Chapter 31 💖 Karina 💖 He's back

162 6 0
                                    


"But you didn't have to cut me off
Make out like it never happened and that we were nothing
And I don't even need your love
But you treat me like a stranger and that feels so rough...." Awit ni Morriz habang nasa nagmamaneho ito ng motor nito.

"No, you didn't have to stoop so low
Have your friends collect your records and then change your number
I guess that I don't need that though
Now you're just somebody that I used to know..." Awit ko naman sa sumunod na verse ng kanta.

"Now you're just somebody that I used to know... Somebody!
Now you're just somebody that I used to know.... Somebody!" Duet namin. At nagkatawanan na lamang kaming dalawa matapos niyon.

Huminto na ito sa bahay namin at maingat na tinanggal ang helmet sa ulo ko.

"Oh God, ang sakit na ng tiyan ko kakatawa." Napahawak sa tiyan na ani ko na kinailing lang nito habang alalay ako sa pagbaba sa motor nito.

"Sa alak iyan hindi sa kaka-tawa. Makailang shots ka ba naman eh-" Hindi na natapos ni Morriz ang sasabihin dahil bigla na lamang itong nalagpak sa sahig.

"Morz!" Napasinghap sa gulat na bulalas ko sa ngalan nito.

Dinaluhan ko ito agad at sinamaan nang tingin ang kung sinomang demonyo na nanakit dito. "W-What the hell! Sira ulo ka ba?!-" Hindi ko na nagawang tapusin ang ibubulalas ko ng mapagtanto kung sino ang demonyong nanapak bigla kay Morriz.

Napakurap-kurap na lamang ako sa hindi pagkapaniwala.

"I didn't give you a right to touch her Morz!" Asik ni Zereff habang nanlilisik ang mga mata. Nilapitan nito si Morriz sabay hawak sa kwelyo nito at itinayo gamit iyon.

Tila ito papatay at tunay na nakakasindak ang itsura nito.

Napangisi naman si Morriz ng mabistayan ito.

"I don't need your fucking permission." Nakangising wika ni Morriz dito.

"Tarantado ka!" Nagngangalit ang bagang na singhal ni Zereff dito at muling sinapak. Ginantihan naman ito ni Morriz at halos tumilapon ang ulo ni Zereff sa sapak na natamo sa kapatid.

Nabitin ang hininga ko sa nangyari. Hindi ko malaman kung paano ang mga ito aawatin dahil tila natulos ako sa kinatatayuan kk.

"Ikaw ang tarantado Kuya?! Sinaktan mo si Karina! Niloko mo siya?!" Sigaw pa ni Morriz dito at ito naman ang kinuwelyuhan.

Magkapantay ang tangkad ng mga ito at halos magkasingkatawan din, ngunit mas bulky lamang si Morriz dahil banat at alaga sa paggyi-gym habang si Zereff naman ay sapat lamang ang pangangatawan.

"Hindi ko siya niloko! Kahit kailan hindi ko siya magagawang lokohin gago!" ganting sigaw naman ni Z at kinwelyuhan din si Morriz.

Nagsukatan ng tingin ang mga ito habang parehong nagtatagis ang mga bagang .

Nakakangilong makita ang mga galit na mukha ng dalawa.

"A-Ano ba tumigil na kayo!" Natatarantang awat ko sa mga ito at lalapitan na sana ang mga ito ng may sumigaw naman bigla na isang babae na mabilis na lumapit sa nagaganap na eksena.

"Zereff!!!"

Hindi napigilan ng mga mata ko na mamilog sa gulat ng mabistayan ang mukha ng babae. Hindi maaaring hindi ko makilala ang babae na iyon. Dahil ilang libong beses kong pinagmasdan iyon na parang masokista habang lumuluha sa tapat ng laptop ko.

Nadama ko ang pamilyar na sakit at galit na nanahan na yata saking dibdib.

Nakauwi na nga si Z. At kasama nito ang babaeng pinakasalan nito ng lingid sa kaalaman ko.

Naikuyom ko ang kamao sa pagpigil sa emosyon ko.

"Baby tama na iyan. Inaantok na ko. " Wika ko kay Morriz.

Parehong lumingon ang dalawa sakin na laglag ang panga at hindi malaman kung sino sa kanila ang tinatawag ko. Ginamit ko kasi ang tawagan namin ni Zereff na ito ang nagpasimula.

"B-Baby?" Hindi makapaniwala na maang na tanong ni Zereff sakin ng mabatid nito na hindi ito ang tinatawag ko.

Muntik na kong matawa sa reaksyon nito kung hindi lang nangingibabaw ang galit ko dito.

"Yes. He's my Baby now. Bakit? Anong akala mo, ikaw? Okay ka lang? Bakit naman kita tatawaging Baby? Hiwalay na tayo di ba?" Anang kong tumalikod at akma nang papasok sa gate namin nang matigil dahil bigla akong hinawakan ni Zereff sa braso at hiniklat.

"B-Baby please lets talk..." Nagsusumamong wika nito sakin.

Mag-usap?
Nang-gagago ba ito?
Anong pag-uusapan namin?
Ang pagtaas ng presyo ng dolyar at ng krudo?
O ang biglaang paglobo ng populasyon sa mundo?
Hindi na ba talaga ito marunong mahiya?
Kasama nito ang asawa pero ibang babae ang hinahabol nito at nais na kausapin.

Ang mga lalaki nga naman.

Tinignan ko lamang ang braso ko na hinawakan nito at walang buhay ang mga mata na tinignan ito sa mata.

"Don't you dare Baby me. That is not my name. At wala na tayong dapat pang pag-usapan. Tapos na satin ang lahat. Baka nakakalimutan mo, ikaw pa nga ang nagtapos di ba?" Namamait ang ngisi na wika ko dito at saka winaksi ang braso ko nahawak ng kamay nito.

"No Baby No...We have to talk, please. We have so many things that need to be cleared

Baby please." Pagsusumamo muli nito at tangka muling hahawakan ako ngunit agad na iniwasan ko.

Nakita ko ang pagbalatay ng lungkot sa mukha nito. Pero ayokong magpadala doon. Kahit pa ang buo kong pagkatao ay gustong-gusto ng abutin ito at aluin.

At ayoko ding maramdaman ang balat nito sa balat ko dahil sigurado, tutupikin lamang ng init niyon ang damdamin kong uhaw na uhaw para dito.

"I can't talk to you Zereff. Ni ayoko ngang makita ka pa, makausap pa kaya? Layuan mo na ko pakiusap. Makaramdam ka naman ng hiya sana kahit konti." Maanghang na wika ko dito at tunawa ng walang buhay dito.

Nais kong maramdaman at makita nito na wala ako sa wisyong makipaggaguhan pa dito. Sapat na na naloko na ko nito ng isang beses. At hindi na ulit mauulit pa iyon dahil hinding hindi ko na hahayaan pang makalapit pa muli ito sakin.

"Baby..." Tanging nasambit lamang nito ng buong suyo at lambing.

Muntik na kong mapapikit ng mariin sa pagbigkas nito sa ngalan nito sakin.

At aminado ako, nasasaktan man ako, naliligayahan ang tanga kong damdamin at puso sa pagtawag nito sakin.

Tinalikuran ko na lamang ito nang wala na itong iba pang maapuhap na salita.

Dahil konting konti na lang, alam kong ipagkanulo na ko ng sutil na damdamin at puso kong wala pa ding mintis na kumakabog para dito.

😖😖😖😖😖

Was I Ever Really Loved By You? (TRAMYHEARTSERIES #2) (ON-GOING)Where stories live. Discover now