GuSto kita

135 8 0
                                    

Masyadong kakaiba ang utak ko
kaysa sa tipical na dalagita
Kung ang tipo nila ay mga maskulado
Ako naman ay yung pino

Sila'y nagtataka kung bakit
Ang gusto ko ay isang 'paminta'
Tinutuksong mag hanap nalang ng iba
Dahil sayang daw ang aking mukha

Oo aaminin ko
Gusto ko naring kamuhian ang sarili ko
at nahihirapan ako sa sitwasyon nato
Dahil Mahirap magkagusto sa taong allergy sa kasarian mo

Na sa pagtangka mong lapitan sya
Salubong na kilay ang ipapakita
Tinalo pa ang dalagitang may sumpong
dala ng dalaw na meron sya

Mabigat sa pakiramdam
Na ang gusto mo ay masbabae pa gumalaw kaysa sayo
Ilang iling naba ang nagawa
Ilang buntung hininga pa kaya ang maibubuga
Pagnakita ang kendeng mong pang rampa

Kung totousin maslalaki pa akong pumorma
Kaya nga lagi mo ako napapansin diba
Dahil sa akala mo ako'y isa sa mga kalalakihan sa iyong pantasya

Kaya nga di ko na napigilan
Na hatakin ka at balak na bigwasan

Kaso masyadong lampa ang iyong kaibigan
kaya na itulak ako palapit sayo
at ang ending, nawala pa ang pers kiss ko
At dahil naniniwala ako sa kasabihan

Na ang grasya ay di dapat tanggihan
kaya di na ako nagpabebe pa
At di na nagpatumpiktumpik pa
At ika'y aking sinunggaban

Alam ko malaki ang kasalanan iyon
Dahil ang gusto mo ay isang benche men
ang makakakuha ng unang halik mo
Kaya pasensya na

pero gusto ko laNg malaman mo ito.......





Na gusto parin kita.









 Tula Galing Sa Puso Kong TulalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon