Baby Z Ko ❤
Where are you?Me
D2 bandang tulay.Baby Z Ko ❤
W8 der. Don't u dare move. I'll be der soon.I can't help but feel fidgety.
My hands were sweating and I couldn't breathe properly.Malayo na ito samin pero hindi ko pa din maiwasang mabahala na baka may makakita saming dalawa na kakilala namin o kilala kami. Napabuga ako ng mabigat na hininga.
Then I saw him, rushing towards me.
"Kanina ka pa ba? I told you na dapat mas mauna ako sayo hindi ba? What time ka umalis sa inyo?" Sunod-sunod na tanong nito sa tonong may konting pagpapagalit. Pawisan ito at tumataas baba ang dibdib nito sa hingal dahil sa pagtakbo nito.
Pinigil ko ang ngiti na nais kumawala sa labi ko sa panenermon nito. Ang usapan kasi namin ay dapat mauna ito dito dahil nag-aalala itong baka mapaano ako o ano.
If I know, nababahala lang talaga ito na baka may pumorma sakin.Hindi ko pinansin ang paninita nito at kumuha ng bimpo sabay tingkayad at punas sa pawis nito. Nang matapos ay kumapit ako sa isang balikat nito at dinampian ito ng halik sa pisngi. Napatda ito at hindi agad nakapasalita.
"Are you angry with me Baby?" Malambing kong tanong dito na nag-puppy eyes pa. I saw his eyes soften and glisten in admiration.
"N-No Baby... O-Of course not..." Anang nito na napahugot ng malalim na hininga na para bang nahihirapan. "God Baby... you always take my breath away." Anang nito na hinila ako sa bewang at niyakap. "I love you... Happy first monthsary baby bunny..." Bulong nito sa tenga ko.
Kumapit naman ako sa batok nito at bumulong din.
"I love you Baby... Happy first Monthsary din..." Kinikilig na bati ko din dito. Nag-uumapaw ang galak sa puso ko.
Masayang-masaya ako ngayon, pero hindi ko maiwasang makaramdam din ng lungkot. Sa katapusan ng buwan ngayon, aalis na ito. At natatakot ako. Natatakot ako sa napakadaming bagay. Sa maaring takbuhan ng relasyon namin. Hindi ko alam kung ano bang mangyayari samin pag-alis nito. Ayoko mang isipin iyon ngayon ay hindi ko maiwasan talaga.
Iginiya na ako nito sa park ng Riverbank ng Marikina. Doon namin napagdesisyonang lumuwas para mag-date at doon ay naglibot kami. Matapos niyon ay kumain kami sa isang resto sa mall na malapit sa Riverbank.
Sige ang kain ko habang ito naman ay nangingiti lang na nakatingin sa akin at nagmamasid.
"Ayaw mo ng pagkain? Masarap naman ah." Tanong ko dito matapos lunukin ang pagkain.
Nakangiti itong umiling.
"Yeah, masarap nga. Lalo ikaw pa ang kasama kong kumain." Ani nito na may ngisi sa mga labi na siyang kinapula ng aking mga pisngi."Heh! Bumabanat ka pang damulag ka. Kumain ka na nga lang. Ako kakain niyang pagkain mo sige ka." Wika ko naman dito na sumandok muli ng pagkain para mapagtakpan ang hiya at kilig.
Natatawa lang itong umiling matapos ay sumeryosong bigla. Hinayaang ko lamang ito pero bahagyang nagtagal ang pagkaseryoso nito na kinataka ko.
"Baby?" Tanong ko dito na kinakurap nito ng ilang beses.
"Hmmm?" Tanong nito na para bang naistorbo ko ito sa malalim na pag-iisip.
"May problema ba?" Nag-aalalang tanong ko dito.
Napatungo ito bago muling nagsalita. Para bang tinantya kung dapat bang sabihin sakin ang bagay na iniisip nito.
"I...I don't want this kind of relationship..." tila nahihirapang sambit nito na kinabingi ko. Kumabog ang puso ko sa kaba.
YOU ARE READING
Was I Ever Really Loved By You? (TRAMYHEARTSERIES #2) (ON-GOING)
RomanceKarina Palencio is in-love with her brother's bestfriend and Math Teacher in High School, Zereff Evan Guillermo Mahal niya ito mula pagkabata pa lang hanggang sa naging guro niya ito. Nagtapat siya dito ng damdamin bago ito umalis patungong ibang ba...