Hindi ko halos maramdaman ang paa ko sa pagkakatayo sa bukana ng pintuan ng kuwarto ni Z. Tumitimo na paunti-unti ang katotohanang aalis na ito ilang oras mula ngayon. At ngayon pa lang, hindi na ko halos makahinga sa katotohanang iyon.
Hindi ko alam kung makakaya ko ba ang hindi na ito makita araw-araw. Ang hindi na masilayan ang ngiti nito sa akin. Ang hindi hanapin ang paghawak nito sa buhok ko at paghaplos sa pisngi ko. Ang matagal na hindi madama ang mga halik nito.
Ilang linggo ko na itong iniisip simula ng maging kami. Nauunawaan ko naman ang dahilan nito kung bakit aalis ito, nauunawaan ko iyon ng husto, pero bakit hindi pa din maiwasang madurog ng puso ko?
"How long do you plan to stand there? C'mon, sit here. Tulungan mo na lang ako magligpit dito. Alam mo namang hindi ako magaling sa pag-aayos ng gamit 'di ba." Nakangiting wika nito habang nagtutupi ng mga damit nito.
Paanong nito nagagawang ngitian ako gayong alam nitong nasasaktan ako?
Gusto kong magdamdam ng husto pero sinusuyo ako ng ngiti ng labi nito.Lumapit ako dito at kinuha ang mga damit nito. Ang mga luha ko ay nagsisimula ng pumorma sa mata ko habang namimilipit sa sakit ang dibdib ko.
Pagkaligpit ko ng maayos sa isang damit nito, tuluyan nang bumagsak ang kanina'y pumormang luha sa mga mata ko.
Naramdaman ko ang paglapit nito at paghawak sa ulunan ko. Iniwas ko ang ulo ko pero binalik lang ulit nito iyon. Yumugyog na ang mga balikat ko sa 'di mapigilang pag-iyak ko.
Inalis nito ang kamay na nasa ulunan ko at niyakap ako. Hindi ito ang unang beses na nagkayakap kami, pero iba ang yakap na ito. Yakap ng pamamaalam sa pagalis nito. Yakap na mangungulila din ito sa pag-alis nito. Dahil apat na taon ang contract nito bilang Teacher sa Japan.
"I keep asking this to myself, even though I already know the answer. But...Why? Why do you have to go?" Tanong ko dito habang hawak ang isang damit nito na pinantatakip ko sa mukha ko. Hindi ko na naisip na isa nga pala iyon sa ililigpit ko at ilalagay sa maleta nito.
"Bunny..." Tanging nasabi lang nito.
"Ilang beses ko bang sasabihing wag mo kong tawaging ganyan! Nakakainis ka na! Bunny ka ng Bunny diyan?!" Tinabig ko ito at inaalis ang kamay nito na nakayap sakin. Pero hindi ito nagpatinag.
"Baby..." Ani naman nito. Sumikdo ang puso ko sa lambing na nasa tinig nito. "Alam mo ba kung bakit Bunny ang tawag ko sayo?" Biglang tanong nito na nahimigan ko pa ng tuwa.
Ano ba naman ito, nagdadrama ako dito tapos biglang magtatanong ng ganoon.
"H-Hindi. At wala akong pake." Nag-iinarte kong sagot dito, pero deep inside ay umaasang ibubunyag nito kung bakit nga ba ganoon ang tawag nito sakin. At sana ay huwag ang dahilan ay ang pagkahilig ko sa gulay na carrots.
"I've read this long time ago in some books. Bunny means, a young desirable lady. And you suddenly pop up in my mind habang binabasa ko iyon. Then as the days passed, I found myself thinking about you more often. I started noticing how cute you are. How you becoming so beautiful as time goes by. How long your eyelashes are, your teeny nose, your chinky eyes, full mouth... all your features. Then I can't help observing you... more, your deeds and mannerisms. Everything about you is so addicting to watch. At nakakatawa na sa bawat gawin ko, o bagay na nakikita ko, naiisip kita. Doon ko naisip, na gusto na kita. Na hindi na lamang pagtinging kapatid ang tingin ko sayo." Pagbubunyag nito habang mabining hinahaplos ang buhok ko.
YOU ARE READING
Was I Ever Really Loved By You? (TRAMYHEARTSERIES #2) (ON-GOING)
RomanceKarina Palencio is in-love with her brother's bestfriend and Math Teacher in High School, Zereff Evan Guillermo Mahal niya ito mula pagkabata pa lang hanggang sa naging guro niya ito. Nagtapat siya dito ng damdamin bago ito umalis patungong ibang ba...