Elli’s POV
Time check: 2:30 am
Shit! Anong oras na! Di pa rin ako makatulog. Gulong here . . gulong there. . Sheez. Yung mata ko, gustong gusto na pumikit, pero ayaw ng utak ko e. Kanina pako nakatulala dito sa kisame. Naalala ko na naman yung mga narinig ko kanina. Oo, gising ako ng mga oras na yun. At Oo, rinig na rinig ko ang pag-uusap nila. Malinaw na malinaw sakin kung ano mga sinabi ni Ara.
>>>>> FLASHBACK
Naalimpungatan ako ng may marinig akong nag-uusap. . .
Kim: “So Ara, sabihin mo nga saakin anong pumasok jan sa utak mo para gawin ‘to?”
Ara: “Anong sinasabi mo Ate Kim?”
Kim: “Magddeny ka pa ba hanggang ngayon? Shunga kaba? Akala mo di namin nakikita ang sweetness mo kay Elli?”
Ara: “Eh wala namang meaning yun ha?”
Kim: “Wala nga ba? So ano lang tawag mo dun? Ha?”
Ara: “Wala. Sisterly love. Parang kapatid lang tingin ko sakanya. Nothing more.”
Kim: “Sisterly love? Ganern? Nako, ‘wag mo ko gagawing tanga Ara.”
Ara: “Eh kayo lang naman ang nagbibigay ng malisya Ate Kim e.”
Kim: “Ah, so ganun? Kami pa ang malisyosa? Naririnig mo ba ang sarili mo Vic?”
Ara: “That’s not my point.”
Kim: “Eh ano? Ara naman, di mo ba inisip na pwede siyang mahulog sayo sa mga ginagawa mo?”
Ara: “Bakit?! Sinabi ko bang mahulog siya? Sinabi ko bang mag-assume siya? Wala naman a! Wala namang ibig sabihin sakin yung mga ginagawa ko para sakanya.”
Kim: “Dafuq Ara! Edi sana nung una palang lininaw mo na, diba? Para di na siya mag-assume! Kasi kahit ako, kung ako ang nasa posisyon ni Elli, mag-aasume ako na merong ibig sabihin ang pagiging sweet at clingy mo saakin. Lalo na’t ang alam ko wala kang GIRLFRIEND!”
Ara: “ So ano ang gusto mong sabihin ko? Na mahal ko si Elli? Na may gusto ako sakanya?! Yun ba?!” Tumigil siya ng ilang minuto bago magsalita. . . “Wala akong gusto sakanya Ate Kim, h-hindi ko siya m-mahal. M-Mahal ko siya bilang isang kapatid lang. Si Tin ang mahal ko. Sguro kaya ko lang nagawa yun dahil sa nakikita ko si Tin sakanya. Yun lang.”
Kim: “So nagawa mo pa siyang gamitin? You’re too coward Ara! How could you do that to her?! At anong kalaseng rason yan?! Nakakadisappoint ka.”
Ara: “I’m sorry Ate Kim. Sorry. Aayusin ko ‘to.”
Kim: “’Wag ka sakin humingi ng tawad, kay Elli. At sana nga Vic, sana nga maayos mo pa.”
END OF FLASHBACK <<<<<
Parang gusto kong maglaho ng mga oras na yun. Pero ang tanging nagawa ko lang ay ang yakapin ng mahigpit si Ate Kim. Ang sakit sakit. Yun na ata ang pinakamasakit na naranasan ko sa buong buhay ko. Gusto kong umiyak, pero walang luha na lumalabas sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang marinig ang mga sinabi niya. Sguro, upang matauhan ako na taong mahal ko, ay di ako kayang mahalin pabalik. Napagpasyahan kong lumabas muna ng dorm, dala-dala ko ang gitara ni Ate Kim na hiniram ko nung isang araw. Naupo ako sa hagdan malapit sa may pintuan. Ganito ako pag malungkot, kapag wala akong masabihan ng problema ko, dinadaan ko sa pagkanta. Kahit papano dito ko nalalabas ang sama ng loob at nagpapagaan ng pakiramdam ko. Sinimulan ko na ang pag pluck ng gitara at kumanta. . .
Nais kong malaman niya
Nag mamahal ako
