Kinabukasan.
"What is this Karina?" Malalim ang boses na tanong ni Zereff habang hawak ang test paper ko.
Pasimple ako nitong pinatawag sa faculty room nito kanina dahil vacant naman na. Ang sabi nito ay pagche-chekin lamang ako ng test paper. Nang makapasok naman kami ay nagpa-check nga ito, ngunit nang maiwan na lang kaming dalawa dahil umalis na ang ilang Math Teacher para pumunta sa mga klase nito ay agad nito iyong tinanong.
"Ahmm, test paper ko?" Pagmaang-maangan kong sagot at nagpatuloy sa pag-che-check ng test paper.
Tama naman ang sagot ko 'di ba?
"KARINA..." matigas na ang boses na ani nito. Nasusuka ako sa kaba. Dapat pala hindi muna ko kumain kanina.
"Sir?" Medyo kinakabahan na na tanong ko. Nagagalit na nga yata talaga ito.
"Answer me. Ano itong mga pinagsusulat mo dito?" panibagong tanong nito.
Ang dali naman sagutin ng mga tanong nito.
"Eh di quotes po. Ano po bang nakalagay sa instruction. Write as many quotes as you can about Math di ba? Kaya sumulat ako ng quotes. May mali po ba sa mga sinulat ko?" Painosente muling sagot ko.
Malalim itong bumuntong-hininga na para bang nagpipigil na ng inis o galit.
"I.Am.Not.Kidding.Here KARINA PALENCIO..." Anito na mas matigas na ang boses kaysa kanina.
Patay, galit na nga ito, kasama na apelyedo ko eh.
Tumikhim ako at nag-isip ng isasagot pero walang namutawi sa bibig ko. Nakakatakot sumagot sa ganitong tono at itsura ni Zereff.
What you saw is what you get.
Anang ng maldita kong utak."K-Kung ano man yung nandiyan, yun na yun. Kailangan pa bang ipaliwanag?" anang ko na medyo nainis na din. Mas maliwanag naman sa sikat ng araw ang pagkakagusto ko dito mula pa bata ako pero binabalewala lang nito iyon. And worst, baka iniisip nito, paghangang pambata lang iyon. Pwes, nagkakamali ito. Kailangan ko pa bang ipagsigawan dito iyon?
"You wrote my name here. Paano kung may makabasang iba aber? Mahirap na ngang magpaliwanag kung kani-kanino ng koneksyon natin dahil ang daming madudumi ang utak sa panahon ngayon—" Anito na na naringgan ko ang pagkabahala. Hindi na natapos pa ang sasabihin dahil nagsalita na ko.
"—P-Paanong... magpaliwanag?" ani kong halos hindi maibulalas ng husto ang salita.
Hindi ito kumibo at napayuko lamang.
Then it hit me, though somehow, I already know two years ago.
Z, is a Teacher now, and I am the student of the school where he teaches. Alam kong importante ang iisipin ng ibang tao para dito, dahil kailangang malinis ang pangalan ng isang guro. Kailangan walang kahit ano mang koneksyon sa kahit sinong mga estudyante. Kaya pala ako nito iniwasan noon.
Ang immature ko talaga. Puro puso na lang ang inuunawa ko, puro emosyon at pagtatangi ko dito. Ang laki kong tanga. Paano ko mapapahulog ang isang taong puwede kong masira dahil sa paglalandi ko dito?
Ang tanga ko.
"K-Kaya ba iniwasan mo na ko mula noon? Kaya ba hindi ka na nagpupunta samin mula ng maging guro ka? Kasi madaming nag-iisip ng masama sayo?" Tanong ko kahit alam ko naman na ang sagot.
Iyakin ako kaya alam kong kahit anong oras, iiyak na ko, pero hindi ngayon, hindi ngayong nalaman ko ang katotohanan sa pagbabagong matagal ko ng kinukwestiyon.
"A-Ah... Kaya pala. Akala ko may nagawa akong mali kaya ka nagbago. L-Look Z-Sir Guillermo... Walang kahit anomang, mean, ano man pong koneksyon sa inyo iyang sinulat ko diyan." ani ko na inayos ang salita. Naalala ko noon ng magreklamo ito tungkol sa pagtawag ko dito, natatakot lamang pala ito na may makarinig samin at magresulta ng maraming konsekwensiya.
"I s-swear. Totoo pong gusto kita, pero n-noon iyon, hindi na ngayon. Z lang po yan pero hindi kayo 'yan. Iba na po Sir ang nagugustuhan ko ngayon. Yang mga sinulat ko po diyan, para sa taong nagugustuhan ko na yan. Hindi po ba sabi niyo magsulat ng kahit anong quotes basta connected sa Math? Love quotes lang kasi ang ilang naisip ko kaya ganoon. Kaya hindi mo kailangan mo na ko kailangan kwestyunin pa." Anang ko na nilagyan ng konbiksyon ang bawat salita. Muli, nagsisisi ako na kumain na ko, dahil parang gusto kong bumaliktad ng sikmura ko sa pagsisinungaling ko.
Pero kailangan kong gawin ito. Dahil ngayon lang ako naliwanagan sa ilang taong kalagayan ng sitwasyon namin. Hindi kailanmam pumasok sa isip ko ito. Akala ko, nagbabago lang talaga ang lahat dahil nature na iyon ng mga bagay at tao sa mundo, pero nakalimutan kong may dahilan ang bawat pagbabagk.
Kailanman ay hindi ko mapapahulog ang minamahal ko sa akin dahil ako, at ang pagiging konektado ko dito, ang maaarinb ikasira nito.
Hindi agad ito kumibo. Inayos ko ang ilang test paper dahil malapit ang mag-bell.
"Sir Guillermo, una na po ako. M-Magbe-bell na po kasi." Ani ko at mabilis na tumayo para lumabas na.
Kaya din siguro ako pinatawag ni Zereff para sabihang tigilan ko na ang mga bagay bagay na ginagawa ko, gaya na lamang ng paghalik ko dito noon at pagpapansin.
Nakagat ko ang ibabang labi ko sa pagpipigil na mapaluha. Nakakainis amagkaroon ng mababaw na luha. Ang sarap barahan ng lacrimal gland ko na naglalabas ng luha sa mga mata ko.
Humugot ako ng malalim na hininga at nanalangin na sana matapos na ang oras ng eskwela, dahil gusto ko ng umuwi sa bahay at yakapin ang malaking bugs bunny stuff toy ko at iyakan hanggang sa makatulog ako.
Mapait akong napangiti, immature na nga, iyakin pa, kaya mas lalong hindi ako karapat dapat na babae para kay Zereff. Ano nga kayang itsura at pagkatao ng babaeng nagugustuhan ni Zereff? Malamang kabaligtaran ko talaga.
Kapag mature na ko at hindi na iyakin, siguro, pwede ko ng paibigin ang isang Zereff Evan Guillermo.
😢😢😢😢😢
YOU ARE READING
Was I Ever Really Loved By You? (TRAMYHEARTSERIES #2) (ON-GOING)
Roman d'amourKarina Palencio is in-love with her brother's bestfriend and Math Teacher in High School, Zereff Evan Guillermo Mahal niya ito mula pagkabata pa lang hanggang sa naging guro niya ito. Nagtapat siya dito ng damdamin bago ito umalis patungong ibang ba...