"Wala naman na kong masyadong dapat ituro, naturo na pala sa inyo yung trigonometry identities bago ka nagkasakit di ba. Basta lagi mo lang tatandaan yung SOHCAHTOA." Ani ni Morriz na tinuturuan ako sa sala ng bahay namin. Nakaupo ako sa sahig at nagsisilbing mesa ko ang center table na nandoon, habang ito ay nakaupo sa sofa sa kaliwang bahagi ko. Natatandaan ko noon, ganito ang puwesto namin ni Z noon kapag tinuturuan ako."SOHCAHTOA? Ano yun?" Takang tanong ko. Pagkain ba yun?
"Ah, baka absent ka na nung naturo yun. Isang paraan yun para mas matandaan mo kung paano compute-in lahat ng trigonometric identities. SOH, stands for Sineequals to Opposite and Hypothenuse. CAH, stands for Cosine equals to Adjacent over Hypothenuse, and TOA-"
"Tangent equals to Opposite over Adjacent!" Pagtatapos ko sa sasabihin nito. Hindi ko nga alam iyon. Baka nagkasakit na nga ko nung naturo iyon.
"Right." Nakangisi nitong ani. "Matalino ka naman kaya alam kong pag binasa mo lang iyan at inunawa para ka na ding naturuan."Ani pa nito.
"Sus, binola mo pa ko, wala akong pera, ilang araw kaya akong absent, kaya wala akong allowance." Biro ko dito na kinatawa nito. Tinuruan pa ko nito ng ilang bagay tungkol sa mga nakaaraang pinag-aralan ng mga ito bago ito nagpaalam. Hinatid ko ito sa gate na para bang ang layo ng bahay ng mga ito samin.
"Salamat sa oras mo Morriz." Anang ki dito ng maihatid sa gate namin.
"Don't mention it. Para bang iba ka naman kung magsalita ka diyan." Nakangising wika nito. Kapag ngumingisi ito, ang laki talaga ng pagkakahawig nito kay Z.
Lumakad na ito ngunit pinigilan ko bago pa makalayo ng may maalala.
"Wait 'riz! May nakalimutan pala akong itanong." Habol ko dito.
"Ang ano? Kung single pa ko? Oo naman. Always naman." Pagbibirong ani nito na nginusuan ko lang."Ano ba kasi yun?" natatawang dugtong nito.
Bigla tuloy akong nahiya itanong yung naalala kong bagay dahil baka pagtawanan na naman ako nito.
"Huy, ano nga yun Kari?" Kunwa'y nainip na tanong nito sakin.
"Uhm.. Ano... Kasi.. Yung.. D-Date ba ni Kuya mo natuloy?" Tanong ko dito.
Tila prinoseso pa nito ang tanong ko at bahagya na lang na ngumisi bago magsalita.
"Alam mo ikaw, ang lakas talaga ng tama mo sa Kuya ko. Hindi mo ba talaga napapansin?" Ani nito na humawak pa sa sariling dibdib nito sa tapat ng puso. Nangunot ang noo ko sa pagtataka sa tanong nito. Alin ang hindi ko napapansin at bakit humawak ito sa puso nito?
"Nasasaktan mo na ko." ani nito na ngumisi.
Inabot tuloy ito ng hampas sakin at iling."Tumigil ka nga diyan. Sagutin mo na lang yung tanong ko. Sapakin kita diyan eh." Sita ko dito na napapailing pa. Mapagbiro talaga itong lokong ito.
Tumawa muna ito bago tuluyan sumagot.
"Oo naman syempre natuloy. Ano yun, porke nagkasakit ka hindi na siya tutuloy? Ano ka ba niya?" Nakangising pang-iinis nito sakin, in fairness, kahit biro yun nasaktan ako."Idikit kaya kita sa pader gamit pako? Masakit kaya yun?" Nakangusong ani ko dito na kinatawa pa nito lalo.
"'Wag naman, alam kong kamukha ko si Kristo pero si Morriz ako." Ani naman nito. Isang hampas ulit ang natikman nito galing sakin.
"Saan ba sila nag-date?... Tsaka... May communication na ba sila after that? Kasi may pa egg pie pa si mayora Selma sa inyo." Ani ko na hindi naitago ang disgusto at ismid.
"Aray... ganyan ka pala magselos, ang cute sana kaso hindi ako yung guy." ani nito na humawak muli sa puso.
"Letse ka Morriz! Kanina ka pa hindi na ko natutuwa sayo!" Asik ko dito. Humalkhak na naman ito bago umayos at kinurot ang ilong ko.
YOU ARE READING
Was I Ever Really Loved By You? (TRAMYHEARTSERIES #2) (ON-GOING)
RomanceKarina Palencio is in-love with her brother's bestfriend and Math Teacher in High School, Zereff Evan Guillermo Mahal niya ito mula pagkabata pa lang hanggang sa naging guro niya ito. Nagtapat siya dito ng damdamin bago ito umalis patungong ibang ba...