TWENTY-ONE

97 0 0
                                    

Kim’sPOV,                                                                                                                                                           

 

Nagising ako sa sobrang uhaw. I checked what the time is, 2:30 am palang pala. Naisipan kong bumaba muna at uminom ng tubig. Pabalik na sana ako ng kwarto ng may marinig akong ingay, di siya actually ingay. Parang tunog ng gitara. TEKA?! Gantong oras may nagg-gitara?! OMG! Wala naman atang multo dito sa dorm. Nyeta. Kinakabahan ako. Huhuhu. Sinundan ko kung saan galing ang tunog, palapit na palapit ako sa pintuan ng dorm. Dahan-dahan ko namang tinulak ang pinto na bahagyang nakabukas. Nakita ko ang isang babaeng nakatalikod hawak-hawak niya ang gitara ko. . .  SI ELLI.

.

.

.

.

.

.

.

.

Natapos na siyang kumanta. Punong-puno ng emosyon ang pagkanta niya. Na para bang ito ang gustong sabihin ng puso niya. Ang ganda ganda ng boses niya pero ramdam ko ang sakit at lungkot nito. Nakita ko naman ang pagsabunot niya sa buhok niya at may sinasabi siya, pero hindi ko marinig. Hindi ko napigilan, napapalakpak naman ako na siyang ikinagulat niya. . .

Elli’s POV

Napatingin ako sa likod ko at nanlaki ang mga mata ko . .

Me: “ATE KIM?!” Napasigaw ako. Shit. Anong ginagawa niya dito? “Kanina ka pa ba dyan?!”

Kim: Imbes sagutin ako ay inasar pa ako ng loka, “Nyeta Elli, ang galing mo pala kumanta at mag-gitara! Bakit di ka nag-audtion sa The Voice? Baka sakaling nadiscover at nanalo ka pa! Hahahaha” Umupo siya sa tabi ko.

Me: Shunga talaga ‘tong si Ate Kim. Napatawa ako at hinampas siya, “Sira-ulo ka talaga kahit kalian!” Niyakap ko ang mga binti ko at pinatong ang baba ko sa tuhod ko.

Kim: Hinagod niya ang likod ko, “Di naman. Pinapatawa lang kita ang lungkot mo kasi e. Okay lang yan. Walang masamang umiyak.” Tiningnan ko siya at ngumiti siya saakin. Hindi ko na naman napigilan ang emosyon ko. Umiiyak na naman ako.

Kim: Yinakap niya ako at hinaplos ang buhok ko, “Sge lang, ilabas mo lang yan. Mamaya mo na saakin ikwento kung bakit ka ganyan. Makikinig ako.”

Yinakap ko pa siya ng mas mahigpit. Patuloy lang ako sa pag-iyak. Hanggang sa mapagod at mahimasmasan ako. I broke the hug at nagsalita . . .

Me: “Sge Ate Kim, magtanong kana, sasagutin ko. . . “

Kim: Nakita kong parang nag-aalangan siya magtanong, “Ahhh. Ano bang problema? May nangyare ba? Si Ara ba?” concern was written all over her face.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

Me: “I heard everything Ate Kim. I’ve heard your conversation kanina with Ara.”

Nakita kong nanlaki ang mata ni Ate Kim, alam kong hindi niya inaasahan yun. .

Me: “Ang sakit sakit Ate. Sobra, sobra. Yung mismo sakanya mo narinig na hindi ka niya mahal, oo, mahal ka nga niya, pero bilang isang kaibigan lang o nakakabatang kapatid lang.” Nagsimula na naman tumulo ang mga luha ko, “All this time, assuming lang pala ako. Ang tanga ko kasi binigyan ko ng kahulugan ang mga actions niya towards me. Pero ‘tangna naman Ate, di na sana siya nagbibigay ng motibo diba? Diba? Nahulog na ako para sakanya Ate Kim, at huli na ng malaman kong hindi niya pala ako sasaluhin.” Ang sakit. Humagulhol na ako, hinahagod lang niya ang likod ko at tahimik na nakikinig. “Ang tanga ko diba Ate? PUTASSIUM na nga, FIL-AM pa. HAHAHAHA. Galing diba?!” I laughed bitterly and cried again.

Kim: She hugged me, “Hindi ka tanga Elli,” she said, “Di mo naman kasalanang mahulog e. Kahit ako, if I were in your place, I’ll feel the same way. Aasa din ako. Kaya naiintindihan kita. Oo, may pagkakamali ka dahil umasa ka ng wala namang sinabing kahit ano si Vic, pero mali din siya. Pinagpatuloy niya parin ang pagpaparamdam na mas higit pa sa magkaibigan ang turing niya sayo. Kaya’wag mong sasabihing tanga ka. Nagmahal ka lang, sa maling tao, pagkakataon at panahon nga lang.”

Me: “Ate Kim, ano ba kailangan kong gawin? Tulungan mo naman ako oh.” Pag mamakaawa ko sakanya. “Lalayo ba ko? Iiwas?! Ano??”

 Kim: “Hindi yun ganun kadali Elli na madadaan mo lang sa pag-layo at pag-iwas sakanya. Lalo na’t nasanay kang palagi siyang andiyan at nasa iisang team lang tayo. Ang kailangan mong gawin sa ngayon ay tanggapin na hindi siya ang para sayo. Pagna-tanggap mo na sa sarili mo yun, sunod sunod na yan. Pero mas makakabuti nga para sainyong dalawa kung iiwas ka muna sakanya. Alam kong hindi madali, pero kayanin mo, step by step. And andito naman ako para tulungan ka.”

Me: “Kakayanin ko kaya Ate Kim?” Tanong ko.

Kim: “Kayanin mo.” Hinawakan niya ang mukha ko, “Be strong. Huwag mong ipapakita sakanya na mahina ka. Okay? Kaya mo yan. Ikaw pa. Okay lang na umiyak ka ngayon basta ba sa sususnod mong pag-iyak, hindi na siya ang dahilan.” Naka ngiti niyang tugon. “Sayang ng ganda ‘te. Wag ka na ulit iiyak ha? Ang pangit mo. Hahahaha”

Me: Napatawa naman ako, kahit kelan talaga Bully ‘to si Ate Kim, “Wow ha! Ang ganda mo ha. Nakakahiya naman sayo.” Balik pang-aasar ko sakanya, “Pero kidding aside, thank you Ate Kim for listening. That made me feel a lot better. And tatandaan ko ang mga sinabi mo. Thank you talaga.” I hugged her tight.

Kim: “Di naman talaga ako maganda kasi pogi ako. Hahaha. Well, wala yun. Sa susunod, kapag may problema ka, wag mong sasarilihin. I-share mo yan sa iba, lalo na’t kung mabigat na. Mabuti nga ‘di ka nag-suicide. Hahaha. Joke. Basta, wag ka mahihiya mag share saakin, kasi kahit pasaway at baliw ako, alam ko naman kung kelan dapat mag-seryoso. You’re welcome. Smile kana.”

Me: Ngumiti naman ako. “Ang OA naman kung maga-suicide ako. DUH?! Pero siguro kung di mo ako pinayuhan, baka dun nga ako patungo. Joke. Hahaha. Thank you talaga Ate ha. Pero may favor sana ako sayo, sana saatin lang ‘tong dalawa ha. Please?”

Kim: “Sure. Walang problema.” Nag thumbs up naman siya. “Tara na, tulog na tayo. 8am pa ang training natin bukas.” Tumango naman ako at sabay kaming tumayo at pumasok na sa dorm.

--------------------------------------------

“Sa panahon ngayon, sahig nalang ang sasalo sayo pag nahulog ka.”

--------------------------------------------

A/N: Hello guys. =))) Sorry sa mga typo and grammatical errors. Didn’t manage to edit this tho. :p Medj hugot ang ibang linya dito. Hahaha. Well, see you next chapter. TODDLES! xx

 

060414 7:01pm   

Dreams to RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon