Chapter 44 💖 Karina 💖 Regret

220 11 17
                                    


"Bes... tahan na..."

"Beshy, yung eyes mo di na halos makita sa maga. Tumahan ka naman na.. Isang baldeng luha na yata yung nailuha mo eh."

Pag-aalo sakin nina Serena at Lavertha habang nasa bahay kami ng huli. Dito ko pinagdesisyonang pumunta matapos ng mga pangyayari.

Hindi ko magawang tumahan sa sobrang gulo at sakit na nadarama.

Parang pinipiga ang puso ko sa mga nalaman at gulong gulo ang aking isipan.

Z didn't cheat on me.

He only got married to a woman so he could continue to stay and work in that foreign land.

He did that for a reason.

He sacrifices himself for the sake of his love ones and to save their home built with love by their parents.

And yet, we judged him.

I JUDGED HIM.

Countless time.

"T-Tama si Kuya Dim... Napaka-immature ko... B-Bakit ba kasi hindi ko man lang sila pinakinggan? Ni hindi ko man lang binuksan yung utak ko sa mga sasabihin nila... Ang tanga tanga ko mga bes... Ang tanga ko..." hindi matigil sa pag-atungal na wika ko. Tuloy lamang ang pagdaloy ng mga luha ko habang yakap ang sariling mga tuhod na tila doon umaamot ng sariling pagramay.

"Kari... Stop taking it all by yourself. Wala ka namang alam niyon kaya normal na maging ganoon ka..." Wika ni Serena na nakapagpaangat sa akin.

"Yun na nga di ba? Wala akong alam... Pero ang lakas ng loob kong husgahan siya... I-I should have known Z. After almost 4 years of our relationships, he did nothing but love me wholeheartedly... He loves me. Alam at ramdam ko iyon sa bawat pagkakataong uuwi siya sakin... Pero dahil napakalaki kong tanga at gaga, kinalimutan ko iyon at nagpakain sa selos at galit ko..." Saad kong napakagat labi sa kirot na lumukob sa puso ko. Ganito pala ang pakiramdam ng pagkakasala at pagsisisi.

Nakakalunod. Nakakasasakit.

"Bes.., yes we know na may pagkakamali ka, pero don't blame yourself too hard. Galit ka niyon at sobrang nasasaktan. Hindi mo kasalanang napangunahan ka ng mga emosyong iyon dahil normal na reaksiyon iyon ng taong nasaktan. And oftentimes than not, kapag galit at nasasaktan tayo, hindi tayo agad nakakapag-isip ng tama at malabo ang makinig. Hindi mo naman ito ginusto. Walang may gusto nito. I'm sure Zereff understands you too kaya nga nagpapaliwanag siya sayo di ba?" wika naman ni Lave.

"B-But not anymore... He left me... Iniwan niya na ko Lave... Umalis na siya..." Basag ang tinig na saad ko.

Hindi magkamayaw ang mga luha sa mata ko kasabay ng puso ko na tila pinipiga sa isiping wala na si Z at tuluyan nang nagsawa.

"For sure, may dahilan siya kung bakit siya umalis. He loves you Kari. Ikaw mismo ang nagkuwento samin ng mga sinabi niya hindi ba. At base sa mga iyon, kaya kong igarantiya sayong mahal ka niya. Kung wala siya dito, edi sundan mo siya? Chase him Kari. Huwag mong hayaang matulad ka sakin na nagsisisi hanggang ngayon dahil sa pagpapakawala ko kay Marcus. May tsansa ka pang maghabol dahil alam mong may hahabulin ka pa. Kaya kumilos ka na. Walang magagawa yang pagngalngal mo dito. Umaandar ang oras bes. Sa bawat oras na hindi kayo maayos, nagkakaroon ng mga espasyo ang puso niyo." Mahabang lintanya ni Lave na bakas ang lungkot sa mga mata nang magsalita.

"Hindi ba kagagahan kung gagawin kong iyon? Hahabulin ko siya matapos ko siyang ipagtabuyan at hindi pakinggan? Paano kung ayaw na niya? Paano kung naisip niyang hindi na ko worthy for his love? P-Paano kung nahulog na din siya kay Margarette kaya siya bumalik muli doon nang hindi man lang nagsasabi? Paano kung–—"

"Eh paano kaya kung kumikilos ka na? Eh paano kaya kung sinubukan mo ng nakipag-communicate sa kanya? Edi sana nalalaman mo na lahat ang mga sagot sa lahat ng mga paano mo hindi ba? Naloloka ako sayo bes. Magpapaulit ulit lang itong pag-uusap na ito when in fact alam mo naman na kung ano ang dapat na gawin mo. Huwag kang magpalamon sa hiya, hinala at mga katanungan mong iyan. Iyang iyan nga mismo ang sumira sa inyo hindi ba? Walang mangyayari Kari kung uupo ka lang dito at magngangawngaw. You have to do something." Napipika na na wika ni Serena sa akin.

Naumid ang dila ko sa tinuran ni Serena sakin. Tama ang mga ito. Walang magagawa ang pag-iyak at pagtangis ko. Kailangan kong kumilos at subukang ayusin ang samin ni Z bago tuluyang mawalan ng tsansa ang relasyon namin. Mahal ko si Zereff, mahal na mahal.

Lamang, bahagya pa din akong nag-aalangan at naguguluhan, lalo pa't noong huli akong pumunta doon para tanungin ito tungkol sa pakikipaghiwalay nito ay iba ang nakita at nasaksihan ko.

Ngunit ayoko ng maging duwag muli. Kailangan kong harapin ang lahat ng suliranin ng relasyon namin.

"May pag-asa pa ba kami?" Tanong ko na tila sa sarili mas nagtatanong kaysa sa mga taong kausap ko.

"Kapag patuloy ang pag-ibig, patuloy rin ang pag-asa. At ang pag-asa lamang ang kayang tumalo sa takot. And Kari.., I'm telling you, this love story of yours is worth chasing and fighting for." Makahulugang wika ni Lavertha sa akin habang nakangiti. Sa lahat ng mga kaibigan ko, ito lamang ang kayang bumanat ng mga pangungusap na kaya agad pagaanin ang loob mo, yun bang mapapaisip ka na lang at mapapasang-ayon.

Tunay ngang ang mga taong may pinagdadaanan din sa buhay ang siyang magaling na magpayo.

Gumuhit ang ngiti sa mga labi ko at tila naglahong parang bula ang lahat ng mga bumabagabag sa utak at puso ko sa huling sinabi nito. Nabuhayan akong bigla at nagkaroon ng kakaibang enerhiya sa katawan ko.

This is the power of positivity brought by my great friends to me.

And even though I don't know where to start to untangle all the conflicts, my heart and mind was filled by a sudden confidence and will. And right now, I know, I can do this.

I've got this.

😍😍😍😍😍

A/N
Hi Cuties!!!

Yipeee! We reach 1K plus within a month! Haha!

This chapter is dedicated to all of my great friends out there! Guys i love you all! Haha.
Miss ko na agad kayo kahit kailan lang tayo nag-outing haha 😂😂😂
Kasi naman yung outing na yun 5 taon ang lumipas bago natupad haha 😂😂😂
Ulitin natin ulit ha? Pero sana hindi na umabot ng limang taon ang pagpaplano haha 😂😘😍

To my Lovely Reader

Sorry na mga ganda sa late Update!
Nabusy lang ang lola niyo. Haha.
Nag-outing kasi kami ng mga friendships ko. Then nagkaroon ako, tinamad ako magsulat dahil grabe ang dysmenorrhoea ko kapag meron ako huhu. 😭 Ang hirap maging babae no? Pero keri lang! Pagkabigo nga sa pag-ibig kinakaya natin regla pa kaya? 😅😂😁

Anyway, I hope na tuloy tuloy pa din po ang pag-support niyo sakin guys! Mahal na mahal ko kayo guys! 😘😘😘
Take care always and God bless! 😍😘😉

Love,
TramyHeart ❤️❤️❤️

Was I Ever Really Loved By You? (TRAMYHEARTSERIES #2) (ON-GOING)Where stories live. Discover now