Chapter 3

167 7 9
                                    

Inangat ko ang mukha ko at nagulat ako ng nakita ko syang umiiyak. May sapak ata yo eh bigla-biglang umi-emote.

Biglang nawala lahat ng inis ko sa babaeng kaharap ko at nagsimula akong makaramdam ng awa sa kanya.

Mukha yatang problemado kaya naglasing.

Kapag nakakakita ako ng babaeng umiiyak, medyo nakakaramdam ako ng lungkot sa hindi ko malamang dahilan. Katulad ngayon, may umiiyak na babae sa harapan ko pero wala akong magawa.

Nilapitan ko siya at inabutan ng panyo.

"Miss, okay ka lang?" 

Ang tanga ko talaga, nagtanong pa ako kung okay lang 'to eh alam ko namang hindi.

Umiling lang ito sa tinanong ko at umiyak ulit. Mabuti na lang at wala na masyadong dumadaang tao sa kalye, iwas iskandalo yon para sakin,

Nagpasya akong tanungin ulit ang babae, gusto ko na kasing matapos ito at makauwi. Inaantok na kasi ako.

"Miss, alam mo medyo nakakaabala ka na sakin. Kaya kung pwede lang sa susunod na maglalasing ka, siguraduhin mong may kasama ka kasi baka mapahama ka sa ginagawa mo."  mahinahon kong sabi sa kanya.

Sayang ang ganda nito kung mapapahamak lang. Type ko pa naman.

"Ganito nalang, pahiram ng cellphone mo para matawagan natin yung magulang mo o kaibigan mo. Kasi hindi kita pwedeng iwanan dito dahil sa lagay mo ngayon."

Hindi naman pala mahirap kausapin 'to dahil binigay nya agad cellphone nya sakin.

Agad kong hinanap sa phonebook nya ang number ng kung sino man ang nakakakilala sa kanya. Sinubukan kong tumawag pero malas, wala pala itong load kaya sa cellphone ko nalang gagamitin ko.

May nakita akong number ng kaibigan nito, obvious naman dahil Grace-Friend ang pangalan sa contacts nya. Sinimulan kong tawagan iyon. 

Mukhang hindi ako minalas sa pagkakataong yon dahil agad na may sumagot. Babae ang boses, malamang si Grace.

"Hello?"

"Yes, hello? Who's this?" sabi ng babae sa kabilang linya.

HIndi na ako nagpatumpik-tumpik pa kaya sinabi ko dito ang nangyari sa kaibigan nya.

"Nasaan kayo? Susunduin ko kayo. okay lang ba siya?" sunod-sunod na tanong nito na halatang nag-aalala. Kaya sinabi ko agad kung nasaan kami.

"Sige dyan lang kayo." wika nito bago mawala sa linya.

Nakahinga ako ng maluwag. Tiningnan ko ang babae, nakaupo ito at nakatungo.

"Miss, ito na yung cellphone mo, natawagan ko na yung friend mo, si Grace, tumayo ka na dyan kasi maya-maya dadating na yon para iuwi ka."

Nagtaka ako dahil hindi ito sumagot. Sinilip ko, walangya! Tinulugan ako.

"Miss? hoy miss!" niyugyog ko ang balikat nito para magising. Pero tulog mantika padin ito. Kaya no choice ako kundi buhatin siya. Piggy back ride.

Ang hindi ako mapakali kase ang payat naman ng buhat-buhat ko pero walangyang bigat.

Halos 30 minutes na akong naghihintay habang buhat-buhat ang babae. Tiningnan ko ang oras sa relos ko. Alas-diyes na. Patay ako, siguradong hinahanap na ako ni Tsong Macoy.

Maya-maya ay may nakita akong babae na naglalakad papalapit sakin. 

Sa wakas dumating din ang hinihintay ko. Si Grace.

Napakunot ang noo ko dahil nung maaninag ko na ang babae ay pamilyar 'to sakin. Alam ko madaming Grace na pangalan sa Pilipinas pero hindi ko akalain na kilala ko pala ang Grace na kaibigan ng babaeng ito. 

Nang makalapit to, nagulat di siya ng makita ako.

"Grace?"

"Kevin?"

Sabay pa naming sambit sa isa't isa.

Highschool classmate ko si Grace at kapitbahay ko dati, matagal na kaming hindi nagkikita dahil after grumaduate kami ng highschool ay lumipat ito ng ibang tirahan.

"Ikaw yung tumawag?"

Tumango lang ako.

"Mabuti ikaw ang nakakita sa kanya. Salamat talaga."

"Kung hindi lang talaga ako mabait, iniwan ko na 'tong kaibigan mo eh." pabirong sabi ko.

tutal nandon na ako sa sitwasyong yon, nilubos-lubos ko na ang pagtulong. Sinamahan ko na hanggang sa makauwi ang dalawa. Malapit lang pala ang tinutuluyan nilang boarding house.

"Nandito na tayo."  mahinang sabi ni Grace.


Huminto kami sa tapat ng gate.

"Paano pala ito?" sabay turo sa akay-akay kong babae.

"Ibaba mo na siya, ako na bahala sa kanya."

Sinunod ko naman ang sinabia nya at dahan-dahang ibinaba ang babae. Inalalayan naman ito ni Grace.

"Pasensya ka na dito sa friend ko, kanina ko pa hinahanap 'to. Hindi ko alam na uminom na mag-isa."

"Problemado ba yan?" tanong ko. Nagiging tsismoso na naman ako.

"Bakit mo natanong?"

"Ah, wala lang kasi---" naputol ang salita ko ng biglang.

"Anong nangyari dyan?!"  biglang sulpot ng isang matandang babae.

"Tita, nalasing eh, mabuti may nakakita sa kanya." sagot ni Grace.

"Diyos ko. ang babaeng ito talaga. Hala bilis. ipasok natin sya sa loob."

Agad silang pumasok sa loob. Naiwan ako sa labas. Na-isnob ako don ah.

Aalis na sana ako ng biglang lumabas si Grace.

"Kevin, pasensya na kanina ah. thank you nga pala ulit sa tulong mo. Hindi na kita masasamahang umuwi kasi hindi na din ako papayagan ni Tita Judith. Thank you talaga ng madami."  sabi nya habang nakangiti.

"Okay lang yon. sige una na ko." paalam ko dito.

"Sige, ingat!" huling sabi ni Grace habang papasok sa kanilang gate.

Minalas man ako dahil sa kaibigan ni Grace eh mukhang swete na din dahil nakita ko ulit ito. 

Matagal ko na kasing crush si Grace, highschool palang kami. Yun nga lang may boyfriend ito noon kaya hindi na ako nakaporma. Pero matagal na yon. Masaya lang ako dahil nakita ko ulit siya.

Umuwi akong nakangiti dahil sa mga nangyari.

A Jeepney Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon