"Anong oras na naman kaya ako makakasakay pauwi?!"
Badtrip na wika ko sa sarili habang nasa kaduluhan ng pila ng sakayan ng jeepney sa may Dasma. Dumagdag pa ang mga taong tanong ng tanong kung pila ba ito. Tapos magtatanong ulit sa katabi na pinagtanungan nito hanggang sa humantong din sa pagpilasa pinilahan ko. Anak ng tinapa, lalo lang umiinit ang ulo ko.
Napag pasyahan kong magsoundtrip muna habang nakapila, baka sakaling mawala ang masamang espiritong unti-unting bumabalot sa katauhan ko.
Kinuha ko ang earphone at sinaksak sa tenga ko, buti nalang hindi pa lowbat yung phone ko.
Nakailang kanta na din ang nai-play ko pero hindi pa din umuusad ang pila. Para kaming mga na-stranded na mga pasahero ng barko sa sobrang haba ng pila.
Magmumura na sana ko sa tagal ng biglang may tumulak mula sa likuran ko, natulak ko tuloy yung ale na nasa harapan ko.
"Punyemas naman oh!" inis na tinanggal ko ang earphone sa tenga ko.
"Ano ba yan!" pasigaw na sabi ng ale na nasa harapan ko.
Nag-sorry muna ako bago ako sa ale bago ko nilingon ang tumulak sakin. Uupakan ko kapag lalaki yon, pero nagulat ako ng makita ko ang isang babaeng pagewang gewang. Lasing yata.
Hindi ko masyado makita ang mukha ng babae dahil halos magmukhang sadako na ito sa pagkakalugay ng mahabang buhok nito.
Tama nga ang hinala ko, lango nga sa alak ang babae, amoy empi.
Tila natauhan ito ng maramdaman ang presensya ko. Umangat ang ulo nito at inaaninag kung sino ang nasa harap nya. Hindi ko pa masyado makita ang mukha ng babae dahil natatakpan parin ng buhok ang mukha nya.
Sinimulan kong magsalita
"Hoy! Miss, lasing ka ba?"
Hindi ko na hinintay na sumagot ang babae dahil umuusad na ang pila, pinabayaan ko nalang ang nangyari. Tumalikod na lang ako at nagsimulang maglakad habang umuusad ang pila.