Chapter 12

90 2 0
                                    

Tinotoo ko ang desisyon ko na huwag ng magpakita kay Cristine Hindi ko na siya tinetext at tinatawagan dahil binura ko na ang number niya kahit kabisado ko naman. Hindi na din ako nagfa-facebook para hindi ko mabasa ang mga message niya sa'kin, kung meron man.

Lahat ng makakapagpaalala sa akin kay Cristine ay inilayo ko na . Ipinokus ko na lang ang sarili ko sa mga bagay katulad ng pag-aaral. 

****

After 2 months ga-graduate na din ako. Mabilis lang ang 2 months, lumipas na ito at ngayon graduate na ako.

“Kevin, may sulat galing sa mga magulang mo” iniabot ni Tsong ang isang sobre sa'kin.

Agad ko iyong kinuha at binasa.

Isang magandang balita galing sa mga magulang ko. Napetisyon na pala ako at legal na akong US Citizen. Pwede na daw akong pumunta sa New York at doon tumira. Siguro kung si Tsong iyon malamang buong barangay imbitado sa Farewell party nito, sino ba naman hindi sasaya kung malaman mong titira ka sa America dahil US Citizen ka na.

Obviously, masaya ako dahil makakasama ko na mga magulang ko sa wakas, halos sampung taon nila akong ipinakupkop kay Tsong Macoy. Sampung taong hindi ko sila kasama sa buhay ko. Kaya yung panibagong sampung taon ng buhay ko ay igugugol ko sa magulang ko, pupunta ako sa New York at doon na ako titira kasama nila.

Paano ba yan, goodbye Pinas na 'ko. Goodbye na din kay Cristine. Actually wala na akong balita sa kanya. Pakialam ko, malamang boyfriend na nito yung Gabe na naka-blind date nito.

Umupo ako sa sofa, tinigan ko lang ang papel na kakabasa ko lang. '

'Habang buhay kong pagsisihan ang isang bagay na hindi ko nagawa sa buong buhay ko'--- hindi ko akalaing mare-realize ko yon ng isang minuto lang.

“Tama! ”

Napatayo ako at dali-daling umalis ng bahay. May kailangan akong gawin.

Ayokong magaya sa tiyuhin kong walang lovelife at the age of 40, ayokong maging malungkot buong buhay ko, ayokong dumagdag sa mga tangang lalaking pinakawalan ang pag-ibig nila dahil natakot silang ipaglaban 'yon at higit sa lahat ayokong mawala si Cristine dahil she is the one for me, nakakahawa din pala ang english speaking kong professor noon sa subject ko na Filipino.

Kailangan ko ng aminin kay Cristine ang feelings ko bago pa magbago isip ko at bago pa ako tumulak papuntang New York.

Dumiretso ako sa tinitirhang boarding house ni Cristine, doon naghintay ako hanggang sa makauwi siya. Sa labas ako naghintay.

Tik.. tak... tik... tak...

After almost 8 hours of waiting. May nai-spotan akong kotse na huminto sa tapat ng boarding house. Nagtago ako sa may poste, ng iniluwa ng kotse ang sakay nito, nakita ko si Cristine pero hindi lang siya may kasama pa siya at kilala ko kung sino iyon---si Gabe. Masayang niyakap at hinalikan sa pisngi ni Cristine si Gabe. Bigla akong nakaramdam ng selos, ayokong may ibang nagpapasaya kay Cristine. Bwisit na Gabe yan. 

Pumasok na sa loob ng boarding house si Cristine kasabay non ang pag-alis ko. Ayoko ng gawin ang dapat kong gawin, malinaw na sa'kin ang lahat. Akala ko may something kami ni Cristine pero wala talaga kahit anong piga ko. Kainis!

****

Nakahanda na 'kong lisanin ang Pilipinas at pumunta sa America. Iniayos ko na ang dapat kong dalhin, nai-empake ko na lahat ng gamit ko. Medyo hindi naman ako excited dahil next week pa naman ang alis ko.

Nagkulong ako sa kwarto ko buong araw. Iniisip ko kung paano ako magpapaalam kay Cristine.

Tatlong paraan ang naisip ko:

Una, sa personal, pero baka hindi ako makapagsalita dahil mukhang iiyak ako kapag ginawa ko yon.

Pangalawa, email na lang, pero naalala ko wala pa lang email si Cristine.

Pangatlo, susulatan ko nalang siya.

Sa huli ay yung pangatlo ang pinili ko. Kumuha ako ng malinis na yellow pad paper at ballpen. 

30 minutes ko ng tinititigan ang yellow pad paper pero ni isang patak ng tinta ng ballpen ay hindi pa sumasayad dito. Takte, wala akong maisip na farewell words.

Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim. Ito ang ginagawa ng mga writers kapag humuhugot sila ng inspirasyon para makapagsulat. 

“Bahala na, kahit ano lang.”

Sinimulan ko ng magsulat. 

****

This is it! This is really is it is it! Bon Voyage.

“Wala ka na ba nakalimutan dalhin?” tanong ni Tsong Macoy sa akin.

Nasa NAIA na kami at naghihintay ng flight ko.

“Wala na po”

“Mag-iingat kayo doon ah.”

“Opo kayo din po”

Niyakap ako ni Tsong Macoy. Nagpapasalamat ako dahil naging pangalawa kong ama ito for the past ten years na nasa puder niya ako. Wala na siyang makakasama kapag umalis na ako.

“Sige na, bago pa ako umiyak dito,aalis na ako. Mag-iingat ka doon ah”

“Opo, hayaan niyo tsong padadalhan kita ng chicks galing new york”

“Sira-ulo!”

“Ay! Teka , Tsong pwede ba makahingi ng pabor sayo?” mula sa bulsa ay kinuha ko ang nakatuping sobre. Iniabot ko ito sa kanya..

“Pakibigay naman kay Cristine ito.”

“Sige ba.”

“Salamat po.”

****

Iyon ang huling sandali ko sa Pilipinas. Sa isang iglap nakatira na ako sa sopistikadong lungsod ng New York. 

Major major culture shock ang inabot ko, inabot ako ng dalawang taon para makapag-adjust sa uri ng pamumuhay doon. Sa tulong ng magulang ko ay nagkaroon ako ng trabaho, nakapag-ipon na din ako kahit konti sa kinikita ko. In short, naging successful ako sa buhay ko. Madami na din akong nakarelasyon dito, yung iba pinay, yung iba kano at hindi tumatagal 'yon,mga isang buwan lang pinakamatagal. Flirt lang sigurong matatawag 'yon, ewan, hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ganon. 

Bigla kong naalala si Cristine, natanggap kaya nito yung sulat ko para sa kanya. I miss her so badly. Sana okay lang siya at sana masaya siya sa piling ni Gabe. Naiiyak tuloy ako, napaka-emo kong tao.

Nakatanggap ako ng isang hindi inaasahang sulat mula sa Pilipinas, hindi galing kay Tsong Macoy kundi kay Cristine. Mukhang naawa na sa'kin si Kupido, narindi na yata sa kakahiling ko magkaroon ng matinong lovelife.

.

.

.

*Last part na yung chapter 13, so stay tuned sa mga susunod pang mangyayari. :) *

A Jeepney Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon