Chapter 13 💖 Karina 💖 Loving Can Hurt

175 7 0
                                    

Vacant period, pagkatapos kumain.

Nakakaloka ang mga nalaman namin na wala ng gusto ang kaibigan namin na si Lave sa matagal na nitong crush na si Hendrix. Kapansin-pansin naman ang pagkalungkot ng mukha ng isa pa naming kaibigan na si Francine sa usapang ito na para bang ito ang mas nasasaktan kaysa kay Hendrix. Sabagay, ganoon yata talaga pag nagmamahal, dahil itong si Francine na kaibigan namin ay matagal na palang may lihim na pagtingi kay Hendrix.

Tahimik lang si Francine sa gilid habang kanya-kanyang komento ang iba pa naming kaibigan. Nakaupo kami sa ilalim ng puno ng alatires ng eskwelahan.

"Hay, okey na din yan kesa paasahin mo siya. Kaya lang ginto na kasi Lave pinakawalan mo pa. Wish ko lang hindi ka talaga magsisi diyan sa naging desisyon mo pagdating ng panahon. Pero mga bes, ang bait talaga ni Hendrix 'no? Grabe kung wala lang akong Sir Zereff, baka nagkagusto din ako sa kanya. Boyfriend Material eh no?" Hindi ko napigilang komento. And I mean it, but at the same time, doubt it. Dahil alam kong sa puso ko, si Zereff lang ang laman niyon.

"Ay, ang ambi mo te no, talagang inangkin mo na si Sir Zereff? Wag ka nga diyan. Kahit magkagusto ka kay Hendrix hindi ka din niyon magugustuhan. Kakaiba ang mga tipo niyang babae. Biruin mo ang daming nagkakagusto sa kanya kay Lavertha lang siya nagkagusto? Exotic beauty with brain ang mga type niya. Masiyado kang maganda para magustuhan niya." Biro ni Serena na kinatawa nila. Napaismid ako sa galing nitong mang-asar, pero mas nasaktan ako sa sa una nitong pangungusap. Kung puwede ko nga lang angkinin si Zereff, ginawa ko na. Kung alam lang ng mga ito.

"Oo nga eh, lahat na yata nasa kanya. Pwera na lang yung gusto niyang babae. Ikaw na talaga bes. Ito ang korona rumampa ka na" Ani naman ni Meldy na nagmuwestra pa na kunwari ay may ipinatong sa ulo ni Lave. Bahagya akong nangiti doon.

I wonder kung paano ako naging ganito kagaling sa pagkukunwaring ayos lang ako kahit hindi.

Mahigit isang buwan na din pala ang nakakaraan ng mangyari ang sa Math faculty, at ilang araw na lang, December na, pero hindi pa din nawala ang bigat na nararamdaman ko sa puso ko magmula ng araw na iyon.

"Mga luka-luka. Ang exaggerated niyo no? Ewan ko sa inyo. Ano namang ibig mong ipakahulugan diyan Serena ha. Sira talaga kayo. Guys, I know na Boyfriend Material siya, pero hindi natin mapipilit ang pag-ibig. Ayokong sagutin siya dahil lang good-catch siya. Hindi ba mas masasaktan ko siya kung ganoon ang gagawin ko. Mas maganda na yung habang maaga naging tapat ako sa kanya, hindi ko din naman inakalang sa ganito kami mapupunta. Pero iyon lang talaga ang nararamdaman ko sa kanya. Kung magiging kami tapos magbibreak lang din sa huli, ikakasira lang yun ng na-built na friendship namin. Hindi dahil hindi naging kami ibig saihin niyon hindi na ko humahanga sa kanya. I still admire him, lalo yung personality niya. May tao lang talaga na mas karapat-dapat para kanya. I'm pretty sure na hindi ako yun. Kaya Karina, don't worry pag nangyareng magsisi ako tatalon na lang ako sa ilog para naman hindi ako lumabas na kahiya-hiya." Mahaba lintanya ni Lave sa amin na para bang siguradong sigurado ito na hindi na magbabago ang pggtingin nito kay Hendrix.

"Lave, sana sinubukan mo muna. Malay mo kung maging kayo makita mo na mali ka pala. Na may feelings ka pala sa kanya at hindi lang kaibigan ang tingin mo sa kanya. Kawawa naman siya... ang tamlay-tamlay niya buong maghapon." Hindi na napigilang komento ni Francine na bakas sa tono ng pananalita nito ang pag-aalala at lungkot.

Natahimik si Lave saglit at tinimbang ang mga sinabi ni Francine. Batid namin ang sakit na nadarama ni Francine dahil mahal nito si Hendrix.

"Lave, sigurado ka bang hindi mo siya tinurn-down dahil kay Francine?" Tanong ni Rosie dito.Tinignan ito ni Lave ng may kasiguraduhan sa mata at umiling sabay tingin kay Francine.

"Siguradong-sigurado. Huwag na huwag mong iisipin na dahil sayo kaya ko to ginawa Francine. Wala kang kinalaman sa naging desisyon ko. Para sa akin ito at para sa kaniya. Gaya nga ng sabi ko mas masasaktan ko siya kung sasagutin ko siya ng walang kasiguraduhan ang damdamin ko. I know nasasaktan ka pag nakikita mong nasasaktan si Hendrix, and I am really sorry for that... Pero mali na paasahin ko siya na higit sa kaibigan yung nararamdamn ko sa kanya. Soon alam ko he will get over me dahil hindi kami ang para sa isa't isa. May taong mas deserve ang tulad niya. He deserve someone na hinding hindi siya sasaktan. Yung someone na naghihintay pa din sa kaniya kahit ang tagal tagal niya bago lumingon. Yung masaya kapag masaya siya, nasasaktan pag nasasaktan siya. Yung minamahal siya sa kabila ng lahat ng nangyayari." Anang ni Lave na puno ng konbiksyon na alam namin na ang tinutukoy ay si Francine. Nangilid ang mga luha ni Francine.

Was I Ever Really Loved By You? (TRAMYHEARTSERIES #2) (ON-GOING)Where stories live. Discover now