Tapos kana basa mga pinaniniwalaan mo?
Natahak mo na ba, ang daan
na laging bukangbibig mo?
Kaya na bang ngumiting walang alinlangan ang mga mata mo?
Kaya mo nabang mag-kwento?
O patuloy kaparing nakakulong sa rehas ng takot
na ikaw mismo ang bumuo?Kaylan ka ba tatapak palabas
sa linyang naghaharang sa tunay na mundo?
Kaylan mo ititigil ang panlilinlang sa sarili mo?
kailan mo ititigil ang pagtulak palabas sa mga taong
gustong pumasok sa buhay mo
Na tatakot ka na magtiwala sa iba
dahil mata mo mismo ang nakakitasa tunay na imahe ng kasinungalingan
Pero may isang bagay
ang hindi mo nasaksihan
Na kahit nangunguna ang kadiliman
nandyan parin ang mga tuldok tuldok ng tala
na magliliwanag sa madilim mong daan
Sana itigil mo na
sana lumingon ka na
sana kahit sa isang segundo
itigil mo na ang pagpapahirap sa sarili mo
Sinasabi mong malaya ka
at kaya mong gawin
ang kahit anong gustuhin
Ngunit bakit mo pinipigilan ang sarili mo?
Sana isaisip mo
na lahat ng bagay na may buhay
ay nangangaylangan ng kasama
na kahit gaano pa katibay
ang mga pader na ginawa
sa alinlangan na ikay mapapasukan ng iba
magkukusa kading lalabas dahil sa pangungulila
Dahil kahit sino ay walang kakayahang mabuhay mag isa
-2018,Feb,09
................
masyadong dark tong sinulat ko ngayun .I dedicate this one to my friend , I hope we could be together like the same old day
sana mabasa mo to kahit imposible na
Hay buhay ay parang life!
comment below kung nakakarelate bo kayo.bye bye have a nice day
![](https://img.wattpad.com/cover/137757187-288-k984649.jpg)
BINABASA MO ANG
Tula Galing Sa Puso Kong Tulala
Poetry"Tula galing sa puso kong tulala" walang magawa kaya ako'y sumulat ng mga corning linya tagalog at íngles ang lenggua at may ibat ibang klase ng tema ito'y buong pusong ginawa at sana magustohan nyo dahil baka bagising nyo katabi nyo na si Sadako...