KINABUKASAN
Cienne’s POV
Maaga akong nagising kasi ako ang in-charge para mag luto ng breakfast namin. Bumaba na ako at dumiretso sa Kitchen. Maya-maya ay nagising na din ang ibang LS para mag-ready sa training.
Kim: “Goodmorning Babe,” bati niya saakin habang sinusungkit ang mga muta sakanyang mata, “Hmmm. Bango naman ng niluluto mo, sarap sarap niyan siguro.” Nakangiti niyang sabi.
Me: Binato ko siya ng bawang, “Good morning ka jan! Di na good ang morning ko kasi ikaw ang una ko kong nakita. Hmp.” Inirapan ko siya.
Kim: “Ang sweet mo talaga kahit kalian. Kaya kita mahal e.” Tumalikod naman ako para itago ang kilig ko. Hahaha. Enebe :”>
Me: “Tse! Gisingin mo na nga yung Bullies sa taas ng may matulong ka naman.” Inis kong tugon sakanya.
Kim: “Naks. Aminin, kinilig ka!! Yiee. Opo kamahalan, masusunod po. Pero kiss muna??” Tinuro niya nag pisngi niya.
Me: “Kiss? Ito gusto mo?” Tinaas ko nag sandok na hawak ko, “Gisingin mo na kungdi tatamaan ka nito!!”
Kim: “Ayy. Ang init ng ulo mo ha. Meron kaba? Cge kung ayaw mo, ako nalang kikiss sayo.” nag-flying kiss naman siya at tumakbo pataas.
Napangiti naman ako, wala eh, di ko na kinaya yung kilig. Hahaha. Tsaka di naman niya na makikita. Eh kasi naman, kahit ang harsh ko sakanya, natitiis niya parin ako. Oh san ka pa? Eh mahal ko naman talaga yun. HA?! ANO DAW?! MAHAL? PWE! Hahahaha. Jokee. Uyy, secret lang natin yun ha. Pakipot effect na muna akez. Para masaya. Bet? Hahaha.
Maya-maya ay bumaba na ang mga Bullies, with their morning faces. Haha. Si Mika, parang na rape, si Kambal, may mga natuyong laway pa sa gilid ng bibig, si Carol parang di nanuklay ng sampung taon, Si Ate cyd, andami pang muta sa mata at si Ara, ayun natulog ulit sa lamesa. Hahaha. Ang papangit nila. Hahaha. Sgurado ako, pag nakita ‘to ng mga fans nila. Naku, wala ng career ang mga ‘to. Hahaha. Ako lang naman ang maganda pag bagong gising e. ANO?! MAG REREACT KA?! OO KA NALANG. ‘KAY?
Mika: “Goodmorning Bullies.” Sabi niya ng walang kabuhay-buhay at humikab.
Bullies: “Goodmorning~” Sabay sabay nilang sagot na parang zombie. Hahaha. Nakakatawa talaga sila.
Me: Pinukpok ng sandok ang kaldero ng paulit-ulit, “HOY! GISING NA!! Kain na kayo, masamang pinagaantay ang grasya!”
Nabigla naman silang lahat sa ginawa ko, tiningnan nila ako ng masama at tiningnan nila ang isa’t isa at saka tumawa ng nakakaloka. Ayy, mga bipolar talaga ang mga ‘to.
Mika,Cams,Carol,Cyd,Ara: “HAHAHAHAHAHAHAHAHA. ANG PAPANGIT NIYO!!!” Sabay turo sa isa’t isa.
Mika: “Hahahaha. Cams may laway kapa sa bibig mo oh.” Sabay turo sa bibig ni Camille at tumawa.
Camille: Pinunasan ang bibig at tiningnan ng masama si Mika, “WOW naman hiyang-hiya naman ako sa itsura mo Ateng, mukha kang rinape ng sampung lalake. HAHAHAHAHA” Balik pang aasar niya kay Mika.
Tiningnan naman ni Mika ang itsura niya, at natawa nalang siya kase totoo nga ang sinabi ni Camille.
Mika: Tiningnan si Carol, “Ikaw ‘te? Mahangin ba sa labas? Hahahaha” At tumawa na naman.
Carol: Inayos ang buhok at sinuklay gamit ang mga daliri niya, “Walangya ka Mika! Eh kumusta naman si Ate Cyd? Andaming muta sa mata! Hahahaha.”
Cyd: Inalis naman ni Cyd ang mag muta sakanyang mga mata, “Ako naman nakita mo Cerveza! Bigwasan kita jan e.” Nag-make face naman si Carol at bumelat. Nagtawanan naman silang lahat. Sabay-sabay nilang tiningnan si Ara.
Ara: Taas ng kilay, “Wag niyo akong susubukan, baka gusto niyong mag 100 rounds sa gym mamaya sa training.” Pambabanta niya.
Mika: “Ayy. Wala naman kaming gagawin diba?” Tingin sa Bullies at tumango-tango naman sila. “Tiningnan ka lang naman namin.”
Cams: “Yan tayo e. Personalan.”
Cyd: “Ginagamit ang Authority sa pang-ba-blackmail para di ma-bully.”
Carol: “Asan ang hustisya?! UNFAIR!!”
Ara: Kumunot ang noo, “May sinasabi ba kayo?” Taas kilay niyang tanong.
Bullies: Bumait ang itsura, “Ahh. Wala naman Kap. Hehehe”
Ara: “Good.” At saka ngumiti, yung ngiting tagumpay. “Kain na tayo. Bilis at mali-late na tayo, yari na naman tayo kay Coach. Asan na ba sina Kim at Elli?”
Kim: “Present sir!” Sagot niya habang pababa ng hagdan. Nasa likod niya naman si Elli.
Naupo naman si Kim sa tabi ko, at si Elli sa katabi ni Ate Cyd na kinabigla namin lahat lalo na si Ara. Ngayon lang kase nangyare na hindi sa tabi ni Ara siya naupo. Pansin ko din na parang na walang mata si Elli ngayon, tila namamaga ito. Umiyak ba siya? Nagkatinginan naman kami nina Mika.
Me: Di ko na natiis, kaya tinanong ko na si Elli, “Elli, bakit naniningkit yang mga mata mo? Parang magang-maga, umiyak kaba?”
Elli: Halatang nagulat siya sa tanong ko, “Po? Umiyak? Bakit naman ako iiyak? Haha. Wala to Ate,” Kusot kusot ng mata, “Napuyat lang ako kagabi. He he he” Sagot niya at pinagpatuloy ang pagkain.
Ara: “Puyat? Eh mas nauna ka pa sakin natulog kagabi e.” Kunot-noo niyang sabi.
Elli: “May nakalimutan kasi akong gawing Homework, mabuti nga nagising pa ako e. Kungdi, yari ako ngayon, terror pa naman ang Prof ko sa subject na yun.” Pagpapaliwanag niya.
Mika: “Sigurado kaba? Halos wala ka na ngang mata oh.” Pagtatanong pa ni Mika.
Elli: Tumango-tango, “Opo Ate Ye.” Ngumiti at pinagpatuloy ang pagkain.
Ara: “Homework? Ginawa mo? Eh bat wala naman akong nakitang mga notebooks dun sa study table natin ah?” Taas-kilay niyang tanong.
Elli: “Porket wala kang nakitang kalat, wala na akong ginawa. Ganun ba yun? Di ba pwedeng niligpit ko na after kong gawin?” Kunot noo niyang sagot.
Ara: “Eh bat defensive ka?” She smirked at Elli.
Elli: “So, anong gusto mong palabasin? Na SINUNGALING ako? Look who’s talking. Wag na wag moko itutulad sayo ARA.” Mataray niyang sagot kay Ara at tumayo na.
Me: ”Oh. San ka na pupunta? Tapos kana ba? Di mo nga nagalaw yang pagkain mo.”
Elli: “Maliligo na po ako, nawalan na ako ng gana eh. Sge po, akyat nako.” Sabay akyat sa kwarto nila.
Naiwan naman kaming gulong-gulo dito. Walang gustong mag-tanong kung ano ba ang nangyayare. Pinagpatuloy nalang namin ang pagkain at gumayak na para sa training namin.
---------------------------------------------------------
