Walang titulo

102 6 0
                                    

Bago ka magsimula sa pagsulat ng tula
O kahit ano na kunektado sa paggawa ng isang akda
Kaylangan ay titulo muna ang mauna
bago isulat ang katawan ng isang kwentong  gusto mong ilikha

Halos lahat yan ang sinasabi
Dahil masmahuhugot mo daw  ang  mga tamang linya
Na magrerepleksyon sa iyong titulo
Para kahit papaano makuha mo ang kalahating anggulo ng salitang  perpekto

Pero hanggang saan nga ba ang patutunguhan ng isang tula
Kung wala na itong titulo
Magiging katulad pa ba ito ng malaparaiso mong  pantasya
Na kung saan  ang mga linya moy walang kasing katulad ng halimuyak ng isang bulaklak

Na walakang panghuhugutan ng tamang timpla
Wala ng dapat alalahanin pa
Satingin mo anong magiging resulta
Alam ko isa nanaman to sa mga magugulo kong tula

Ito ang mahirap sa katulad kong simpleng manunulat
Ang daming sinasabing salita at linya
Kungkaylangan namang ideretya
Pero di magawa

Paano kung sa titulo palang ay walaka ng magawa
makakausad  ka pa kaya
Ang gulo gulo
parabang mahabang formula ng algebra
ang  ipinipilit mung isaksak sa utak mo

walang titolo
Hindi ko to pinili dahil sa nababagut lang ako
Walang titolo
Dahil pagod na ako

O3,15,2018




 Tula Galing Sa Puso Kong TulalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon