kotse niya.
Nauna naman akong pumasok ng dorm. Sumunod naman si Ara at sinarhan ang pinto.
Me: “Sorry po ulit Kap. Di na po mauulit.” Paakyat na sana ako ng hagdan ng biglang magsalita si Ara.
Ara: “Elli, pwede ba tayo mag-usap?”
--------------------------------------------------------------------------
