A/N
Helloooooo Lovelies!
Again, this is a throwback 😂😂😂
Para alam niyo kung ano yung mga naganap bago nangyari ang lahat 😅
Please don't judge me huhu 😭😭😭
This is just how I want to give insights about the other happenings. Forgive my mind please 😭😭😭💕💕💕
Love you all!TramyHeart 💖💖💖
--------
A year ago.
(The breakup scene in Z Povs)Dim Palencio:
Hayop ka Guillermo! Bakit mo pinaalam kay Batsy yung tungkol sa kasal?! At bakit ka nakikipaghiwalay sa kanya?!
Kumabog ang puso ko ng walang humpay ng mabasa ang mensahe na galing sa kaibigan kong si Dimitri.
Nagmamadaling nagtipa ako ng salita at tanong.
ZE Guillermo:
What?! Anong pinaalam?
Anong nakikipag-break?
Wala akong sinasabi sa kanya Dim!At paano akong makikipaghiwalay sa kanya eh mahal na mahal ko siya?
Alam na alam mo iyon Dim.Ilang araw ko na siyang hindi makontak. Binlock niya ba ko?
Dim Palencio:
Tangina mo! Ikaw ang namblock sa kanya
matapos mong isend ang mga picture niyo ni Margarette diyan!Tangina ka ZE!
Pinagkatiwalaan kita!Ang sabi mo, kailangan mo lamang magpakasal kay Margarette dahil naloko ka ng Agency na in-apply-an mo diyan!
Alam ko namang wala kayong relasyon nung simula pero sino bang ginagago ko?! Puwedeng niloloko mo kaming lahat dito at nahulog ka na sa babaeng iyan!
Matagal na din kayong magkasama diyan sa bansa na iyan! Maaaring nadevelop na kayo sa isa't-isa sa pagtutulungan niyong dalawa! Hayop ka talaga! Hintayin mo kong walanghiya ka! Bubugbugin kita diyan?!
Hindi ko na sinubukan pang magpaliwanag. Alam kong darating talaga ito dito, at dito ko na lang ito kakausapin dahil hindi kami magkakaunawaan kung sa mensahe lamang kami mag-uusap.
Chineck ko ang settings ko sa messages at nakitang nakablock nga si Karina. Maging ang kapatid kong si Morriz ay naka-block na din. Nang sinubukan kong i-unblock ang mga ito ay deactivated naman na ang account ni Karina. Kahit ang ibang social media account nito ay hindi ko na mahanap para imensahe.
ZE Guillermo:
Hihintayin kita bukas dito na lang tayo mag-usap.Pero sinusumpa ko, sa puntod ng mga magulang ko Dim, hindi ako ang nagmessage kay Karina.
Mahal na mahal ko ang kapatid mo at hindi kailanman sumagi sa isipan ko na pakawalan ang taong mahal ko.Dim Palencio:
Whatever ZE.
Ayusin mo ang paliwanag mo kung hindi, mapapatay kita.Napalamukos na lamang ako sa sariling mukha at ulo ko.
Hindi ko alam ang iisipin ko. Hindi ko mabatid kung paanong nangyari ito.
Ngunit bigla akong natahimik at nagtagis ang sariling bagang at ngipin nang magkaroong ng ideya kung paano ang mga ito ay nangyari.
Nagmamadali kong niligpit ang gamit ko at dinampot ang susi ng kotse ko.
Nagngangalit sa galit na nagmaneho ako papunta bahay ni Margarette, ang babaeng tumulong sa akin matapos akong maloko ng agency na pinag-applyan ko.
YOU ARE READING
Was I Ever Really Loved By You? (TRAMYHEARTSERIES #2) (ON-GOING)
RomanceKarina Palencio is in-love with her brother's bestfriend and Math Teacher in High School, Zereff Evan Guillermo Mahal niya ito mula pagkabata pa lang hanggang sa naging guro niya ito. Nagtapat siya dito ng damdamin bago ito umalis patungong ibang ba...