I change my writing format again. Hihi. Sorry. Enjoy! =)))
---------------------------------------------------------------------
Ara’s POV
Naalimpungatan ako ng may sumusundot sa mukha ko . . .
Elli: “Ate Araaaaa~ Gising na. 10 na pooooo~”
10am palang naman. PSH. Beyen. WAIT! 10 na?! Shit! Magkikita pala kami ni Tin ng 11am!! HALA!!
Me: WHAT? 10 NA?? Shitshit.
Dali-dali akong pumasok sa CR at naligo. Bakit kasi nawala sa isip kong magkikita pala kami ngayon? Bobo hits! Nagbihis lang ako ng simple dahil nagmamadali nako, naka ANIMO shirt, pants and vans. Kinuha ko ang phone, wallet at susi ng kotse ko at saka bumaba. Naabutan ko naman silang kumakain na sa dining area ng tinawag ako ni Kim. . .
Kim: “Ara! Kain kana muna bago umalis.”
Me: “No Kim, nagmamadali na kasi ako. Sa labas nalang ako kakain, thanks anyway. Sge. I have to go na. Bye guys!”
Bullies: “Don’t forget to bring home foods! =))) Take care!!!”
Me: “As usual. Hahaha. Okay. I will, bye!” *labas ng bahay*
Dali-dali nakong lumabas at sumakay sa kotse ko at nag-drive papuntang MOA. Mabuti nga’t di masyado ma traffic. Pinark ko na at pumasok nako ng Mall. .
@SHAKEY’S MOA
Pumasok nako sa loob. Agad ko naman nakita ang isang magandang babae, nakasimpleng dress at bakas ang inis sa kanyang mukha. Napangiti naman ako, ang pretty niya kahit nakabusangot. That girl, is my girlfriend, Kristin Flores. We’ve been together for three years. LDR kami pero nakakayanan naman namin kahit papano, dinadalaw niya ako dito sa Manila pag pinapapunta siya ng parents niya dito to check on their business. Maganda, sexy, matalino at mabait si Kristin. Na sakanya na nga ang lahat. Masaya ako sa kanya, sa relasyon namin . . . DATI. Pero simula nung dumating siya sa buhay ko, biglang nagbago lahat. Pero hindi pa ako sigurado kung ano nga ba talaga ang nararamdaman ko para sakanya. And I think I need to figure this thing out but for now, I need to catch up with Kristin, namiss ko din naman siya kahit papano. Lumapit ako kung san siya nakaupo . . . .
Me: “Hi Miss, mind if I join you?” Ngiting bati ko sakanya.
Kristin: I saw her face lighten up. “Babe!” She stood up and hugged me so tight. “Finally! I thought di ka na pupunta!” She pouted. Ugh. So cute! =))
Me: I hugged her back and pinched her nose. “Pwede ba yun? Di naman ako papayag!” I kissed her cheeks. “Upo na tayo.”
Kristin: “I missed you so much Babe! Hihi. Last natin pagkikita nung summer nung umuwi ka pa ng Pampanga.” Nag side hug siya and giggled.
Me: I held her hand, “ I missed you too Babe. Mabuti naman dinalaw mo ko dito.”
Kristin: “Ofcourse! Order na tayo Babe, gutom na ko, tagal-tagal mo kasi e.” She pouted again.
Me: “Sorry Babe, late nako kasi nagising. Pagod sa training e. Alam mo na malapit na ang season, so patayan talaga ang training namin.” I explained.
Kristin: “Okay lang yun Babe. I understand. Atleast, you still manage to come and bond with me.” She smiled at tinawag na naming yung crew para makapag-order na.
------------------------------------------------------------
Kim’s POV
@MOA Eklavu Salon
Elli: “Ate Kim,” Bulong niya sakin, “ayaw ko na magpagupit, uwi na tay--- ARAAAY Ate Kim naman eh!!” binatukan ko lang naman, napapikit naman siya sa sakit.
Me: “Shunga ka ba? Ikaw nga yung nangulit sakin na samahan ka dito, tapos uuwi ka na? Umupo ka na jan at kakausapin ko na yung gugupit sayo.” Tinulak ko naman siya sa upuan sa harap ng salamin.
Kinausap ko na yung mag-aayos kay Elli at sinimulan ng gupitan ang buhok niya. Natatawa naman ako sa itsura ni Elli habang ginugupitan, parang naiiyak na nagmamakaawa na natatae. HAHAHAHA. Naglaro muna ako sa phone ko. . .
After 30 mins. . .
Ang tagal naman ni Carmelli! Gutom nako, infairview. :/ ng bigla naman akong tinawag nung stylist. .
Stylist: “Mam, tapos na po.”
Napa angat naman ako ng tingin at nakita ko ang itsura ni Elli. Ohhh. Ang ganda niya. Bagay naman pala sakanya ang short hair ah. Sorry Intsik, pero she’s pretty talaga e. Hahahaha.
Elli: “Huy!” She snapped her fingers infront of my face. “Ate! Ano? Bagay ba saakin? “ She smiled shyly.
Kim: “Yes! Bagay na bagay sayo. Ang pretty mo na babyG!” I said to her.
Elli: “Talaga? Tara picture us!” She giggled and gets her phone.
*POSE. CLICK. POSE. CLICK. COLLAGE. COLLAGE. POST. TWEET. PAK! DONE*
“@AyishaCarmelli: New haircut! I’m lovin’ it. Thank you Ate Kimmy for accompanying me. Lablab <3 @kimfajardo9 pic.twitter.com/ga36FHv16”
Kim: “So tara na! Gutom nako e. Ang tagal tagal mong bruhilda ka!” Ang tagal niya naman talaga e. Haist.
Elli: “Hahaha. Sorry naman. Nakipagtalo kasi muna ako dun sa Stylist e. Ayaw ko ipahawak sakanya yung buhok ko. Pero it’s worth the wait naman diba? Ang ganda ko na. Hahahaha.” She laughed.
Kim: Minsan mahangin din ‘tong batang to. “Naks! Nahawa kana yata sa kahanginan ni Mika ah. Puri puri rin din sa sarili e noh? Hahaha. Gutom lang yan. San tayo kain?”
Elli: “Isusumbong kita kay Ate Ye! Lagot ka!” With matching hand gesture pa yan. Psh. Di yan uubra sakin no. Hahaha. “Greenwich nalang tayo Ate. Nagc-crave kasi ako ng lasagna e.”
Kim: “Okay. Tara!”
Umalis na kami ng Parlor at dumiretso na sa Greenwich at dun na nag late lunch. ‘Langya gutom na gutom nako. After namin kumain, naisipan namin na maglibot libot. Napahinto naman kami sa Forever21, may bibilhin daw si Elli na dress dito. Habang busy si Elli sa pamimili ng damit, may nakita naman akong pumasok isang pamilyar na babae. Wait! Oh-oh. KRISTIN FLORES? Di kaya siya yung kikitain ni Ara? Hinanap ko naman si Elli para makaalis na kami ng may nanggulat saakin mula sa likod. . .
---------------------------------------------------------------------------------------------
