ARA’S POV
Matchpoint na ng BU ng biglang nanlaki ang mga mata ko at nabigla sa nakita ko. Nag-spike lang naman si #11 at tinamaan sa mukha at natumba yung babaeng binubully niya kanina. Hahahaha. Ang mean neto sa court. Gusto ko na siya. Wait. I mean gusto ko siya maging ka-team. Enebe. :>
Ara: Did you see that Kim? HAHAHAHAHAHA!
Kim: YES! HAHAHA. WHOOOO! NICE PLAY #11! IDOL! *sumigaw*
Ewan ko ba at parang iba ang nararamdam ko dito sa #11 na to. Ang ganda niya, parang mabait din naman kahit ang mean niya sa loob ng court. Nakakainlove. HUH? WAIT! NO WAY! INLOVE? HAHA. DI PWEDE. Napailing at napangiti na lamang ako sa mga iniisip ko. Weird :/
Natapos na ang Game, nanalo ang Bicol University ng 3 straight sets, it was a close fight though. Magaling talaga si #11 e. Naging MVP pa nga siya e. Tama si Kim, nakikita ko ang sarili ko sakanya. Hmmm. Biglang lumapit saamin si Coach . . .
Coach Ramil: Ano girls? May nakitaan ba kayo ng potential na maging isa sa sainyo?
Kim: Ahh.. Ehh.. Halos lahat naman sila magagaling maglaro. Pero .. *tiningnan si Ara*
Mukhang parehas kami ng napili ni Kim ha. Ngumiti naman ako at nagsalita . . .
Ara: Pero may isang nag stand-out Coach e. Yung #11 ng Bicol University. Yung MVP.
Kim: Yown! Parehas talaga tayo ng iniisip! *nag-apir kaming dalawa at tumawa*
Ara: Pero ikaw Coach, sino po napili mo?
Kinakabahan ako na baka iba yung napili ni Coach. Sana wag naman :( Sayang naman si #11 eh.
Coach Ramil: Actually, yun babaeng din yun ang napili ko.
Whoooooa. YES! Sabi na eh!! Napangiti ako dun at nahalata naman ni Kim yun at nginitian niya ako ng pang-asar. Di ko nalang pinansin. :>
Coach Ramil: Nakikita ko si Ara sakanya e. Konting training nalang, at pwede siyang makasali sa line up.
Kim: So kausapin niyo na po siya at yung Coach niya. Para pagbalik natin ng Taft, kasama na natin siya. Diba Ara? *taas-baba ng kilay*
Ara: *naguguluhan at nag-taas ng kilay kay Kim* Ahh. Ehh. Opo Coach. Para sa Summer, makasama na agad siya sa Training natin. *nag-thumbs up*
Coach Ramil: Sge. Kakausapin ko na sila. Mauna na kayo sa Van.
Pumunta na si Coach sa side ng BU para kausapin ang Coach nila at si #11. Hinila nako ni Kim palabas ng Dome. At sinulyapan ulit si #11 sa huling pagkakataon.
Kim: Nako, kung nakakatunaw ang mga tingin mo, kanina pa natunaw yun si #11. *tumatawa*
Ara: *tinarayan si Kim* Aysos Kim, ang malisyosa mo! :>
Kim: Psh. Kilala ko na yang mga Da Moves mo Victonara! If I know, crush mo yung si #11 e.
ANO DAW? WAIT. CRUSH? Hmm. Pwede. Di ako agad nakasagot. Napaisip ako dun sa sinabi ni Kim at naalala ko ang mukha niya. Nag-iinit ang mukha ko. Shit! Nakakabakla naman to.
Kim: Alululululuhh. Nag blush si Bakla! HAHAHA. Crush mo ngaaa—ARAAAAAAY! :((((
Binatukan ko yung shunga! Pota. Anlakas talaga ng radar nito. Di ako maka-deny dito.
Ara: Aww. Sorry Kim, may lamok kasi, pinatay ko lang. *sarcastic* Tumigil kana kase, yan tuloy napapala mo. Psh. Di ko yun crush. Ano kaba. :>
Kim: Anung konek? Magpapalusot ka nalang e, fail pa. Teka, kanina pako nakakahalata sayo Victonara Galang ha, kanina mo pa ako binabatukan! Leche ka! :>