Ang plano ko
ay mabuhay mag-isa
ang lumipad sa kung saan
ang umupo sa paburitong tambayan
Ang magbasa ng iba't-ibang klase ng libro
hanggang sa bumigay ang talukap ng aking mata
hanggang sa ihele ako ng hangin
patungo sa kasukdulan ng kalangitan
Pero sadyang maduga ang tadhana
at ako'y malaking tanga para magpaubaya sa kanya
Ang pagdating mo ay parang bulalakaw
mabilis..
nasa isang pilikmata
ay nasa tabi na pala kita
Hindi ako pumikit at humiling
ng mala Cinderella na istorya ng makita ka
ngunit ang gusto ko lang ay tahimik at payapa
kahit ako'y mag-isa
Ngunit ang munting hiling ay naglaho ng dumating ka
nasa pag-bagsak mo sa lupa
ay magdudulot ng pagkasira
at sa kasamaang palad sa direksyon ko pa napunta
Hindi ko alam....
nalilito...
kung ikakabuyi ko ba
o
ikakasama ang pagdating mo
2017/08/31

BINABASA MO ANG
Tula Galing Sa Puso Kong Tulala
Puisi"Tula galing sa puso kong tulala" walang magawa kaya ako'y sumulat ng mga corning linya tagalog at íngles ang lenggua at may ibat ibang klase ng tema ito'y buong pusong ginawa at sana magustohan nyo dahil baka bagising nyo katabi nyo na si Sadako...