napaka personal po itong tula na ito.Ilang beses ko pog pinag-isipan kung kayako na bang ipakita sa inyo. pero sana magustuhan nyo.
Hindi ko alam kung anong meron sa mga mata mo
Na sa pag-titig ko dito
ay hinuhugot ako papalapit sayo
kahit labag pa sa kalooban koLagi kong iniisip
kung ano ba ang nasa likod ng mata moKung meron bang sikretong pinapanatili mong nakatago
Na maaring ikasira ng magandang imahe mo
Na sa paglapat ng tingin ko sayo
ay kasunod ng hipnotismo na dala ng mata mo
Na habang tumatagal ay dinadala ako sa ibang dimensyon
Patungo sa iyong ilusyon
At kung pipigyan mo ako ng permiso
Na makapasok at makita ang nakatago mong sikreto
Makakalabas pa kaya ako?
Makakalabas pa kaya ako ng kumpleto?
at walang pahid ng katauhan mo?Makakalabas pa kaya ako ng payapa?
Katulad ng unang beses na pagpasok ko?
At sa pangalawang pag-kakataon
Pahihintulutan mo kayang makapasok muli
At makita ang mas malalim mong lihim?
Dahil kahit madungisan pa ang
Ang inosenteng kaiisipan
Dahil sa kagustuhan ,na makita ang mukha
Sa likod ng malamig mong mga mata
Hahayaan kong sarili kong magdusa
Para lang masilayan ka
Na kahit ang makita ko pa
Ay kabaliktarang ng Maganda mong mukha
Tititigan parin kita
Hahayaan ko parin ang sarili kong lapitan ka
Hahayaan ko parin ang malamig mong mga mata
Na idala ako sa ibang demensyon
Dimensyon patungo sa iyong ilusyon
Tititigan parin kita
Na kahit itago mo pa ang iyong mukha
Sa takot na mabasa
Ang sinasabi ng iyong mga mata
Pipilitin kong intindihin ka
Na kahit gaano pa kadilim at kalalim
Ang pagpasok ko sa pag-katao mo
Susubukan kong sumisid at huminga
Para hanapin ang nawawalang parte mo
Na pati sarili mo ay hindi na maalala
At para makumpleto kana
At ng maging maliwanag na dinang paningin mo sa palikid ,
Na inakala mong kadiliman
Para kahit papaano ,makaramdam narin
Ang manhid mong katawan
At malusaw na din ang yelong
Matagal ng nakabalot sa puso mo
Tititigan parin kita ....
At sana bago ako mawala
Ikaw ang huling makita..
.................................................................................................................
2017 ,May
![](https://img.wattpad.com/cover/137757187-288-k984649.jpg)
BINABASA MO ANG
Tula Galing Sa Puso Kong Tulala
Poesía"Tula galing sa puso kong tulala" walang magawa kaya ako'y sumulat ng mga corning linya tagalog at íngles ang lenggua at may ibat ibang klase ng tema ito'y buong pusong ginawa at sana magustohan nyo dahil baka bagising nyo katabi nyo na si Sadako...