Chapter 5 💖Karina💖 First Kiss

218 11 18
                                    

Maingay ang buong School ng Arevello High. Hindi magkamayaw ang mga estudyante sa kasiyahan at panay ang tili at sigaw ng suporta sa mga grupo na kasali sa bawat paligsahan, papormahan din ang lahat sa temang 90's.

Kaming magkakaibigan ay mga naka denim jacket at highwaist jeans, ang iba lang samin ay ang pangitaas at mga sapatos. Hindi ko alam kung kami lang ba ang magkakaibigan ang ganito, na ang gusto ay magkakamukha o hawig ang mga kasuotan.

Sa band contest ay nanalo ang banda nila Morriz at 2nd place naman ang Banda nila Lavertha. Nabigla ako nang malaman kong ang vocalist ay si Morriz at kasama pa nito si Meldy sa grupo bilang second vocalist. Ang ilan sa mga barkada ni Morriz ay drumer at bassist. Kinanta ng mga ito ang kanta ng Mayonaisse na Jopay. Napakaganda ng kinalabasan ng musicality at melody ng grupo lalo nang magsama sa stage. Ngayon ko lamang nalaman na kasali ang kaibigan kong si Meldy sa grupo nito. Naging abala kasi ako kasama ang buong SSG na mailatag ang show ng maayos katuwang ang mga ilang nga guro. Mabuti nga at nakakanta pa si Lave dahil isa din ito sa naging tunay na abala.

Matapos ang makapigil hiningang mga paligsahan ay inanunsyo na ng MC na magsisimula na ang Finding game na pinangalanang Seek to Find. Ito ang huling palaro bago ang disco night. Ang mga sumali sa palaro ay mayroong kalahating oras para makita ang unang apat na tao na tinago. Mayroong iba't ibang kulay ng laso na hawak ang mga itinagong hearthrobs at sweethearts. Kailangan ang makahanap sa kanila ay ganoon din ang kulay bago maideklarang panalo. Hindi alam ng lahat ang mga kulay na hawak ng mga nakatagong tao, pero iba't iba din ang kulay ng mga laso ng mga kalahok na nabunot nila sa isang box bago nagsimula ang buong show. Mayroong blue, orange, green, yellow, red at purple. Napagusapan ang ganoong mechanics upang magkaroon ng process of eliminating at twist ang laro. Nang sa ganoon ay kahit makita ng isang kalahok ang isa sa mga taong nakatago, ay hindi agad ito ang magiging panalo sa laro. Pero bilang consolation prizes sa mga sumali at hindi nakakita sa mga hahanapin, bibigyan sila ng mga isang bag, kung saan meron iyong laman na mga candies, stationary papers, cute ballpens and scrapbook stickers.

Halos nasa isang daan din ang sumali sa palaro, karamihan doon ay pursigido talagang makita ang mga taong nakatago bilang isang all expense date ang premyo ng mananalo. Pero ang ilan ay sumali lang talaga para sa kasiyahan at sa consolation prizes, gaya ko at ng mga kaibigan ko.

Nang simulan ang palaro ay parang mga nakawala sa hawla ang mga estudyante.

Nagtatawanan na lamang kaming magkakaibigan habang naghahabulan at nakikigulo. Pinag-usapan at pinuri namin ang husay ni Meldy at Lave sa pagawit habang naglilibot.

"Huy guys ang galing niyo talaga kanina superrr!" wika ni Serena.

"Wala iyon, maliit na bagay." pagmamayabang na biro ni Meldy.

"Hoy wag ka ngang mayabang diyan porke first place kayo. Pinagbigyan ko lang kayo 'noh. Sabunutan kita riyan eh." Ganting biro ni Lave na kinatawa
. ng grupo.

"Maiba ako, sobrang bagay kayo sa stage ni Morriz, Meldy. Alam mo iyon, parang super match yung mga boses niyo. Baka match din kayo for life kasi alam mo yon, parang may something sa inyo, 'di ba guys." Biro ko dito na sinang ayunan naman ng iba.

"Hay naku mga bruha, tumigil nga kayo diyan. Parang awa niyo na wag kayong magsalita ng masama diyan at baka magkatotoo 'noh. Walang something samin ng unggoy na iyon. Something sa utak mayroon, pero siya lang yun, ako matino." ani nitong namumula ang pisngi at dumukot sa bulsa ng kung ano. Nagbubukas ito ng gum nang magsalita ako.

"Uyyy denial queen! Eh bakit nagba-blush ka diyan aber?"ani kong muli.

"Oo nga pulang pula ka oh." Dagdag inis pa ni Lave.

"Baka naman ikaw ang may something sa kan-"Napigil ang iba pang sasabihin ko nang sakin nito isubo ang gum na binuksan nito.

"Oh ayan mag-gum ka muna. Ang dumi ng lumalabas sa bibig mo eh. Kinikilabutan ako." Wika nito na kinatawa ulit namin. Napailing na lamang ako dito. Sa sunod ko na lamang ito bubuskahin baka mainis ko na kasi ito talaga pag kinulit ko pa.

Was I Ever Really Loved By You? (TRAMYHEARTSERIES #2) (ON-GOING)Where stories live. Discover now