T

148 6 0
                                    

Halimuyak mo'y kasing tulad ng pahina ng libro
Magaan sa pakiramdam
tila ba  dinadala ang tagsibol sa aking kaibuturan

Haplos mo ang bumubuhay
sa aking diwa
Malaangel mong boses
ay ginigising ang tulog kong kaluluwa 

Sa pagyakap mo'y tila  puso'y inaalon sa payapang karagantan
Kaylawak ,di matanaw ang kasukdulan

Mata mo'y nagpapaalala sa akin
sa bwan
Lumiliwanag  kahit napapaligiran  ng kadiliman

Ikaw ang larawan ng perpekto
Ang tala sa kanilang puso
Kaya'tang adhika na makapiling ka ay isang suntok sa bwan 

Masakit man tanggapin ang aking pahimakas
Puso'y nagaasam parin na balang araw , tagpo natin ay maglandas
















Hanggang sa muli aking Hiraya


























August,10,2020

















































 Tula Galing Sa Puso Kong TulalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon