ZE Guillermo:
Be there 12pm
Wait for me.
I love you.That's the last message of him.
But it's been 6 hours. 5pm na at 6 hours na kong naghihintay dito sa waiting area ng paliparan. Inagahan ko sa sobrang kasabikan na makita ito. Nangangalay na ang kamay ko sa banner na ginawa ko na pangbungad para dito.Kari Palencio:
Nasan ka na ba?
Hindi ka na ba makakauwi?Kung hindi na sana sinabi mo man lang.
Ilang oras na kong naghihintay sayo dito.
Ayoko na, pagod na ko.
Uuwi na ko!
At break na tayo!
Pagod na kong maghintay sayo!Frustrated na tadtad ko ng message dito.
Pagod na kasi ako tapos ay sari-sari ng emosyon ang lumulukob sakin, kaba, inis at takot. Ang dami ng mga scenario na pumapasok sa isip ko. Naninikip na ang dibdib ko at parang na sasabog na sa halo-halong emosyon."Baby where are you??? Please. Just be safe." Halos naiiyak na na anas ko. Kahit naman naiinis ako sa sitwasyon ko, ayoko namang may mangyaring masama dito.
Disoriented na nagtanong ako sa information desk kung ano bang nangyari at ang flight ng mula sa Japan ay na-delay.
"I'm sorry Mam. But the plane from Japan was cancelled due to a sudden thunderstorm. The arrival may happened tomorrow morning or by late of the evening. You could go home for now or you may leave a contact info for when the arrival came, we could contact you." Anang ng information desk officer ng paliparan.
Tumalima naman ako at nagdesiyong pang maghintay ng ilang oras muli. Ngunit makalipas pa ang limang oras ay nanlumo na ko ng tuluyan at naluluhang nagdesisyong umuwi na lang.
Marahil ay hindi na talaga makakarating si Zereff. Isang araw pa lang naman ang nahingi nitong leave dahil kababalik eskwela lamang ng mga estudyante nito. Sa August pa ang magiging official vacation nito dahil iyon din ang bakasyon ng mga estudyante nito. Nagleave lamang ito para sa aming ikalawang anibersaryo ngayong araw.
YOU ARE READING
Was I Ever Really Loved By You? (TRAMYHEARTSERIES #2) (ON-GOING)
RomanceKarina Palencio is in-love with her brother's bestfriend and Math Teacher in High School, Zereff Evan Guillermo Mahal niya ito mula pagkabata pa lang hanggang sa naging guro niya ito. Nagtapat siya dito ng damdamin bago ito umalis patungong ibang ba...